FTTF 3

22 4 0
                                    

"Hindi nga sabi ako sasama," iling ko sa pamimilit ni Rowan.

Kanina pa niya ako pinipilit na umalis na nang saktong tumunog ang bell hudyat ng lunch sa araw na iyon. Sinabi niyang marami pa siyang gagawing activities. Napaangat ang kilay ko. We're classmates, hindi niya ako maiisahan! Alam ko ang dahilan dahil nakuwento ko sa kaniya ang pangambang baka totohanin nga ni Darius ang sinasabi niya noong nakaraan.

"It's your time para magpapansin, Sil! Grab your chance!"

"Hindi ako papansin."

Humalakhak siya. "Hindi, kailangang papansin tayo sa crush natin!"

Umiling ako, unti-unting napapagod sa kalokohan niya. Katok sa pinto ang tumigil sa aming pag-uusap. Bumungad si Evan na dahan-dahang umaalis. Sa likod niya ay si Darius. Ang traydor na iyon, may gana pang magpakita!

Makahulugang tingin ang iginawad ni Rowan habang ako ay hindi alam kung ano na nga ba ang kasunod ng pagpunta ni Darius na halatang naghihintay. Sa huli ay tinulak na lamang ako ni Rowan at siya na ang nagsukbit ng bag sa aking balikat.

"Agawin mo kay Blaine, Sil..." bulong niya nang matagumpay niya akong nadala sa puwesto ni Darius. Napakurap ako at napatikhim. He glanced at his wrist watch.

"Let's go," malamig na tinig niyang anyaya at agad na tumalikod.

Agad din naman akong sumunod. Lumingon siya pabalik, tila sinisiguradong nakasunod nga ako.

Nagpatuloy kami hanggang makalabas kami ng eskuwelahan. "Sa may karinderya sila naghihintay."

Tumango lamang ako at tahimik na sumunod. Ganoon na lamang ang aking gulat at halos muntik mapatalon nang magdikit ang aming braso. Doon ko napansin na may hawak na siyang payong. Diretso lamang ang tingin niya sa harap.

Malalaki ang biyas niya. Sa tingin ko'y pilit niyang binabagalan nang makasabay ako. Sa lahat ng aming interaksyon noon pa man, ito na ata ang pinakamalapit kong distansiya sa kaniya. Kahit sa mga nagdaang taon ay hindi kami nag-uusap nang ganito kapersonal. Parang sa ibang mga grupo na may malapit at mayroon namang hindi.

In our case, it was the latter. Kahit pa magkaibigan ang aming mga magulang ay hindi naman kami naging ganito. Napakunot ang aking noo. Did my confession made a difference? O naaalala niya pa ba? Dahil mukhang hindi nangyari ang lahat ng iyon sa kaniya.

Kahit sa init ng panahon ay malinis pa rin siyang tingnan. Hindi katulad ng iba na pawisin at mukhang... dugyutin. He's so different.

Sa paglalakbay ng isip ko ay hindi ko namalayang narating na pala namin ang destinasyon.

"Welcome back, Silvia Valentin!" ang malakas na boses ni Zurich ang nangunguna. Nangingisi na lamang ang iba sa kaniya, sanay na sa pinapakitang ugali.

Ngumiti ako at nakitawa. "Sorry, I was busy with school activities..." rason ko kahit hindi naman totoo. Nabibilib pa nga akong kaya kong magsinungaling nang diretso.

Nahagip ng mata ko ang sulyap ni Darius. Tila nagsasalita ang kaniyang mga mata at alam lahat ng aking sikreto. Agad akong umiwas. Humanda ka talaga, Evan!

Umupo na ako sa upuan na bakante at pinalibot ang tingin sa karinderya. I missed this place. Dito kami naglalagi tuwing napakaraming tao sa cafeteria sa loob ng university. Higit pa sa mura ay mas masarap sa panlasa ang lutong ulam. Si Darius naman ay umupo sa bakanteng nasa mismong tapat ng aking puwesto.

"Inorderan na namin kayo," si Denise.

"Oo nga't ikaw ang nag-order pero ako ang pinagbayad!" kontra ni Zurich.

"Ewan ko sa inyong dalawa," si Henry na mukhang napapagod na sa kanila.

Nagtawanan ang lahat. "Ako na ang magbabayad para sa aming dalawa ni Sil," nilalabas na ni Darius ang kaniyang pitaka.

"Huh? Sige..." napaamang si Zurich. Nagpalitan sila ni Henry ng makahulugang tingin. Napanguso ako, nilalabas na rin ang pitaka para magbayad para sa sarili.

Umangat ang seryosong mata ni Darius sa aking galaw. "Wag na," pigil niya. Doon ko lang tinagong muli ang sanang pambayad. I don't want to keep on insisting. Hinayaan ko na lamang siya.

Nagsimula na rin kaming kumain pagkatapos. Now that I'm here, I'm starting to realize that I've missed my moments with them. Masaya rin ako kay Rowan. Iniisip ko na ring pilitin na lang siya na sumama sa amin o kaya kahit tingnan niya lang muna kung magugustuhan niya ba at siya ang bahala kung gusto niyang manatili o hindi.

Sa kalagitnaan ng aking pagnguya ay nagsalita si Blaine. Halos hindi ko naramdaman ang kaniyang presensiya ngayong tanghali.

"You were busy with your activities, Sil?"

I nodded, pinapanindigan ang rason.

Tumingin siya sa lahat ng nasa table. "Huh? madali lang naman matapos yan, Sil..."

"Mas mahirap nga ang sa amin, e. Sa inyo, sulat lang nang sulat..." dugtong niya.

Doon na napakunot ang aking noo. Natigil din ako sa pagkain. Hindi ko inaasahang masasabi niya iyon. Biglang namayani ang katahimikan sa table. Kahit si Denise at Zurich na kanina pang nag-aasaran ay hindi ko narinig.

"Hindi lang iyon sulat, Blaine."

Oo at hindi totoong busy ako kaya hindi ako nakakasama sa kanila nitong nakaraang mga linggo. Pero hindi ko matatanggap kung ganitong minamaliit ang kinuha kong strand.

"Sa amin kasi ay maraming computation at puro Science. Bakit kaya pa rin naming sumama sa barkada kahit na mas mahirap ang sa amin?"

Napaangat ang kilay ko at tumabang ang pakiramdam. Kung kanina ay nakakakain pa ako, ngayon ay hindi na.

"Walang madaling strand. Pareho ring may Science ang sa amin at may computations din." seryoso kong sagot.

"If you say so..." ngayon ay may kaunting panunuya sa kaniyang tinig.

"Blaine, stop it." si Darius.

"Totoo naman, ah?" sinuyod niya ang tingin sa table, tila naghahanap ng kakampi. Nag-iwasan sila ng tingin habang nakakunot na ang noo. Sa mukha pa lang nila ay tila hindi rin sila sang-ayon sa kinakahantungan ng sinimulan ni Blaine.

"Tama si Sil, Blaine. Walang mahirap na strand. Hindi ikaw ang makakapagsabi ng intensidad na kinuha niya dahil hindi naman natin naramdaman iyon." si Denise.

Nag-amba na akong tatayo. Hindi ko na gusto kung saan ito napupunta.

"Aalis na muna ako... May hindi pa ako natapos na gawain," dahilan ko na lang kahit alam kong hindi kapani-paniwala.

"Mas mabuti pang magpalamig na muna kayo. Dalhin niyo na rin muna si Blaine sa labas." anyaya ni Henry.

"Ako na ang magdadala sa kaniya." naunang tumayo si Darius at naghintay kay Blaine.

Doon mas tumindi ang kagustuhan kong umalis. Parang may nagbabara sa lalamunan ko. Sasamahan pa siya pero wala man lang bang magbibigay ng suporta sa akin?

Lumingon ako sa table habang ang lahat ay halos hindi makatingin. Bumuntong-hininga ako at agad na binuhat ang bag. Dali-dali akong tumayo at nilisan ang lugar.

Mabigat ang loob kong naglakad pabalik. Sana pala hindi na lang ako nagpasyang sumama.




Fuel to the Fire (Silvero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon