Ikawalong Kabanata: Getting more information
Katulad ng dati ay gumigising parin ng maaga si Khari para pumasok sa trabaho. Ang trabaho niya ngayon at magpakain at maglinis ng kulungan ng mga alaga nilang hayop.
Marami silang alaga ngunit ang mga adventurer lang na sina Carpio at Logan ang maaaring kumain ng mga ito. Ang mga alaga nila ay tinatawag na Capra hircus, ang mga ito ay parang kambing ngunit walang sungay, matutulis ang mga tenga at may tatlong mata. Ang kailangan niya lang gawin ay bigyan ito ng mga damo at tubig.
Ang sunod na pinuntahan niya at ang mga giant duck, maihahalintulad ito sa mga pato ngunit may taas itong tatlong talampakan ngunit may matutulis itong ngipin at apat na paa. Ang kinakain nila ay mga tinadtad na gulay.
Ang panghuli ay ang mga wild rabbit. Ang mga ito ay hinahagisan lang ni Khari ng mga binilad na mais. Meron silang panuka katulad ng pato, may anim na paa at kasing laki ng mga aso sa totoong buhay. Napakadelikado nila sa mga tao ngunit wala silang magagawa kundi alagaan ito dahil ito ay utos ni Logan.
Halos araw araw ay may nasusugatan dahil sa pagpapakain ng mga white rabbit. Hindi kasi angkop na alagaan ito lalo na sa mga tao na kagaya nila.
Habang tinitignan ni Khari ang mga hayop at hindi niya mapigilang maglaway at makaramdam ng gutom. Natatakam siya at parang gusto na niyang kainin ang mga ito. Gayunpaman, pinigilan niya ang kaniyang pagkaganid at naisip niyang ilalagay niya lang kaniyang sarili sa kapahamakan kapag pinairal niya ang kaniyang pagkagahaman.
Magtatanghali na ng matapos siya kaya dali dali siyang umuwi sa kaniyang bahay. Kapag may nakakita sa kaniya ay tiyak na magtataka ang mga ito kung bakit mabilis siyang natatapos ang kaniyang mga trabaho.
Matapos niyang masiguro na nakasarado ng maigi ang kaniyang pintuan at mga bintana ay pumunta siya agad sa mundo ni Serene. Lumitas siya sa harap ng malaking tipak ng bato at nakita niyang nandoon na mga libro.
Gulat na gulat siya ng makita kung gaano karami ang mga ito ngunit nakaramdam din siya ng pananabik dahil magkakaroon na naman siya ng mga bagong kaalaman. Uhaw na uhaw siya sa mga impormasyon dahil alam niyang makakatulong ito sa kaniya at mapapakinabangan sa hinaharap.
Ang una niyang nakita ay libro tungkol sa mga magical beast. Ang mga ito ay normal na hayop lamang hanggang level 10 beginner. Nakita niya ang kanilang mga alaga pati ang baboy ramo na umatake sa kanila noon, tinatawag pala itong wild boar.
Binasa niya ang lahat at tinandaan ito ng mabuti. Dahil kakaunti lang ang mga ito ay pumulot ulit siya ng bagong libro. Manipis lang ito ngunit mas makapal ng kaunti kaysa sa nauna.
Ang librong ito ay tungkol sa mga mythical beast. Ito ay binubuo ng mga common, rare, epic, legendary at endangered. Nakasaad din sa libro na nagsisimula ang kanilang ranggo sa beginner ngunit walang nakasulat na hangganan ng pwede nilang maabot.
Nagulat si Khari at mas lalong nakaramdam ng interes at pananabik dahil nabasa niya na pwedeng makipagkontrata ang mga mythical beast sa mga tao. May dalawang paraan para makipagkontrata sa isang mythical beast.
Nakasaad dito na ang isang paraan para makipagkontrata sa kanila ay kailangang mainom ng mythical beast ang dugo ng isang adventurer. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon sila ng koneksyon. Ngunit, maaaring mapawalang bisa ang kontrata kung mamamatay ang adventurer o ang mythical beast na iyon. Maaari ring alisin ang dugo ng adventurer na ininom ng mythical beast.
Ang susunod na paraan ay ang pagiging alipin ng mga mythical beast sa isang adventurer. Kapag nagdesisyon ang isang mythical beast na maging alipin mo ay wala ka ng magagawa dito. Maaaring may alipin ka ng mythical beast na hindi mo nalalaman ngunit may lilitaw na palantandaan sa iyong katawan. Kapag namatay ang adventurer ay mamatay din ang alipin. Ngunit kapag ang mythical beast ang namatay, walang masamang epekto sa adventurer. Bagkus, makukuha nito ang enerhiya ng kaniyang alipin na maaaring magpalakas dito.
Pagkatapos mabasa ni Khari ang libro at tinigil na muna niya ang pagbabasa. Napaisip si Khari at hindi niya mapigilang maghangad na makipagkontrata sa malakas na mythical beast. Ngunit naisip niya din na ayaw niyang umabot sa puntong magiging alipin niya ito dahil napakalupit ng kapalit.
Napabuntong hininga at napailing pero pagkaangat ng kaniyang ulo ay halos mapatalon siya sa gulat. Nakita niya si Serene na nakadungaw sa kaniya. Natawa pa ito sa kaniyang reaksyon.
"Ano ba! Bakit bigla ka nalang sumusulpot!" inis na sambit ni Khari. Umirap lang si Serene at sinabing, "tutok na tutok ka sa iyong binabasa kaya maging ang paglitaw ko dito ay hindi mo napansin" napakamot naman sa ulo si Khari at nahiya sa kaniyang inasta.
"Paumanhin, masyado akong naging interesado kaya hindi kita napansin. Sa susunod kasi, sabihin mo namang may tao para hindi ako nagugulat sayo." aniya at inayos ang mga libro. Hiniwalay niya ang nabasa na niya sa hindi niya pa nagagalaw.
"Alam mo, habang tumatagal at hindi ko mawari kung nagpapakumbaba ka ba talaga o nagiging sarkastiko" nakangiwing wika ni Serene. Hindi na sumagot si Khari at ngumiti nalang.
Pagkatapos niyang ligpitin ang mga libro ay humarap siya kay Serene at nagtanong. "May tsansa ba ako kung makipagkontrata ako sa isang mythical beast?" seryosong aniya. Napakurap naman si Serene at hindi niya inaasahan na magtatanong ito ng ganon.
"Oo naman. Wag mong sabihin na balak mong makipagkontrata sa kanila?" gulat at nananabik na tanong nito. Tumango naman si Khari habang naghihintay ng sagot. Dahil sa pananabik ni Serene ay hindi niya mapigilang tumawa at lumipad sa paligid ni Khari.
Nahihiwagan naman si Khari sa inasta nito. Para itong bata na pinangakuan ng laruan. "Umayos ka nga!" iritang aniya. Tumigil naman si Serene at bumalik sa tipak ng bato. Inayos niya ang kaniyang sarili at tinitigan si Khari.
"Bakit gusto mong makipagkontrata sa kanila?" seryosong tanong nito. Nagtaka naman si Khari sa inasta nito ngunit sumagot nalang.
"Gusto kong subukan dahil hindi nila ako pwedeng traydurin at pakiramdam ko mas lalakas pa ako kung makipagkontrata ako sa kanila. Ngunit, gusto ko ng marami. Maraming maraming mythical beast" seryosong aniya kay Serene.
![](https://img.wattpad.com/cover/369815987-288-k864399.jpg)
BINABASA MO ANG
The Adventure Of Khari (Forest Of Sylvan) Part 1
FantasySa malawak na kagubatan ng Sylvan, may maliit na tribo ang paulit ulit na nagagambala dahil sa mababangis na mga magical beast. Dahil dito nakatanim na sa puso ng mga mamayan ang takot at nalalapit na pagkaubos. Dahil dito, ang batang si Khari ay n...