Inaamin ko, iyon lang ang tanging naisip ko sa mga sumunod na araw ng bakasyon.
Nakatulala pa rin ako sa kisame at nakikita ang paulit-ulit na paglapit niya sa akin. Nababaliw na yata ako!
But I knew that it wasn't right. Nadala lamang ako. Hindi ko na hahayaang mangyari uli ang sitwasyon ko noon. I was just swayed by my feelings before. Iyon ang tanging kaisipan na nakapagpapatino sa akin kahit nang makaalis na ako ng mansion.
"Bili na kayo ng isda!"
Napatingin sa akin ang tindera na mas lalong nanlaki ang mata sa panghihikayat.
"Bili ka na rito, neng!"
Sinilip ko ang mga paninda niya. Natigil noon ang aking pag-iisip. Marami silang lamang-dagat na benta.
Balak ko sanang mamili ng catfood ni Pumpkin. I was on my way when the seller called me. Should I buy one? Masarap sigurong gawing sinigang iyong hipon. Linggo ngayon at katatapos ko lang magsimba. I'm all alone since my parents are on a business trip. Hindi ko tuloy alam kung bibili na rin ba ako rito ng ulam. Ngumingiyaw na siguro iyong pusa ko sa paghihintay.
Sa huli, napansin ko na lang ang sarili kong kinukuha ang inabot na supot ng tindera. Bumili ako ng hipon na pwedeng ihalo sa pagkain ni Pumpkin. Sinama ko na rin ang alimasag na magtatagal hanggang bukas sa dami.
"Oh, ikaw pala Darius! Naku, kunin mo na iyang balde ng isda at iabot mo sa asawa ko. Kanina pa iyon naghihintay!" mula sa akin ay napunta ang mata ng ginang sa aking likod.
Huh? Nanlaki ang mata ko. Hindi naman siguro iyong parehong Darius na kilala ko iyon? I'm so assuming sometimes. Kinuha ko na ang wallet para iabot ang bayad.
"Anong ginagawa mo rito?" boses na baritono ang kumaway sa aking pandinig. Mas lalo akong natigil sa kinatatayuan.
Hindi ako pwedeng magkamali. Lumingon ako sa aking gilid at ganoon na lang ang mas panlalaki ng aking mga mata.
It's really Darius... and he's topless.
Sinuyod ko ang mata ko sa kabuuan niya. Sa nagdaang panahon, totoo ngang mas humitik ang pangangatawan niya. He became much taller too... and his aura is now much darker. Mas nakakatakot na siyang lapitan.
Naalala ko tuloy ang mga pagkikita namin sa mga oras na nagdaan. Sa kotse, sa university, at pati na roon sa parke. Lalo na roon sa huling interaksiyon namin sa dagat... He was off my radar for the past long years and now his presence is crawling nearer again. Hindi ko iyon gusto. Matagal ko nang ibinaon ang nararamdaman ko sa hukay. Hinihiling ko lang... na sana ay hindi na ito muling mabuhay.
"Nagtatrabaho ka rito?" tanong ko, trying to act like nothing happened. Napatuwid ako lalo ng tayo.
Nagpunas siya ng pawis at hindi na napansin ang tanong ko sa kalagitnaan ng pagbubuhat ng balde. His arms flexed with the sudden movement. Napansin ko rin na hindi na siya gaanong kasingputi ng dati. It must be because of labor.
Kailanman ay hindi ko naisip ang kasalukuyang hitsura niya. He was more into studies and he looked like he wouldn't even spare you a glance as long as he's studying. Siguro ay nanibago ako dahil noon ay parang libro lang ang pinagkakaabalahan niya.
Kinuha ko na rin ang oras ko na bayaran ang binili. Tumingin sa akin ang tindera. Sunod ay nilingon niya ang lalaki sa aking gilid. "Magkakilala kayo nitong magandang dalaga, 'nak?"
Judging from her endearment, Darius have been here many times. Nilingon kami ni Darius at iginilid ang ibang mga balde. Tumayo siya nang mabuti sa sumunod na kilos niya.
"Aba'y girlfriend mo ba ito?" lumakas ang boses niya sanhi ng pagtitinginan ng iba pang tao sa palengke.
Natatawang humalakhak ang tindera kasunod ay binigyan niya ng kakaibang tingin ang tindera sa kabilang stall. "Wala pala iyang anak mo, Martha. Talo na. Ganda ng girlfriend nitong si Darius, oh,"
![](https://img.wattpad.com/cover/303298280-288-k182946.jpg)
BINABASA MO ANG
Fuel to the Fire (Silvero Series #1)
RomanceSilvero Series #1 "You are like fuel to the fire. You always make things worse!" Para kay Silvia Valentin Carvajal, hindi niya mawari kung bakit bigla niya na lamang nagustuhan si Darius Franco Vallejo. She wasn't the type of person who would care a...