FTTF 13

21 3 1
                                    

When I saw a picture that Rovy posted in her Instagram that night, I was greeted by the feeling of nostalgia.

She posted a picture of us when we were in high school. Iyon ang huling masasayang oras namin. It was captured on the beach in Malcav that we went to years ago. The same time I felt my first heartbreak. I was hurt because I had admired him.

Nakangiti kaming lahat sa picture na nakatingin sa camera habang ang kapaligiran ay pinalilibutan ng iba't ibang kulay ng ulap. The sun was setting and we all looked like we were having fun.

@deniseeee
Miss you, guys : (

@zurich_
Set na!

@henreal
You looked like a frog here, @zurich_

@rovyreece
replying to @henreal: true

@deniseeee
Hindi na namamansin iyong dalawa @silviavalentin @dariusfranco

@zurich_
replying to @deniseeee: Goals daw sila. Hindi kasi sila bati.

Napakunot ang noo ko sa pinagsasabi ni Zurich. He's so annoying!

Binaba ko na ang cellphone at naghanda para sa araw na iyon. Naalala ko pa noon, nagsimula ang pagmomodelo ko nang may lumapit sa akin na agent. Hindi ko iyon pinaunlakan. Sa freelance ako nagsimula at nang tumagal ay sinalihan ko na ang agency na kinabibilangan ko. It wasn't easy. May mga beses na totoong napunta ako sa mapanganib na sitwasyon noong mag-isa pa lamang ako. Modeling is a hard job. Iyon din ang dahilan kaya pumayag akong makasali sa agency.

My parents supported me. Labis ang pasasalamat ko na hinahayaan nila ako sa anumang gagawin ko. Dagdag pa na hindi ako nahihirapan dahil sinusuportahan nila ang pinansiyal ko.

I was beyond grateful. Alam kong hindi lahat ay ipinapanganak sa mayamang pamilya. When you really think about it, it's also a matter of luck. Maswerte ka na kung mayaman kang ipinanganak. Sometimes, it doesn't guarantee that you'll have loving parents. Pero alam kong mas pipiliin ng ibang tao iyon kaysa ang maghirap. There are also people who would choose the struggles rather than being away with their family.

Doon ko naintindihan... na iba-iba ang mga tao. Sabi nila, hindi raw natin gusto ang mga bagay na hinding-hindi natin makukuha. We pretend that we hate them. Pero kapag nabigyan tayo ng pagkakataon na matikman ang bagay na hindi natin nais sa mukha ng pagkukunwari, hindi natin mapipigilan ang sarili natin na maghangad pa nang mas lalo.

That was probably my situation with Darius. I supposed I hated him from the start, the reason I wasn't able to bond with him on the few years of our friendship. I knew he was hard to please. At alam kong... hindi ko siya makukuha. It wasn't hard to like him. Nang mabigyan nga ako ng pagkakataon na mas malapitan siya, siguro naghangad ako lalo.

Greediness would lead us to nowhere.

Pumasok ako sa university suot ang jorts at puting damit na pinaresan ng puti ring sapatos. Sinundan ko iyon ng rectangular black-framed sunglasses. I had my hair on a slick bun.

"Walang pasok today," tamad na salubong sa akin ni Rovy.

"Huh?" sayang ang outfit ko!

"They cancelled it. Pero may orientation tayong pupuntahan doon sa inner hall,"

I groaned. Nakakatamad makinig sa mga lecturers. It would surely be packed by many people.

Dahil sa hapon pa naman ang orientation ay napagpasyahan naming gamitin ang oras sa loob ng university. We both didn't want to go home. Nababagot kong sinandal ang kamay sa table. It's been three hours!

Our friends ditched us. Nalaman nilang orientation lang ang gagawin kaya hindi na tinuloy ang pagpasok.

Rovy suddenly rose from her seat. "Bakit ba natin sila sinusunod? Umuwi na lang din tayo!"

Fuel to the Fire (Silvero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon