Prologue

44 3 0
                                    

And when you feel like the time is right, you should grab the chance to seize it. Own it.

"I like you, Darius."

Dumaan ang kaniyang mabibigat na mata sa akin. Sa kaniyang tangkad at sa tindig, dagdag pa ang malinis na pagkakasuot ng uniporme, I know for sure that many girls would flock over him. Pero dahil hindi niya binibigyan ng kahit anong atensyon, walang sumusubok. He's so unreachable.

Hindi siya nagpakita ng kahit na anong emosyon. Na parang alam niya na... na gusto ko siya.

"We're friends, Silvia. I don't entertain friends." tugon niya sa malamig na tinig.

Sa halip na madismaya, tumango ako. Alam ko na hindi niya ako gusto. At siguro hindi magiging kailanman. But I wanted to let it out because I feel like I would burst if I didn't.

"You should go back. They've been waiting for us. Tayo na lang ang wala pa." Tinalikuran niya ako na tila wala siyang narinig na anuman mula sa akin. That what I said didn't matter dahil sanay na siya sa mga babaeng nagpapakita ng pagkagusto sa kaniya.

It also didn't matter to me. Tanggap ko anuman ang magiging resulta. But we're friends. Maybe I was expecting him to be less colder than usual.

Sumunod ako sa kaniya na parang wala lang. I was tailing him with a fake facade. Na parang walang nangyari.

"Oh, nandito na pala kayo! Kanina pa kami naghihintay oh!" reklamo ni Zurich at eksaheradang hinawakan ang tiyan na parang namimilipit.

Sinapak siya ni Denise at hindi pa nakuntentong tinulak sa ulo. "Tumigil ka nga. Parang hindi mo inubos kanina 'yung pagkain ko."

"Saan ka galing, Darius?" biglaang tanong ni Henry.

Umupo ako sa bakanteng upuan nang mapagtantong ang natira na lang din ay ang upuan sa harapan. He sat in there at pinatunog ang mga daliri sa table.

"It's nothing. May ginawa lang."

Tumingin ako sa kaniya nang diretso. Seemingly on cue, pinasadahan niya rin ako ng malamig na titig. Mabilis lamang iyon at umiwas siya na parang hindi niya ako matagalang tingnan.

"I heard that the highest honors came from your strand. Hindi nga lang nabanggit kung sino." tukoy ni Rovy habang pinapaikot ang kulot na buhok.

"Obviously, it's Darius again." si Blaine na nasa dulong parte ng mesa.

"Wala na! Ayan na naman siya! Dahil diyan, ilibre mo kami ng pizza!" sigaw ni Zurich na dahilan para maghagalpakan ang mga tao sa lamesa.

In the midst of the seemingly fun atmosphere, nahagip ko sa mata ang tingin ni Blaine kay Darius. Nang masundan ko ng tingin, tila may hindi maipaliwanag na pakiramdam ang dumapo sa akin.

He's also staring. Umukit ang mas malaking ngiti sa mukha ni Blaine at pasimpleng umiwas. Hindi nakatakas sa akin ang maliit na ngiti sa labi ni Darius. Naglaho nga lang nang mapansin akong nakatingin. Just like that, he was back to his usual self.

May parang kung anong bumundol sa puso ko sa realisasyon.

I shouldn't care, right? Or maybe I'm just trying to convince myself. Na wala akong pakealam na kung kaya hanggang ngayon ay hindi siya nagkainteres sa kahit kanino ay may mas malalim na dahilan. Na may ibang babae na sa isip niya.

I thought he doesn't entertain friends? Pero ba 'pag sa kaniya...

Fuel to the Fire (Silvero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon