Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula. Basta ang alam ko... gustong-gusto ko siya.
"Alam mo, I'm always amazed everytime I see your face. Why don't you try modeling?" si Rowan na nakapangalumbaba at pinaglalaruan ang dulo ng buhok ko.
Sinara ko ang libro na hawak at lumandas ang tingin sa kuryoso niyang mata.
"Hindi ko pa naman naisip."
Umahon siya sa pagkakaupo at tinaasan ako ng kilay. "Bakit naman? You have the height and the body. Plus that face! Boys would love that. Pati siguro babae, gugustuhin na lang maging lalaki para maligawan ka."
Inilingan ko siya sa kaniyang kalokohan. Ever since 12th grade started, siya na ang kasama ko. Ngayong malapit nang matapos ang first grading ay siya pa rin.
Our features are contrasting. She has short hair and brown eyes. Mala-anghel ang mukha niya. Mas matangkad ako sa kaniya at mas mahaba ang buhok. My jet black hair falls to my waist. The feature I love the most are my amber eyes. I inherited it from my Mom. Sabi nila mukha raw akong seryosong bersyon ng aking ina. Mas gusto ko iyon dahil hindi ako madaling malalapitan.
Iba ang malaki kong grupo sa labas at si Rowan na lagi kong karamay sa loob ng classroom. She said she didn't wanna go out with my group. Hindi ko naman na pinilit.
I've been in that friend group for years. I decided to go for humanities habang related naman sa science ang sa kanila. Coincidentally, magkakasama ang mga lalaki sa isang room at gano'n din ang mga babae kong kaibigan. Ako lang talaga at si Rovy ang nahiwalay. Though we're not in the same section.
Noon pa man, hindi na kami magkasundo ni Darius. He's too far to reach, even with the small distance we have. Hirap na hirap akong abutin siya. O hindi niya lang nais na magpaabot.
But everytime I notice the small details about him, I get this strange feeling.
"Tara na, Sil! Punta tayong cafeteria." pagtunog ng bell udyat ng tanghalian ay nag-aya na si Rowan.
Naglabasan din agad ang chats mula sa mga ibang kaibigan. Nag-aayaan silang kumain sa labas. I immediately exited the application and turned off my phone.
Tumayo ako at nagpatianod kay Rowan. Dahil alam ko naman na lalabas sila, I didn't have to worry about anything. Even so, I decided to go to the far corner habang si Rowan na ang bahalang mag-order ng pagkain.
Ewan ko ba kung bakit ko ito ginagawa. I've already made peace with the fact that Darius will reject me, agaran man o hindi. And he really did. Hindi ko nga lang alam ang gagawin ngayong nahindian na.
Hindi kalaunan ay dumating din si Rowan dala ang kanin na may ulam. She included her juice habang iced coffee naman ang sa'kin.
"What are you going to do now?"
Nagkibit balikat lamang ako habang ngumunguya. Sa malayo, tanaw ko ang nagsasayawang puno dahil tabi lamang ng field ang cafeteria kaya't paborito itong tambayan ng mga estudyante.
Ngumuso si Rowan. "Sa reaksiyon mong 'yan at kung hindi kita kilala, iisipin kong wala kang gusto kay Darius."
Nagkibit akong muli ng balikat. Boys aren't my priority. Pero dahil nadala na ako ng damdamin, hindi ko na napigilan ang umamin. It hurt a little. But that doesn't mean that my world is ending soon.
Umuna si Rowan na bumalik ng classroom pagkatapos dahil may dadaanan ako sa faculty. Ako ang President ng klase at naatasang kuhanin ang materials na nais ipasagot ni Ma'am Rufina dahil paalala niyang wala siya ngayong araw.
"Valentin! Lalo kang gumaganda, anak." bati sa akin ng aming guro last year na si Ma'am Soledad.
Pagkatapos kunin ang mga sasagutan ay siya ang bumungad sa akin.
"Salamat po..." Marahan kong sagot na may tipid na ngiti.
Mula sa paghawak sa braso ko ay napunta ang tingin niya sa likod ko. "Oh, Darius! Ilagay mo na lang dito." sabay senyas niya sa mesa na nasa tabi ko lamang.
Agad na lumukob ang panlalaki niyang amoy sa aking sistema. Hindi ko mapigilan ang saglit na mapatigil sa dahilang sigurado ako kung sino ang kinakausap ni Ma'am Soledad.
Sa paglingon ko, agad kong napansin ang kaniyang itim na relo at bag na nakasukbit sa kaniyang balikat. Saglit lamang ngunit nahagip ko ang pagkunot ng kaniyang noo at pagtataka sa aming pagkikita. Tumikhim ako at nagpaalam na. Buhat buhat ang mga materyales, I walked briskly in the now empty hallway.
"Silvia." two syllables and it was enough to alert my system.
Suminghap ako at dahan-dahang lumingon. Nakaukit pa rin ang kaunting kunot sa kaniyang noo habang tinatahak ang aming distansya. Nang sakto na lamang ay tumigil siya. Hindi malapit at hindi rin naman malayo. Tila pahiwatig, na hanggang ganoon lamang.
"You didn't join earlier."
"I had Rowan with me."
"You should have told us." sagot niya sa maikli kong paliwanag.
"I will next time. My phone's dead." pagrarason ko kahit hindi naman. Sa sitwasyong ganito, tila gusto ko na lang magpakain sa kumunoy. Mauubusan na ako ng irarason kung sakali mang may kasunod pa.
Tumingin ako sa gilid nang mamutawi ang katahimikan. Matapang kong sinalubong ang kaniyang mabigat na titig.
"Kung wala na, uuna na ako." at agad na tumalikod.
"Saglit lang." hindi pa man nakakadalawang hakbang ay napatigil din ako. "Kumain ka na ba?"
Napaawang ang aking labi sa narinig. Para na akong mahahapo sa haba ng usapan namin. Hindi ko alam kung gusto ko na bang kumawala o patagalin pa.
"I did."
Tumango siya nang marahan taliwas sa kaniyang malamig na mga mata. Gusto ko mang magsalita ay tila nahihirapan ako.
"Darius. Tara na." isang boses ang umudlot sa aming sitwasyon.
Paglingon ko ay naroon si Blaine. Lalo kong natutop ang aking labi. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang napansin ko noong nakaraan.
Lumapit siya kay Darius. Nang mapatingin ako sa kanilang distansya na malapit, doon ko mas napagtanto ang agwat namin ni Darius na halos hindi maabot ng aking kamay. Samantalang siya, tila hindi niya alintana.
"Una na kami, Sil." paalam ni Blaine pagkatapos kumapit sa braso ni Darius. Doon dumako ang aking tingin. Nang mag-angat ako ng mata ay nahagilap ko ang mata ni Darius na tila nanonood.
"Aalis na rin ako. Ingat kayo." maliit na ngiti ang iginawad ko at agad na tinungo ang daan pabalik.
Nagbalik sa akin ang usapan namin ni Rowan kanina. Alam kong hindi ako magugustuhan ni Darius. I've already made peace with that fact.
Bakit parang tila may nararamdaman akong bumabali sa opinyon kong iyon?
BINABASA MO ANG
Fuel to the Fire (Silvero Series #1)
RomanceSilvero Series #1 "You are like fuel to the fire. You always make things worse!" Para kay Silvia Valentin Carvajal, hindi niya mawari kung bakit bigla niya na lamang nagustuhan si Darius Franco Vallejo. She wasn't the type of person who would care a...