"Punta na kasi tayo sa Malcav!" si Denise sa pang-ilang mga pagkikita namin sa buwan na iyon.
Tumingin si Rovy sa kaniya at nagtatakang tumingin. "Ano bang gagawin natin doon? Ang layo,"
"Dagat, malamang! Pwede tayong pumunta sa Sabado,"
"Malapit lang kaya. Katabing bayan lang naman," dagdag niya pa.
Lumingon naman sa akin si Denise at nagpapaawang tumingin. I sighed and silently glanced away. Upon doing that, I met Darius' piercing gaze. Ngingitian ko na sana siya nang umiwas siya ng tingin.
Malcav is the town next to Silvero. Kung puro bundok, fresh water, at malawak na lupain sa Silvero, sikat naman sa malawak na dagat ang Malcav. It's a few minutes drive from here.
"Bahala ka," naiinis na turan ni Rovy nang paulit-ulit siyang guluhin ni Denise.
Denise beamed and started planning. I only listened to their plans about what we're going to do. Pupunta kami sa darating na weekend at ang sasakyan nila Henry ang magdadala sa amin. Now that I'm free from the cast on my foot, malaya na akong nakagagalaw. Mas guminhawa ang pakiramdam ko ngayong wala na akong iniisip na kailangang ingatan. I was always worried about it touching something. The last time hurt so bad.
The slow days went by. I glanced from the railings of my room. Nasa balkonahe ako ngayon at minamasdan ang papalubog na araw. May maliit na lamesa at upuan sa gilid. I specifically wanted to design it like that.
Somehow... the sky is so comforting. Kaya ko itong pagmasdan kahit lamukin pa ako. I chuckled.
"Sil!"
Kumunot ang noo ko nang may makitang pigura sa labas ng gate. Maliit lamang iyon dahil may kalayuan. Humilig ako para mas makita ang tumawag.
Zurich? What is he doing here? Kumaway-kaway pa siya at nanatiling nakatayo sa harap. I made a sign telling him to wait for me. Bumaba ako mula sa pangalawang palapag at dumiretso palabas.
"May pupuntahan ka?" Mom asked as I walked near her.
"Diyan lang, My," I told her.
Bagaman nagtataka ay tumango siya. She told me to take care of myself. Lumabas na ako ng gate na pinagbuksan ng guard.
"What are you doing here?" tanong ko.
Papadilim na at naririnig na ang mga kuliglig. Umayos siya sa pagkakasandal sa pader at ngumisi.
"Wala lang,"
I rolled my eyes and intently stared at him. Kalaunan ay ngumuso siya.
"Fine," suko niyang sagot at napakamot sa ulo.
"May ano kasi..."
Tumaas ang kilay ko lalo. Ang tagal niyang sumagot. Pinagloloko niya ba ako?
"May tanong ako,"
"What?"
"Anong magandang regalo sa babae?" nahihiya niyang tanong.
"You went here just for that?"
"Hindi, ah! May group work kami sa malapit,"
Mas lalong napaarko ang kilay ko. Ngayong may naisip ako ay sandali akong natawa. He must be planning for Denise's birthday this Friday.
"Denise?"
"Oo sana..."
Sandali akong nag-isip. Hindi ko naman alam ang partikular na gusto niya sa mga gamit.
"Hindi ko rin alam,"
"Ano?" naguguluhan na tanong niya.
"Bahala kang mag-isip," I was only teasing him.
BINABASA MO ANG
Fuel to the Fire (Silvero Series #1)
RomanceSilvero Series #1 "You are like fuel to the fire. You always make things worse!" Para kay Silvia Valentin Carvajal, hindi niya mawari kung bakit bigla niya na lamang nagustuhan si Darius Franco Vallejo. She wasn't the type of person who would care a...