Ikalabintatlong Kabanata: Revealing his secret
Pagkatapos umalis ng mga mandirigma ay napagpasyan ng mga kalalakihan na magpunta sa bahay nina Isko upang doon gaganapin ang pagpupulong.
Pagkadating nila doon ay isa- isa na silang nagboses ng kanilang mga reklamo na pinangungunahan ni Roman.
“Pinuno anong gagawin natin? Sobrang lakas ng mga wild rabbit at paniguradong marami ang mamamatay.” nangangambang wika ni Roman.
“Oo nga pinuno, kapag nangyari iyon ay tiyak na kawawa tayo. Paniguradong aatakihin tayo ng mga magical beast kung mawawala ang mga adventurer na iyon” nangangambang sagot ng isang matanda. Napabuntong hininga si Isko at napaupo nalang. Hindi na niya alam ang kaniyang gagawin.
Dahil sa mga nasaksihan at narinig ni Khari ay nakaramdam siya ng klompikasyon. Alam niya sa sarili niya na may magagawa siya, ngunit hindi niya alam kung tama ba ang kaniyang gagawin.
Alam niyang hindi malalaman ng mga adventurer na isa na ring ganap na adventurer si Khari dahil sa suot niyang singsing. Gayunpaman, ang mga wild rabbit ay ibang usapan na iyon.
Umupo si Khari at nakinig muna sa usapan. Naghihintay lang siya ng tyempo para sabihin ang kaniyang mga plano.
“Sa tingin ko ay mga matatanda nalang ang kumatay sa mga wild rabbit. Malapit naman na din kaming mamatay kaya ibubuwis nalang namin ang aming buhay sa inyo kaysa mamatay kami sa katandaan” Sabi ng isang matanda. Sumang ayon naman ang ibang matatanda sa kaniyang suhestyon.
“Hindi pwede! Mas mainam kung ang mga malalakas nalang ang humarap sa mga hayop na iyon! Hindi na tayo pwedeng mabawasan! Kailangan nating magkaisa ngayon dahil mas magiging delikado kapag linisan na nila ang ating tribo” wika ni Eren. Kaedad ni Khari ngunit mas matangkad at malaman ang katawan nito.
Sumang ayon ang nakararami sa sinabi ni Eren. Hindi alam ni Khari ang kaniyang mararamdaman. Gusto niyang magsalita ngunit hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin. Napatingin si Isko sa kaniya at inilingan si Khari. Senyales na ayaw nitong sabihin niya ang kaniyang secreto.
Lubos na nagpapasalamat si Khari dahil dito. Alam niyang buo ang suporta ni Isko sa kaniya kaya gagawin niya ang lahat matulungan lang ang mga ito.
Napagdesisyonan niyang magsalita na. Walang patutunguhan ang kaniyang pananahimik at nakapag ipon na siya ng lakas ng loob na magsalita.
“Isa na akong adventurer ” napatigil ang lahat sa pagsasalita at napatingin sa kaniya ang mga ito. Ng mapagtanto ang kaniyang sinabi ay napatampal siya sa kaniyang noo.
“Totoo ba iyong sinasabi bata? Nasa isang importante tayong pagpupulong at hindi nakakatuwa ang iyong biro” seryosong wika ng isang matanda. Magsasalita na sana si Khari ngunit inunahan siya si Isko.
“Totoo iyon Mario. Isa ako sa magsasabing totoo ang kaniyang sinambit dahil ako mismo ang nakakita noong magsisimula palang siyang maging adventurer ” nagulat ang lahat ng nandoon. Mayroong nasiyahan ngunit mayroon ding nakaramdam ng inis, Isa na doon si Mario at Eren.
“Bakit hindi niyo sinabi sa amin? Kung sana sinabi niyo ng maaga ay hindi na tayo naghihirap ng ganito!” sigaw ni Mario. Nakaramdam ng inis ni Khari. Parang gusto niyang kaltukan ang matanda sa paraan ng pananalita nito. Parang pinaparating nito na may karapatan sila sa kaniya at sa pagiging adventurer nito.
