FTTF 19

19 4 2
                                    

"Give me your schedule, Mom,"

Tumaas ang kilay niya sa akin. "Para saan?"

"Ipapakilala ko ang boyfriend ko..."

"But I'm busy, 'di ba hon?" lumingon pa siya kay Daddy.

"Don't you want to meet the man your daughter wants?" tanong niya. Napanguso si Mommy. She has been sulking for a while now. One time, she asked me if it was Darius and I said no. Sinabi kong ibang letter D. Binibiro ko lang naman siya. Masyado niya 'atang gusto si Darius.

"We're free later. Dalhin mo na lang siya sa dinner. Nandito kami mamaya ng Mommy mo," suhestiyon ni Daddy.

Lalong umasim ang mukha ni Mommy. Napailing ako sa kaniya. She has been creating alibis to postpone this meetup. I can now rest knowing that it will happen later today. Paano ba naman, matagal na rin simula noong sinabi kong may boyfriend ako. I thought she would be excited.

Pagkatapos magpaalam sa pusa kong si Pumpkin at nag-refill sa kaniyang automatic feeder, lumabas na ako ng mansion gamit ang sariling sasakyan. Nasa uni na ang mga kaibigan ko nang dumating ako. Agad ring nagsimula ang klase kaya naging abala kami sa pag-aaral.

@dariusfranco
Where are you?

Agad akong nagtipa habang nakikinig.
@silviavalentin
I have class right now. Ikaw?

@dariusfranco
My class just ended. Can you give me your schedule?

Sinend ko ang file sa kaniya.

@dariusfranco
Pupuntahan kita mamayang tanghalian.

Hindi na ako nakapagreply dahil palinga-linga na ang professor. Nakinig na lamang ako kahit na naiinip na ako kahihintay na magtanghali. I was already looking forward! Mahirap pala ang ganito.

"Girls, tara na!" si Lars ang unang tumayo nang mag-anunsiyo ang huling guro namin na tapos na ang klase.

"Teka lang, ah! Hindi naman halatang gutom ka na 'no?" si Matilda.

"Chaka! Iwan na natin 'yan, ang bagal!"

"Big back, big back,"

I laughed. I remember that phrase from a famous meme. Nalukot ang mukha ni Laroi at nauna nang lumabas. Sumunod na rin kaming lahat at naabutan ang natutulalang si Laroi.

"Am I seeing the guy of my dreams?" bigkas niya. Lumingon ako at nakita si Darius na nasa gilid at nagtitipa. Tumunog ang telepono ko.

@dariusfranco
Nasa labas ako, Sil.

Lumapit na rin ako sa kaniya. His eyes went from the phone to me standing in front of him. He has his default serious expression. "Tara?" anyaya ko.

Narinig ko ang bulung-bulungan ng mga kaibigan ko. I heard Rovy shushing them. Kahit si Lorin na tahimik ay may gulat na eskpresyon kagaya ni Laroi at Matilda.

"I have plans today. Kayo na lang muna," pamamaalam ko. Napipi 'ata ang tatlo kaya si Rovy ang tumango at nagpaalam. She gave me a knowing smile before we left.

"Saan tayo?" tanong ko.

Dinala niya ako sa mapunong parte sa likod ng university. Malawak ito at may pader sa dulo. Malakas ang simoy ng hangin at nakikita ang bundok sa malapit. It has a sign "forest" on the entrance. Many students refer to it like that.

Umupo kami sa dulong kahoy na lamesang may upuan. I suddenly remember the time we went out. Parang kapareho ito noon. Kinuha niya mula sa akin ang aking bag at nilapag iyon sa lamesa. He also let his bag out like that. Itim iyon at malinis.

He opened it and took out two lunch boxes. "Pinagbaunan kita,"

Nanlaki ang mata ko. Seryoso niyang inaayos ang pagkakasalansan ng mga gamit at inihain iyon sa harap ko. Binuksan niya pa at naamoy ko ang langhap ng karne. Naglabas pa siya ng iba pang lalagyan na may lamang mga prutas.

Fuel to the Fire (Silvero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon