Ikalabinsiyam na Kabanata: Rage
Parang nagdidilim ang paningin ni Khari, hindi niya macontrol ang kaniyang emosyon. Inilabas niya ang kaniyang scythe at mabilis na sumugod sa lobo. Ibinato ng lobo ang kaniyang kinakagat at naghanda sa pagsugod ni Khari.
Iwinasiwas ni Khari ang kaniyang sandata ngunit nakaiwas ang lobo. Hindi siya tumigil at inatake niya lang ito ng inatake. Hindi niya ito binibigyan ng pagkakataong makaganti ng atake. Mararahas ang bawat paghampas niya ng kaniyang sandata. May naiiwan pang bakas ng kuryente sa bawat paghampas niya dito.
Puro lang depensa ang lobo ngunit nakakaramdam siya ng pangamba dahil hindi niya alam na may kapangyarihan pala ang kaniyang kinalaban. Nagkakaroon na din ng pinsala ang lobo dahil sa mararahas na atake ni Khari. Hindi niya nakakayang depensahan ng maayos ang kaniyang sarili dahil sa bigat ng mga atake nito.
Habang naglalaban ang dalawa ay lumapit si Kara sa mga katribo ni Khari. Nakaramdam ng takot ang mga mamamayan dahil hindi nila alam kung kakampi ba ni Khari ito o isa ding kalaban. Hindi sila pinansin ni Kara at pinagpatuloy lang ang kaniyang gagawin.
Sinugatan niya ang kaniyang sarili at pinatakan ng dugo ang mga sugatang mamamayan. Alam niyang hindi niya matutulungan si Khari sa labanan kaya ang paggamot sa katribo ng kaniyang Master lang ang naiisip niyang itulong.
Ipikit nalang ng mga sugatan ang kanilang mata dahil akala nila ay tutuluyan na sila nito ngunit pagkalipas ng ilang sandali ay gumaan ang kanilang pakiramdam.
Naghilom ang kanilang sugat ngunit hindi pa nila nababawi ang kanilang lakas. Ilang patak lang ng blood essence ni Kara ang kailangan niyang gamitin bawat tao dahil mas mabilis silang gumaling kaysa sa isang adventurer.
Halos maubos din ang dugo ni Kara dahil sa dami ng sugatang ginamot niya. Ngunit ang ipinagtataka niya lang ay bakit wala itong tinuluyan kahit isa? Mga normal na tao lang ang mga ito at kaya niya silang patayin sa isang atake lang.
Ng mapagaling niya ang lahat ng sugatan ay lumayo siya sa mga ito kahit nanghihina na siya. Pakiramdam niya ay aatakihin siya ng mga ito. Nagtipon tipon sa isang sulok ang mga mamamayan habang pinapalibutan nila ang mga bumabawi pa ng lakas, ang mga iba nilang kasama ay tumakbo na bago pa makaatake ang halimaw, ngunit hindi nila alam kung saan nagtungo ang mga ito.
Hindi nila inatake si Kara dahil ginamot nito ang kanilang mga kasama ngunit alerto parin sila kung sakaling bigla itong umatake.
Samantala, lamang na lamang na si Khari sa kanilang laban ng lobo. Ilang gasgas lang ang kaniyang natamo dahil sa pagtilapon nito, ngunit ang lobo ay napakarami ng sugat at halos maubos na ang enerhiya. Isa nalang ang naiisip na paraan ng lobo para makaligtas, ang tumakbo.
Naghintay siya ng tamang oras para tumakas, at ng makita niyang lumayo si Khari sa kaniya ay buong bilis siyang tumakbo. Nagulat si Khari sa biglang pag-urong ng lobo ngunit hinabol niya ito.
Napupuno ng galit ang kaniyang puso at desidido na siyang patayin ito bilang ganti sa ginawa niya sa kaniyang mga katribo. Lingid sa kaniyang kaalaman na ginamot na ito ni Kara, masyado siyang tutok sa laban nila ng lobo kaya hindi niya alam ang nangyayari.