“Alam niyo kung gaano kaganid at kasama ang dalawang adventurer na iyon! Hindi yun ganon kadali tanda! May antas at ranggo na kailangang pagdaanan ang mga adventurer. Sa tingin mo ba kaya ko na sila agad?” inis sa wika ni Khari. Walang nakapagsalita kahit isa sa kanila, ngunit lumapit si Eren Kay Khari.
Seryoso itong nakatingin sa kaniya at nagtanong, “Kailan pa?” takang tanong nito. Huminga ng malalim si Khari at sumagot. “Noong inatake kami ni Crocell ng mga wild boar. May tumulong sa akin ngunit hindi ako maaaring magsalita ” sambit niya.
Pinasadahan niya ng tingin ang mga nandoon at karamihan sa kanila ay hindi naniniwala sa kaniya. Naiinis si Khari sa kanilang inaasta ngunit naiiintindihan din naman niya ang mga ito. Maraming taon na ang nakakalipas ngunit wala pang isinisilang na adventurer sa kanilang tribo kaya mahirap itong paniwalaan.
“Suntukin mo ako ng malakas” aniya kay Eren. Nagulat naman si Eren at umatras. “Nababaliw ka na ba?! Bakit ko gagawin iyon?” nanlalaki ang mga matang tanong nito kay Khari.
“Para matigil na ang inyong pagdiduda sa akin. Nauubusan na tayo ng oras dito ” aniya. Sumang ayon naman si Isko sa kaniyang sinabi. Wala ng nagawa si Eren kung hindi sundin ang mga sinabi nito. Ayaw niyang nananakit ng tao ngunit, dahil siya ang pinakamalaki ang katawan sa kanila.
Lumapit siya kay Khari at pinatunog ang kaniyang kamao. Pumwesto siya at hinanda ang pinakamalakas niyang atake. Sinuntok niya ng malakas sa mukha si Khari, nagulat ang lahat sa kanilang nasaksihan. Biglang sumigaw ng malakas si Eren habang hawak ang kamao nito. Naiiyak niyang tinignan si Khari.
Humingi ng paumanhin si Khari at pakiramdam niya ay nagkasala siya sa kaniyang katribo. Wala man lang gasgas lang kaniyang mukha ngunit napuruhan ang kamao ni Eren. Tiyak na nagkanda bali ang mga buto nito.
“Totoo nga. Isa itong himala sa atin!” masayang sigaw ni Isko. Lahat sila ay naghihiyaw at tumatalon sa tuwa, ngunit pinatahimik sila ni Khari dahil baka marinig sila ng mga adventurer.
“Kailangan nating gumawa ng plano. Ako ang papatay sa mga magical beast. Ngunit siguradong magtataka sila kung bakit walang namamatay o malubhang masusugatan sa atin” seryosong aniya. Sumeryoso naman ang lahat at lumapit sila kay Khari. Hininaan nila ang kanilang boses at isinantabi ang galit sa isa‘t- isa.
“Kailangan nating isuko ang ilang mamamayan, Tama ba ako ng pagkakaintindi?”dismayadong tanong ni Mario. Napayuko ang ilang mamamayan at magbo-boluntaryo na sana ngunit nagsalita si Khari.
“Hindi iyon ang ibig kong sabihin tanda. Mayroon na akong plano ngunit nasa inyo na yun kung sasang- ayon kayo o hindi. Payag akong baguhin ang ilang plano at pakikinggan ko ang inyong mga suhestyon. Gayunpaman, nakikiusap ako na sana, sana lang ay itago niyo ang aking sikreto. Hindi pa ako masyadong malakas, alam kong hindi ko pa kayang tapatan ang kahit isa sa kanila kaya pakiusap, bigyan niyo pa ako ng kaunting panahon at ako na ang bahalang tumapos sa kanila. Yun lang maraming salamat”
Votes and comments are highly appreciated!
BINABASA MO ANG
The Adventure Of Khari (Forest Of Sylvan) Part 1
FantasySa malawak na kagubatan ng Sylvan, may maliit na tribo ang paulit ulit na nagagambala dahil sa mababangis na mga magical beast. Dahil dito nakatanim na sa puso ng mga mamayan ang takot at nalalapit na pagkaubos. Dahil dito, ang batang si Khari ay n...