"May hindi ka ba sinasabi sa amin, 'nak?" natigil ang pagnguya ko sa breakfast na iniluto ni Mommy. Nasa hapagkainan kaming tatlo ngayon at sabay na kumakain. They're all ready for their another business trip while I'm geared up for school.
"Ano namang hindi ko sasabihin, Mommy?" nagpatuloy ako sa pagkain.
Umiwas siya agad ng tingin. Hindi nawala sa akin ang pakiramdam ng nang-uusisa niyang mga mata.
"A-ah just normal activities... like love life, you know?" bumagal ang mga kilos niya.
"Bakit, Mom?"
Napalingon siya kay Dad. May kakuntsaba pa talaga siya. He was the one who spoke next. "Nakita raw ni Mommy mo na may naghahatid sa'yo sa gate ng subdivision,"
"I swear I didn't saw his face! That's why I'm curious. May nanliligaw ba sa'yo?" she really wouldn't let this opportunity pass. Tutok na tutok ang kaniyang atensiyon sa akin.
"May boyfriend ako, Mom,"
Nanlaki ang mata niya. Nasiko niya si Daddy na muntik nang mabitawan ang tasa.
"Huh? Sino ba 'yan? Kilala ko ba 'yan?"
Why do I feel like she wants something more?
"I'm actually planning to introduce him to you, kung gusto niyo..."
"I'm so curious, Sil. Is he someone I know?"
"Like... a son of a family friend?"
Kumunot ang noo ko. Masyado naman na siyang halata. Iisa lang naman ang pinakamalapit sa pamilya namin.
"No," panloloko ko.
Naibaba niya ang kubyertos. She tried to smile. Tila siya nahihirapang huminga sa ngiti niya. I was laughing inside.
"Uh... are you sure about that? It's our first time hearing you in a relationship. Naninigurado lang ako..."
"Aren't you excited, Mom?"
Nawala ang nadidismaya niyang mata. "No, no. I just want you to make sure you're dating a good guy,"
Natapos na rin akong kumain. "Ipapakilala ko siya, My. Kayo na ang kumilatis," tumayo na ako at hinalikan silang dalawa sa pisngi bilang pamamaalam.
Tumigil ako sa pinto bago lumabas. "By the way, Mom. His name starts with letter D,"
She almost spilled her water. Bumilog lalo ang hugis ng kaniyang mga mata. Natatawa akong tumalikod. Her voice echoing through the mansion greeted my ears.
"Anong D, Sil? Come back!" nabibitin ang kaniyang boses.
"Masama ang umaga niyan..." humahagikhik si Laroi habang nakatingin kay Rovy.
After putting the bag in my seat, I went to my friends who are standing in the hallway.
"Bakit?" tanong ko, tumatagal ang atensiyon kay Rovy na may kung anong kinakalikot sa telepono.
"Nakita niya si the Juan,"
My brows furrowed. It was followed by Matilda's voice, "Who's Juan?"
Tinulak siya ni Laroi. "Gaga! Tagal na nating magkaibigan, hindi mo pa rin magets humor ko,"
"Because your humors are not it,"
"Sabihin mo, slow ka,"
"The Juan that got away..." komento ni Lorin na busy rin sa telepono at nakasandal sa pader.
I laughed. So my hunch was right. Natigil din si Matilda na nanlalaki pa ang mata. She put her hands over her mouth.
"You mean the freaking handsome man called Haze?" she almost shouted. Tumingin sa amin si Rovy at umirap.
![](https://img.wattpad.com/cover/303298280-288-k182946.jpg)
BINABASA MO ANG
Fuel to the Fire (Silvero Series #1)
RomantikSilvero Series #1 "You are like fuel to the fire. You always make things worse!" Para kay Silvia Valentin Carvajal, hindi niya mawari kung bakit bigla niya na lamang nagustuhan si Darius Franco Vallejo. She wasn't the type of person who would care a...