Akala ng lobo ay nakatakas na siya, nakahinga siya ng maluwag at nakaramdam ng tuwa. Gayunpaman, titingin na sana siya sa kaniyang likod ngunit isang napakalakas na sipa ang kaniyang naramdaman sa kaniyang tagiliran.
Tumilapon ang lobo at nagpagulong gulong sa lupa. Nanginginig pa ang katawan nito sa kuryenteng idinagdag ni Khari sa kaniyang atake. Halos mawalan na ng malay ang lobo ngunit pinipilit parin niyang magkamalay dahil kapag nakatulog siya, tiyak na iyon na ang kaniyang katapusan.
Lumapit si Khari sa kaniya at tumitig sa mga mata nito. Tumigil na sa pagsusubok na tumayo ang lobo at tinanggap na niya ang kaniyang kamatayan. Itinaas ni Khari ang kaniyang scythe at puputulin na sana niya ang ulo nito ngunit may biglang kumagat sa kaniyang paa.
Uunahin na sana niya itong patayin ngunit natigilan siya ng makitang napakaliit nito. Nagpabalik balik ang tingin niya sa nakahandusay na lobo at sa isang nasa paa nito. Ng makaramdam ng lobo ang bagong presensya ay napamulat siya.
“Itong paslit na ito ba ay iyong anak?” tanong ni Khari. Tinignan siya ng masama ng lobo at pinilit tumayo. Ginamit na niya ang kaniyang buong lakas para lang maitayo ang kaniyang sarili. Susugod na sana ang lobo ngunit may dalawang batang lobo pa ang tumatakbo papunta sa kanila.
Kinagat ng isa ang kabilang binti ni Khari at lumapit naman ang isa pa sa kaniyang ina. Humarap ito kay Khari at tumahol na parang galit na galit. Nakaramdam ng inggit si Khari sa kaniyang nasaksihan. Ano nga ba ang pakiramdam ng pinagtatanggol ka ng iyong mga mahal sa buhay?
Ng makita ng lobo ang lungkot at inggit ng binata ay nanatili ito sa kaniyang kinatatayuan. Itinago na ni Khari ang kaniyang scythe. Sinulyapan niya ang mga batang lobo na nakakagat sa kaniyang paa. Napakadiin ng pagka kagat nila ngunit hindi nila nagawang sugatan si Khari. “Alisin mo ang iyong mga anak sa akin. Hindi kita papatayin ngunit, hindi kita mapapatawad” seryosong aniya.
Bumuka ang bibig ng lobo ngunit walang narinig na kahit ano si Khari. Naramdaman nalang niya na humiwalay na ang mga maliliit na lobo sa kaniya. Tumalikod na siya at aalis na sana ngunit nagulat siya ng biglang nagsalita ang lobo. “Kung ayaw mong may mangyari sa mga taong kaibigan mo, wag na wag mo silang palalabasin sa inyong teritoryo. Kagubatan ito kaya marahil alam mo na pwedeng maging pagkain ang lahat ng nagagawi dito” parang natauhan si Khari sa kaniyang narinig.
Ang mahihina ay pagkain at tapakan lang ng mga malalakas. Nilingon niya ang lobo at ngayon niya lang napagtanto na napakapayat ng mga ito. Lalo ang mga tuta na halos mga buto nalang ang makikita sa mga ito.
Huminga siya ng malalim at pumunta sa mundo ni Serene. Kinuha niya ang dalawang Capra hircus at bumalik sa kagubatan. Nagulat ang magkakapamilyang lobo, naglaway ang mga ito at handa na siyang sunggaban.
“Wag kayong mag alala, sa inyo na 'yan. Kung ako sa inyo ay itatago ko na yan bago pa maagaw ng iba” pagkasabi niya ay nagmadali na siyang bumalik sa kaniyang mga katribo.
Votes and comments are highly appreciated!
BINABASA MO ANG
The Adventure Of Khari (Forest Of Sylvan) Part 1
FantastikSa malawak na kagubatan ng Sylvan, may maliit na tribo ang paulit ulit na nagagambala dahil sa mababangis na mga magical beast. Dahil dito nakatanim na sa puso ng mga mamayan ang takot at nalalapit na pagkaubos. Dahil dito, ang batang si Khari ay n...