Panimula

120 10 0
                                    

Sa isang maliit na nayon sa gitna ng kagubatan, may isang babae na pilit tumatakbo at tinatakasan ang mga bandido na kanina pa naghahabol sa kaniya.

“Bilisan niyo! Mga bobo iisa lang yan ang dami dami niyo!” sigaw ng kanilang lider na kanina pa naiinip dahil hindi nila mahabol habol ang babae.

Nanginig sa takot ang babae at mas binilisan niya pa ang pagtakbo ng biglang humilab ang kaniyang tiyan. Napamura ang babae at hinawakan ang kaniyang tiyan habang naiiyak na at nawawalan ng pag asa.

‘Anak pakiusap wag ka munang lumabas, wag muna ngayon’ pakiusap ng babae sa kaniyang anak kahit hindi niya ito maririnig. Ang babaeng ito ay nagdadalang tao at umaasa na sana ay mayroong tumulong sa kaniya sa gitna ng kagubatan.

Tinawag na yata niya ang lahat ng santo sa kilala niya ngunit sa kasamaang palad ay naabutan parin siya ng mga bandido. Hindi na niya napigilan na mapaiyak sa kawalan ng pag asa dahil alam naman niya na kahit anong pakiusap niya ay hindi siya pakikinggan ng mga lalake.

“Sa wakas! Nahuli ka din namin!” naghalakhakan ang mga kalalakihan habang pinagtutulak at pinagpapasapasahan ang babae.

“Pakiusap, maawa kayo sakin! Ano bang kailangan niyo? Walang akong dalang kahit ano kaya wala kayong mapapala sakin!” kahit nanghihina na ang babae ay pilit parin siyang pumapalag dahil napakadelikado ng sitwasyong kinalalagyan niya ngayon.

“Ang pagpatay palang sayo ay sapat na para makatapak ako sa susunod na ranggo kaya wag kang mag alala dahil may silbi ka naman ” naghalakhakan ulit ang mga kalalakihan habang nakangisi silang nakatingin sa babae.

Sa totoo lang ay kayang kaya lumaban ng babae ngunit sa ilang komplikasyon ay pinili niyang makiusap nalang para sa kapakanan ng kaniyang anak. Ang babaeng ito ay Isang adventurer na kinakatakutan ng karamihan ngunit ang kaniyang pagdadalang tao ang nagpahina ng lubusan sa kaniya.

Kailangan makatakas ng babae dahil hindi na kayang suportahan ng kaniyang kapangyarin ang kaniyang pagbubuntis. Hindi na siya makapag isip ng maayos dahil kung patatagalin niya pa ang buhay ng mga bandido ay manganganib ang batang nasa kaniyang sinapupunan.

“Kung manganganak ka ngayon pwede naming ibenta ang anak mo para sa ilang mga ginto, diba mga kasama?!” naghiyawan at sumang ayon ang magkakasamang bandido sa sinabi ng kanilang lider. Dahil sa narinig ng babae ay nagdilim ang kaniyang paningin at hindi na niya napigilan Ang paglabas ng nakakakilabot at napakabigat na awra.

Unti unting napaluhod ang mga lalake at gulat na tumingin sa babaeng bibiktimahin sana nila. Tumingin ang babae sa lider at unti unting lumapit dito. “Ulitin mo ang sinabi mo” nanlilisik ang mga matang tanong nito. Natatakot ang lalake ngunit nagtatapang tapangan parin siyang nagsalita.

“Sino ka? Magpakilala ka ngayon din!” dahil sa sinabi ng lalake ay mas lalo pang nagalit ang babae. “Walang kahit sino sa mundong ito ang may karapatang utusan ako! At kahit kailan hindi ko hahayaang saktan niyo ang aking anak!” dahil sa sigaw ng babae ay dumilim Ang kalangitan at bumuhus ang napakalakas na ulan.

Tumitilapon ang mga bandido dahil sa lakas ng hangin hanggang sa binawian na sila nag buhay. Takot na takot na tumingin ang lider ng mga bandido sa babae at nagtanong “S-sino ka ba t-talaga?!” umaatras siya habang lumalapit naman ang babae.

Tumingin siya sa mga mata nito at sinabing “Ako si Karihmet, at ako ang iyong kamatayan” matapos niyang sabihin ang mga katagang ito ay namilipit sa sakit ang lalaki at nagsisigaw. Lumuwa ang kaniyang mga mata at bumuka ang kaniyang bibig. Lumabas ang kaniyang dugo sa mga mata, ilong at bibig nito. Napahawak siya sa kaniyang puso habang unti unti na siyang nagiging kalansay at tuluyan ng naging abo.

Pagkatapos nito ay nahimasmasan ang babae. Tumakbo siya ng tumakbo sa takot na may nakasunod na naman sa kaniya. Hindi pa siya nakakalayo ay napaupo na naman siya sa sobrang sakit habang hinahawakan Ang kaniyang tiyan.

“AAHHHHHHHHH” Hindi niya napigilang mapahiyaw sa sakit na kaniyang nararamdaman ngunit pinilit niyang tumayo at tumakbo dahil may nararamdaman siyang mga tao.

Malapit na sana siya sa bakod ng isang tribo ngunit napahiga siya dahil lalabas na ang kaniyang anak. ‘H-hindi, h-hindi pwede to! Kailangan kong makahingi ng saklolo!’

“Tulon--AHHHHH” napahawak siya sa kaniyang tiyan ng humilab na naman ito pero alam niyang sa puntong ito ay lalabas na ang kaniyang anak. Sumigaw siya ng sumigaw dahil sa sobrang sakit hanggang sa naipanganak na niya ang kaniyang anak. Naghahabol hininga siya at pilit na umupo.

Kahit nanlalabo ang paningin ay pilit niyang inaabot ang kaniyang bagong silang na sanggol. ‘Kahit mahawakan at mahagkan lamang kita sa una huli nating pagkikita aking anak’. Dahil alam niya na sa oras na makapanganak siya ay mamatay na din siya. Gamit ang kakarampot niyang lakas binalot niya sa lampin Ang kaniyang anak ng may pangalan nito.

Niyakap niya lang ang kaniyang anak habang humahagulgul. Hindi niya matanggap Ang kaniyang kamatayan. Kailan man ay hindi niya tatanggapin.
Gamit ang natitira niyang kapangyarin, bumulong siya ng mga salitang siya lang ang nakakaintindi at ipinasa niya ang kapangyarihan niyang naselyuhan sa sanggol.

‘Hanggang sa muli, aking anak’






PLAGIARISM IS A CRIME!

Everything that mentioned in this story is just my IMAGINATION.

Votes and comments are highly appreciated.

The Adventure Of Khari (Forest Of Sylvan) Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon