My knee injury was so bad I had to get casted and put in crutches. My parents asked me what happened and I simply told them that I made a bad jump. After getting treated in the hospital, I simply laid myself in my room and thought of what happened.
Bumilis ang paghinga ko. Ako ang nadidiin ngayon sa bagay na hindi ko naman ginawa. I'm utterly disappointed and frustrated. Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa oras na makita 'uli sila.
Nag-aalala rin ako kay Denise. Is she okay now? I swear, I was only busy taking pictures when that happened! Kaya paanong nangyari iyon? Hindi ko nais mapaisip ng masama kaya iniiwasan ko ang rason na baka kagagawan ito ni Blaine. Gumulong ako sa kama sa frustration. Agad akong nagsisi nang maramdaman ang sakit sa tuhod.
I was lucky na isang tuhod lang ang tumama. I was also given pain relievers. It felt so terrible to walk. Halos hindi ko maiangat ang isang paa ko. They told me it was fractured and asked me to avoid other activities.
When monday came, my classmates immediately asked what happened. I simply told them the same thing, that I made a bad jump at tumama kung saan ang tuhod ko. I told everything to Rowan though. Naiinis siya ngayong nagsasalita. Itinaas niya ang kamao niya na tila nanggigigil.
"It's Blaine! Kagagawan niyo ito for sure!"
Bumuntong-hininga ako at napapikit. Hindi ko na alam. Because what if she really felt someone pushing her that time? But I was the only person in there with them kaya ako ngayon ang tila may kasalanan.
Hindi ako lumabas ng room buong morning and afternoon period. Pinabaunan ako ni Mommy ng mga pagkain kaya hindi ko na kailangang bumili. Buti na lang din at sa tabi ng field ang classroom namin. Hindi kami nabibilang sa nagtataasang building dito sa university. Iisa lang ang palapag ng buong area namin. It stretches the whole right side of the field. I would be having a hard time kung kailangang umakyat ng hagdan. I can't climb those ngayong pinapaiwas sa mga ganoon ng doktor.
A few minutes before PE ay napansin ko na agad mula sa bintana ang kumpulan ng kabilang strand. My heartbeat doubled, seeing those familiar faces. I don't want to see them right now. I was grateful to have a special pass in PE dahil sa sitwasyon ko. I don't have to go there and face them.
Nang mismong oras na para sa physical education subject ay nagpaalam na ang mga kaklase sa akin. They collectively offered to stay with me until the entrance of the uni but I told them not to bother. Kaya ko naman at isa pa ay naroon na si Sir Mike na maagang dumating. I waved goodbye at Rowan as she went out of the room. Ako na lamang ang natira.
Nagtagal pa ako roon ng ilang minuto bago napagpasyahang tumayo. I'm still getting used with these things. Tahimik kong sinuot ang bag sa likod at kinuha ang crutches.
Lumabas na ako ng room pagkatapos. I sighed as I felt the struggle of closing the door. Nang tuluyang maisara at mailock ang pinto ay napabuntong hininga ako.
Tahimik kong tinahak ang daan paalis. I remained as far as possible from the field kahit na kailangan ko naman talagang dumaan doon para makalabas ng area namin. While walking, I saw my classmates worriedly looking at me. Iyon ang naging dahilan para tumingin si Sir Mike at ngumiti. He gestured that I should go home. Tumango ako at nagpatuloy. On my silent attempt to go home, nakita ko ang mga mata ng ibang kaibigan. Napatigil si Zurich at sinundan ako ng tingin.
I met Darius' eyes which I immediately avoided. Pinagsikapan ko na lang na bilisan ang lakad ko. His words still hurt me like needles. He told me I was making things worst. I was only explaining! Tumalikod ako sa kanila at tuluyang nilisan ang lugar.
The Christmas dinner my parents were planning to have never happened. Nagrason ako noong araw na iyon na hindi maganda ang pakiramdam ko. Medyo maayos na rin ang paa ko at wala na ang crutches. Iyong cast na lang ang tanging natira na hindi pa maaaring tanggalin. I'm still having a hard time walking with that one knee. Minsan ay sumisige pa rin ang sakit at hindi ko pa mailakad nang maayos. Although I can already put my weight to it.
BINABASA MO ANG
Fuel to the Fire (Silvero Series #1)
Любовные романыSilvero Series #1 "You are like fuel to the fire. You always make things worse!" Para kay Silvia Valentin Carvajal, hindi niya mawari kung bakit bigla niya na lamang nagustuhan si Darius Franco Vallejo. She wasn't the type of person who would care a...