Ikasiyam na Kabanata: Danger
Natulala si Serene kay Khari. Hindi niya alam ang kaniyang sasabihin. Alam niyang possible itong mangyari ngunit hindi niya akalain na pati ang pakikipagkontrata sa mga mythical beast ay papatusin nito.
Gayunpaman, habang nakatitig siya sa mga mata nito ay mas lalo siyang nagulat sa nakikita niyang determinasyon. Paanong ang labing dawalang taong gulang pa lamang na paslit ay ganito maghangad ng kapangyarihan? Napabuntong hininga nalang siya at napahilamos sa mukha.
“Bakit mo ito ginagawa?” Tanong niya kay Khari. Umiwas naman ng tingin si Khari at sumagot “Gusto ko ng lumakas agad. Alam kong nagiging ganid ako sa kapagyarihan ngunit ito lang ang naiisip kong paraan. Pakiramdam ko ay kulang na kulang ang tatlong taon para lumakas ako.” mahinang aniya. Napahanga naman si Serene sa lawak ng pag unawa nito. Pero dahil mapagmalaki siya, hindi niya ito pinuri.
“Hmp! Hangal kang tunay Khari, mas lalong maaantala ang iyong pagsasanay kung makipagkontrata ka pa. Bukod sa sarili mo lang ang kailangan mong palakasin, kailangan mo pang isipin ang mga isasabit mo sayo” nanghahamak na aniya kay Khari. Napaisip naman si Khari ngunit determinado parin siyang sumagot.
“Pakiramdam ko ay hindi sila makakaabala sakin. Bagkus, matutulungan pa nila ako na mas lalong maging malakas. Kung magkakaroon ako ng mga alagad, mas mapapadali ang aking pagsasanay dahil may makakasama akong lumaban.” kahit may punto si Khari ay makikitang hindi parin kumbinsido ni Serene.
“Gawin mo kung anong gusto mo. Binalaan na kita” aniya. Pumihit siya patalikod ngunit nagsalita si Khari.
“Matutulungan mo ba ako serene?” hindi niya nilingon si Khari. Hindi siya sumagot at umalis na. Dahil sa ginawa ni Serene ay nakaramdam ng Galit si Khari. Pakiramdam niya ay hindi nito sinusuportahan. Kahit na naiisip niyang maaari ngang maging pabigat ang mga mythical beast sa kaniya ay gusto niya paring subukan.
Sa inis niya ay bumalik nalang siya sa kaniyang kubo. Binuksan niya ang lahat ng kaniyang mga bintana at pinto. Baka magtaka ang kaniyang mga katribo kung bakit siya laging nagkukulong sa kaniyang kubo.
Naisip niya bigla si Crocell. Ilang araw na nung huli niya itong nakita. Palagi kasi siyang subsob sa trabaho at pagsasanay kaya nakalimutan niya ang kaniyang kaibigan. Natampal niya ang kaniyang noo. Natitiyak niyang magagalit sa kaniya si Crocell.
Naglakas loob parin siyang lumabas sa kaniyang kubo at pumunta sa bahay nito. Nakatira parin si Crocell kasama ng kaniyang Lolo at ina.
Pagkarating niya sa bahay nila Crocell ay hindi muna siya pumasok dahil may narinig siyang nag uusap. Hindi kalaunan ay nakilala niya din kung sino ang mga ito. Ang kanilang pinuno pala at ang kanang kamay nito na si Roman.
Hindi nagtagal ay lumabas na din ito at nagulat ni Roman ng makitang nasa labas pala ito ng bahay. “Oh Khari nandyan ka pala. Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Roman. Binati niya muna ito at sumagot “Magandang gabi po, bibisitahin ko lang sana si Crocell ngunit nandito po pala kayo kaya hindi muna ako pumasok” magalang na aniya.
“Parang may nag iba sayo ” takang wika ni Roman at pinasadahan ng tingin si Khari. Bumilis ang tibok ng puso ni Khari at nakaramdam siya ng kaba. Maraming tanong ang namuo sa kaniyang isipan katulad ng, napansin ba niya? Alam na ba niya na isa na akong mandirigma? Paano niya nalaman? Sasabihin ko na ba?
Kumalma siya ng ngumiti si Roman at sinabing “Aha! Tumangkad ka at nagkalaman ng kaunti. Binata ka na nga talaga” aniya at tinapik ang balikat ni Khari bago umalis. Nakahinga ng maluwag si Khari. Akala niya ay katapusan niya na.
Pumasok na siya sa bahay at sumalubong sa kaniya ang kaibigan na hindi niya nakita ng ilang araw. Nakasimangot si Crocell at magsasalita na sana ngunit dumating ang kaniyang Lolo. “Khari maaari ba kitang makausap? May importante akong sasabihin sayo” seryosong wika ni Isko, ang pinuno ng kanilang tribo.
Tumango naman si Khari at sumunod kay Isko papuntang sala. “Kumusta ka?” tanong ni Isko Kay Khari. Ngumiti naman siya at sumagot na maayos naman. Hindi na nagpaligoy ligoy ni Isko at sinabi na ang kaniyang pakay kay Khari. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.
“Sa susunod na dalawang linggo ay pupunta kami sa ilog para mag igib ng tubig. Alam mo naman na halos kalahati lang ang nakakabalik kaya gusto ko sanang ibilin sayo ang aking apo” malungkot na aniya. Nagulat naman si Khari at kinabahan dahil ngayon niya lang naalala na kailangan na pala nilang mag igib ng tubig.
Kada bwan ay kailangan nilang pumunta sa ilog para may tubig silang magamit. Ngunit ang pinag iigiban nila ay malayo sa kanilang tribo. Masyado pa itong delikado dahil pinag iinuman din iyon ng mga mythical beast.
“Pinuno, nakalimutan mo na ba na isa na akong adventurer? Hindi ko maipapangako na kaya ko na lahat ng mythical beast ngunit sigurado naman ako na mas marami na ang makakabalik kapag kasama ako. Pinapangako kong poprotektahan ko kayo sa abot ng aking makakaya” nakikiusap na wika nito kay Isko. Napaisip naman si Isko at nagliwanag ang kaniyang ekspresyon.
Bigla niyang niyakap ng mahigpit si Khari. Naiiyak siya dahil nandito na ang pag asa nila. Hinawakan niya ang dalawang balikat ni Khari at sinabing “Pinapayagan kitang sumama ngunit ipangako mo sakin. Ipangako mo na wag mong isusugal ang iyong buhay para lang maprotektahan kami, maliwanag ba? Unahin mo lagi ang iyong sarili dahil Ikaw ang pag asa ng tribong ito” naiiyak na ani ni Isko. Dahil sa sinabi nito naiiyak na din si Khari. Nagyakapan ang dalawa. Sobrang nagpapasalamat si Khari dahil kahit hindi niya kaano ano ang mga ito ay trinato parin siyang pamilya.
“Magsasanay pa ako para madagdagan ang aking lakas sa nalalapit nating paglalakbay” tumango si Isko at hinatid na si Khari sa labas ng kanilang bahay. Papasok na sana si Khari sa kaniyang kubo ngunit naalala niya na hindi niya pala nakausap si Crocell! Siya ang pinuntahan niya doon ngunit nawala sa isip dahil sa usapan nila ni Isko.
Inis niyang sinabunutan ang kaniyang sarili at nagpapadyak na pumasok sa kaniyang kubo.
BINABASA MO ANG
The Adventure Of Khari (Forest Of Sylvan) Part 1
FantasySa malawak na kagubatan ng Sylvan, may maliit na tribo ang paulit ulit na nagagambala dahil sa mababangis na mga magical beast. Dahil dito nakatanim na sa puso ng mga mamayan ang takot at nalalapit na pagkaubos. Dahil dito, ang batang si Khari ay n...