FTTF 14

18 3 1
                                    

"Oh, ayan na pala ang driver!" si Matilda hindi pa man ako nakauupo.

I immediately glared at Rovy. She immediately told them, huh? Bumungisngis si Laroi sa tabi niya. I annoyingly rolled my eyes at them.

Tawang-tawa si Rovy habang inuulit ang kinuwento niya sa kanila. Talagang inulit pa!

"Kapag alam kong hindi ako gusto, hindi ako maghahabol,"

"Bakit, gusto ko ba siya?" tanong ko.

They whistled.

"Tama,"

It's early in the morning and this is their conversation.

"Maganda naman ako. Sila ang lugi roon," Rovy chuckled when the topic of chasing someone shifted to the whole group.

"So, lugi si Haze?" pagsingit ni Laroi.

Natuon ang atensiyon ko sa kanila. Ngayong nasabi ang pangalan na 'yon, matagal ko na ring hindi nakita ang dating pinagkakaabalahan ni Rovy. I don't know what happened. What I only remember was that their communication fell off. Hindi ko na tinanong si Rovy. It was her privacy. Kung gusto niya mang sabihin, alam kong gagawin niya.

Rovy's expression immediately turned sour. "Tumigil ka nga, Laroi. I was only young that time," nagbato siya ng papel.

"Only young pero kung makalapit noon, ang agresibo!" si Matilda.

Apparently, Matilda had always been our schoolmate. Iba nga lang ang strand niya. That must've been the reason why we didn't know her. Haze was popular when he was here so there must've been a handful of people who were familiar with Rovy.

Our other friends only knew the name of the person that Rovy liked before. Hindi pa nila ito nakikita.

"Kapag talaga nakita ko iyang Haze na 'yan at pangit!" tumatawang sabi ni Laroi.

"He's handsome, I'm telling you," singit ni Matilda.

"Eh, tignan mo naman kasi iyong fling niyang iyan noong nakaraan," tinuro niya si Rovy. "Parang nireject ng ibang planeta at napilitang pumunta sa Earth!"

"The fuck, Laroi?" sinabunutan ni Rovy ang maikling buhok niya. They continued fighting.

"Kapagod kayong dalawa," tinatamad na tumalikod si Lorin.

Tumalikod na rin kami ni Matilda at bumalik sa kani-kaniyang upuan. Hindi na matitigil ang mga 'yon kapag nagsimula na. Ikaw lang ang mapapagod kasasaway.

Tanghali nang magkaroon kami ng vacant. Isang oras iyon at may klase pa kami hanggang alas kuwatro. Tumayo ako inayos ang mga gamit. Hiwa-hiwalay kami ngayon dahil may kani-kaniyang grupo kaming pupuntahan. By partner iyon at wala sa aming pinalad na magkasama.

"Saan tayo, Sil?" tanong ni Han nang makalapit ako. Inayos niya ang kaniyang salamin. He looks nerdy but in a good way. I personally think his features suit him. Mukha siyang tuta na inosente.

"Hmm?" busy kong tinipa ang cellphone. Tumatawag si Mommy. Tumingin ako sa kaniya at itinaas iyon saglit. He immediately nodded as if understanding my gesture. Lumayo ako nang kaunti at sinagot ang tawag.

"Mom?"

"Hello, Sil..." naririnig ko ang yapak niya sa tawag. "We're going on a business trip today. Will it be okay to leave you alone here?"

"Why is it so sudden?"

"I don't know with your Dad! Ngayon niya lang sinabi... Ikaw kasi, bakit mo ba nakalimutan?" she shouted at someone. I chuckled, Dad must've been with her.

"Ayos lang, My..."

Natigil siya sa pang-aaway kay Daddy. "Are you sure?" she worriedly asked.

Natawa ako lalo. Napansin ko si Han na nakamasid. Tumikhim siya at inalis ang tingin.

Fuel to the Fire (Silvero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon