Just like that, everything went back to normal.
Pinaluguran siguro ako ng langit dahil hindi ko na siya nakita kahit sa campus.
The slow days went by. Hindi ko muna balak tumanggap ng projects. Pinag-iisipan ko na baka hanggang fourth year na 'yon. Baka minsan na lang sa bakasyon ako susubok. I'll go back after getting a degree. Bumalik na rin sila Mommy galing business trip. Nasa dining kami ngayon at kumakain.
"Kumusta, 'nak? Were you fine being alone here?" sumubo si Mom sa sandwich. Nagbabasa naman ng dyaryo si Daddy.
"Mm. Nothing special...,"
Nagkatinginan sila ni Dad. Lumunok si Mommy at napatawa.
"Of course, of course... We're glad you seemed to be doing fine,"
Tumango na lang din ako. Nakita kong siniko niya nang pakunwari si Daddy. Sinilip niya pa kung nakita ko. I pretended I didn't see that. What are they doing?
"A-ah... did Darius check on you?" umiwas siya ng tingin at inabala ang mata sa putahe.
There it is!
"Yes... I said I'm fine alone," sagot ko na lang.
So this is where we're headed, huh.
"Isn't he your friend, anak?" dagdag pa ni Mommy.
Umangat ang matalas na tingin ko. Napaiwas siya. Kunwaring nagbabasa si Dad ngunit halatang nakikinig.
"Nothing..." she awkwardly laughed. "Finish your breakfast well," ngumiwi siya.
Akala ko tapos na. Kaya nang pumasok sa eskwelahan at paulit-ulit ko uli siyang nakikita, sumasakit ang ulo ko.
"Sil-" tumayo agad siya mula sa paghihintay sa labas ng silid. Lumampas ako at hindi siya pinansin.
Kung minamalas ka nga naman! All my friends are not here. Kinailangan ko lang pumasok ngayon dahil may usapang group activity.
Patuloy siya sa pagsunod. Pinagtitinginan na siya dahil halata namang hindi siya galing ng department namin. Sikat din siya. Hindi na iyon nagbago simula pa noon. Kaya nang maisip na baka may kumalat na kuwento tungkol sa amin, hindi na ako makapaghintay na maglaho sa dami ng mga tao.
"Darius!" sabay kaming napatingin doon.
May tumawag sa kaniya. Ganoon na lamang ang pagmamadali ko nang lapitan siya ng tumawag. Dumiretso ako sa parking at agad na umalis gamit ang kotse.
Hindi nawala sa isip ko ang hitsura niya nang sandaling balikan ko ng tingin ang likuran. Running, he suddenly stopped when he saw my car. Doon lamang siya natigil. Tahimik niya iyong pinagmasdan hanggang sa lumiit ang kaniyang pigura at mawala.
Ganoon ang sitwasyon namin sa makalipas na mga oras. He would often wait for me and will always end up being discouraged. Nagkaroon din ako ng bagong ruta sa campus. Imbes na sa dati kong dinadaanan, mas malayo na tuloy ang nilalakad ko ngayon para lang makaiwas. Kaya nang napagod ako, hinarap ko na siya.
"Sa cafe malapit sa subdivision," diretso at seryoso kong pagkakasabi.
He seemed confused at first. But I saw realization dawning on his face. Nauna na ako sa parking at pinaandar ang sasakyan.
When I arrived at the place I was talking about, I went inside and put my bag on the far corner. Sa second floor ang napili ko dahil napansin kong wala talagang tao roon. It seemed to be a slow day for the business.
Humarap ako para bumaba at mag-order. Sinalubong ako ni Darius. There was a bit of sweat on his temple that he wiped with a clean towel.
"Mag-o-order ka ba? Ako na lang..." malumanay niyang bigkas. Hindi niya na hinintay na magkapagsalita pa ako dahil tumalikod na siya at muling bumaba. Dala niya rin ang bag niyang hindi pa nailalapag.
BINABASA MO ANG
Fuel to the Fire (Silvero Series #1)
RomanceSilvero Series #1 "You are like fuel to the fire. You always make things worse!" Para kay Silvia Valentin Carvajal, hindi niya mawari kung bakit bigla niya na lamang nagustuhan si Darius Franco Vallejo. She wasn't the type of person who would care a...