Tuwing weekend, kapag may oras, bumibisita ako sa palengke. Pawis na pawis si Fran nang maabutan ko siyang nagbubuhat ng balde ng mga isda. Abala siya sa kaniyang ginagawa kaya hindi niya ako napansin.
"Nandito ka pala, Silvia! Halika rito oh, baka mangalay ka katatayo riyan!" tawag sa akin ni Ate Cecil. Siya ang kumuha kay Fran na katuwang ng kaniyang asawa sa pag-angkat ng mga isda. Minsan ay sumasama si Fran at bumibiyahe sila sa malalayong lugar. Iminuwestra ni Ate Cecil ang upuan na tinutukoy niya.
Nagpasalamat ako at umupo roon. Napansin ko ang pagkakahulma ng suot na itim na sando at jersey shorts si Fran sa kaniyang katawan. Hindi niya pa rin ako napapansin. Ayaw ko siyang abalahin. He's busy. Si Ate Cecil ay nagpatuloy sa pagbebenta ng mga isda. Nasasanay na rin ako sa amoy ng palengke sa dalas ng pagpunta ko rito.
Napatingin si Fran sa direksiyon ko. Dalawang beses pa siyang lumingon at nang masigurong ako nga iyon, inihakbang niya ang sarili papunta sa akin. Naglabas kaagad ako ng bimpo mula sa maliit na lunch bag na dala ko. Iniabot ko iyon sa kaniya na tinanggap niya naman. Umupo siya sa mahabang upuan na kinalalagyan ko.
Siya ang unang nagsalita, "Tapos na ako,"
Sinilip ko ang mga iniwan niya. Totoo ngang tapos na siya at wala na ring gagawin. Sa pagkakaalam ko ay kada dalawang linggo ang suwelduhan niya. Umusog ako palapit ngunit lumayo siya. I can see his sweat cascading down his muscular body. Nabalot ng pagtataka ang buong mukha ko.
"Pawis ako,"
Pilit kong lumapit lalo. Nagpupunas pa rin siya ng pawis. Wala namang kaso sa akin iyon.
"Mabango ka pa rin naman kahit namamawis," komento ko naman. Tumaas ang kilay niya kaya ngumisi ako. Kinuha ko na rin ang bimpo mula sa kaniya at ako ang nagpunas. Maingat ko iyong ipinunas sa kaniyang mala-eskultura na mukha. Sinunod ko iyon sa kaniyang leeg at batok. I held his hand, patting it on his shoulders. Ganoon din ang ginawa ko sa kabila. Umangat ang paningin ko at bumungad siya sa aking nakatitig.
"Bakit?" tanong ko.
"Ang ganda mo," umirap ako. Parang lalaki na ang ulo ko dahil ganoon lagi ang naririnig ko sa kaniya.
"Ang ganda mo rin," biro ko. Napangiti siya.
"Aba'y naaalala ko tuloy noong binata't dalaga pa kami ng asawa ko..." si Ate Cecil. Napaangat pa ang mata niya at tila binabalikan ang nakaraan.
"Ilang taon na po kayong mag-asawa?" tanong ko.
"E, dalawampu't lima na rin. Ang dalawang anak namin ay may sarili na ring pamilya. Nasa malayo sila ngayon na probinsiya,"
Napatango ako. She probably miss them. Ang gusto ko, kapag ako naman ang nag-asawa, iyong malapit lang kina Mommy. I'd be so homesick knowing I'd be far away from them for a long time.
Pumunta kami sa plaza dahil doon namin nakasanayan. Si Fran na ang nagbuhat ng lunch bag namin. Nang makaupo ako, nagtaka ako nang hindi pa siya sumusunod.
"Why?"
"We don't have water. Bibili lang ako," tumalikod agad siya. I nodded at him. Siya madalas ang nagbabaon ng pagkain sa amin at sabay namin iyong pinagsasaluhan. However, whenever I'm aware that he didn't bring any, ako ang nag-p-presinta kahit ayaw niya. Mabilis din siyang dumating. We talked while eating. Nasasanay na akong kasama siya. Kahit sa uni, minsan hindi ako sumasama sa mga kaibigan para makasabay ko siya.
I looked at the surroundings. Marami ring kumakain. May mga stall din kasi rito. There are families who also chose to stay here. Naalala ko ang sinabi ni Ate Cecil tungkol sa kaniyang mga anak.
"Fran," tawag ko.
"Hmm?"
"What's your plan... for the future?" kuryoso ako. Alam kong marami siyang nais na makamit. Matalino rin siya at labis na nagpupursige.
BINABASA MO ANG
Fuel to the Fire (Silvero Series #1)
RomanceSilvero Series #1 "You are like fuel to the fire. You always make things worse!" Para kay Silvia Valentin Carvajal, hindi niya mawari kung bakit bigla niya na lamang nagustuhan si Darius Franco Vallejo. She wasn't the type of person who would care a...