Ikalabing walong Kabanata

48 5 0
                                    

Ikalabing walong Kabanata: Learning techniques

Tatlong araw nalang ay maglalakbay na ang mga mamayan ng Zebulun papunta sa gitna ng kagubatan upang mag igib ng tubig. Gayunpaman, parang mapapaaga yata ang kanilang paglalakbay dahil kakarampot nalang ang natitira nilang inumin.

Dahil sa halos araw araw nilang pagsasaya ay hindi nila namalayang doble na pala ang pagconsumo nila ng tubig. Idagdag pa ang mga sugatang kailangan nilang linisin araw araw.

Ng marinig ito ng kanilang pinuno ay agad niyang pinatawag ang mga mamamayan na sasama sa paglalakbay. Ipinatawag niya din si Khari ngunit nakasarado ang kaniyang pintuan at mga bintana. Wala na silang nagawa kung hindi ang mag usap ng sila nalang.

“Pagbati aking mga kasama. Marahil alam na nating lahat ang kinakaharap na pagsubok ng ating tribo. Nais kong ipahayag na kailangan na nating maglakbay sa lalong madaling panahon” panimula ni Isko. Nakaramdam ng komplikasyon ang ilan sa mga mamamayan.

“Ngunit pinuno, kailangan nating isama ang binatang si Khari. Kailangan natin ng protector dahil mauubos tayong lahat kung tayo lang!” angal ni Mario. Napakunot noo si Isko at inis na nagsalita.

“Si Khari ay isa sa atin! Hindi natin siya protektor at hindi natin siya alalay! Alam kong matagal nating ipinalangin ang pagkakaroon ng kasamang adventurer ngunit wag naman sana nating iasa ang lahat sa binatang iyon. Sarili lang natin ang ating aasahan maliwanag ba?!” natauhan ang karamihan sa kanilang narinig. Masyado nilang inaasa ang lahat kay Khari at dumedepende na sila rito.

“At isa pa, nagpaalam siya sa akin na magsasanay siya bago tayo maglakbay. Gusto niyang sumama ngunit mapapaaga ang ating alis.” napabuntong hininga si Isko dahil sa mga nangyayari. Hindi niya magawang pasukin ang kubo ni Khari dahil pagpapakita ito ng kawalang respeto.

“Anong gagawin natin pinuno? Hihintayin ba natin siya?” tanong ni Eren. Umiling naman si Isko at nagsalita, “Wala na tayong oras, hindi na aabot sa isang linggo ang ating supply sa tubig. Tiyak na kaunti din ang ating mababaon” napailing nalang ang iba at napayuko.

Nagsilalisan na din sila upang maghanda ng mga gamit na dadalhin sa kanilang paglalakbay.

*

Pagkatapos mabasa ni Khari ang isang libro at magsasanay na sana ulit siya ngunit nahagip ng kaniyang mata ang isang technique. Naalala niyang wala pa siyang sinasanay na technique kaya kinuha niya ito at binasa.

“The lightning art technique” para bang nabuhay ang kaniyang dugo sa nabasa. Bagay na bagay ito sa kaniyang kapangyarihan ng kidlat! Binuklat niya ito at binasa. Nakasulat dito na eksklusibo lang ang librong ito sa mga tao at hindi pwedeng ipahiram o ibigay sa kahit na sino, maliban nalang kung studyante mo ito.

Napaismid si Khari sa huling pangungusap. Libro lang ang binibigay ni Serene sa kaniya at hindi siya nito tinuturuan ng maayos kaya hindi niya ito maituring bilang guro. Nagpatuloy siya sa pagbabasa at napagtanto niyang mali ang kaniyang pagsasanay ng kaniyang kapangyarihan. ‘kaya pala sobrang hirap kontrolin ng aking kapagyarihan’

Itinuloy niya ang kaniyang binabasa at ginagaya ang nakasulat sa libro. Kinalma niya ang kaniyang sarili at pinakiramdaman ang kaniyang kapangyarihan. Pinadaloy niya ito papunta sa kaniyang hintuturo.

Para bang naging  masunurin ng kaniyang kapangyarihan sa kaniyang pagtawag. Samantalang noon ay hirap na hirap siyang pasurunurin ito. Imulat niya ang kaniyang mata at nakita niya ang kuryente sa kaniyang hintuturo.

Ginagaya parin niya ang mga nakasulat sa libro. Sinusubukan niyang gumawa ng mga karayum. Sa una ay malaki ang nagagawa nito ngunit hindi siya tumitigil sa paghulma sa gusto niyang laki at nipis.

Ilang sandali pa ay nagawa na niya ito. Sinubukan din niyang paramihin ang mga karayum ngunit hanggang lima lang ang kaya niyang gawin.

Ang technique na kaniyang ginagamit ay may tatlong art. Ang una ay ang Easy lightning art, skill 1, ito ay kaniyang sinasanay na kung saan maliliit na atake lamang ang kaniyang kayang gawin ngunit maaari itong gamitin ng maraming beses. Dahil mababa palang ang antas ni Khari ay may cool down ito ng sampung segundo.

Nakontento na si Khari sa paggamit ng kaniyang kapangyarihan. Nasanay na din siyang gamitin at palabasin ang unang skill na kaniyang natutunan. Ililipat na sana niya ang pahina ng libro ngunit may nagsalita sa kaniyang likod.

“Hangal” nagdilim ang kaniyang paningin at magsasalita na sana ngunit hindi niya maramdaman ang kaniyang bibig. Umismid lang si Serene at nagsalita.

“Hindi ako nandito para makipagtalo. Kailangan mong lumabas ngayon din mismo kung ayaw mong maubos ng tuluyan ang iyong mga katribo” aniya at agad na naglaho.

Nanlaki ang mga ni Khari at tumingin kay Kara. Binuhat niya ito at lumabas sa mundo ni Serene. Pagkamulat niya ay nandoon na siya sa kaniyang kubo. Mabilis siyang lumabas at tumakbo papunta sa bahay ni Isko. Ngunit pagkarating niya doon nakasara ito.

Tumakbo siya papunta sa tarangkahan ng kanilang tribo. Sumunod din sa kaniya si Kara at tinalasan ang kaniyang pang amoy. “May mga natitira pang mga mamamayan dito Master ngunit nagkukulong sila sa kanilang tahanan. Kailangan nating magmadali dahil nakalabas na ang mga maglalakbay” dahil sa sinabi ni Kara ay mas binilisan pa nila ang pagtakbo. Nakaramdam ng inis si Khari ngunit naisip niyang marahil ay may nangyari kaya napaaga ang paglalakbay ng kaniyang mga katribo.

Deretso lang ang kanilang takbo at napansin ni Khari na nakakalayo na sila sa tribo ng Zebulun. Sinulyapan niya si Kara at magtatanong na sana ngunit nakarinig sila ng mga sigaw sa hindi kalayuan.

Ginamit na ni Khari ang kaniyang buong bilis at pagkarating niya doon at para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Nakita niya ang ilan sa mga kasama niyang kagat kagat ng isang napalaking lobo at nag aagaw buhay.

Votes and comments are highly appreciated!

The Adventure Of Khari (Forest Of Sylvan) Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon