Ikadalawampu't Tatlong Kabanata: Welcome Back
Halos maghahating gabi na at malapit na din sina Khari sa tribo ng Zebulun. Nagpapahinga sila ng kaunti kung may napapagod ngunit napagkasunduan nilang ituloy ang kanilang paglalakbay pauwi sa kanilang tribo.
Halos buhatin narin ni Khari ang mga matatanda para lang mas mabilis ang kanilang paglalakbay. Ng malapit ng mag umaga ay nakahinga sila ng maluwag ng matanaw nila ang tarangkahan ng kanilang tribo.
Nangunguna parin si Isko bilang pinuno at siya ang nagbukas ng tarangkahan. Bumungad sa kanila ang mga kasama nilang tinakbuhan sila sa pag atake ni Kiraz. Mukhang nagkakasiyahan sila at may nagaganap na piging dahil sa dami ng pagkain na nakahain sa kanilang lamesa. Napatigil silang lahat at walang kahit isang gumalaw.
Samantalang sa grupo nila Khari ay nakaramdam sila ng galit. Tinakbuhan na nga nila ang kanilang kasama, may gana pa silang magsaya. Kung hindi dumating sa Khari sa tamang oras ay tiyak na ubos na sila ngayon. "Anong ibig sabihin nito?!" Galit na galit na sigaw ni Isko. Dahil sa sigaw niya at natauhan ang kanilang katribo. Gayunpaman, sa halip na humingi ang mga ito ng paumanhin ay nagtawanan pa sila.
"Oh, buhay pa pala kayo?" Nanghahamak na wika ni Mario at nagtawanan silang lahat. Nanginig sa galit si Khari at parang gusto na niyang sakalin si Mario. Alam niyang masama ang ugali nito ngunit hindi niya akalain na kaya niyang pagtraydurin at kalabanin ang kaniyang katribo.
"May gana pa kayong tumawa sa lagay na yan?" Naghahamak na ani Khari. Naglakad siya papunta sa harapan nila Mario. Naalerto naman ang grupo ni Mario at inilabas nila ang kanilang armas. Walang pagdadalawang isip na itinutok nilang lahat ito kay Khari. Samantala, lumabas na kanilang kubo ang iba nilang katribo, kabilang na dito si Crocell at Cora. Nagulat sila sa kanilang nasaksihan at tumakbo papunta kay Khari ngunit, agad silang hinarang ng mga kasamahan ni Mario.
Hindi sila makapalag dahil mas malakas ang mga ito kaysa sa kanila at halatang kagagaling lang nila sa pag iyak. "Hoy bata! Kahit isa ka pang adventurer, hindi ako naniniwalang kaya mo kaming lahat. Mas marami kami ng di hamak kaysa sa inyo. Hindi mo nga kaya ang mga tagalabas kahit dalawa lang sila hahaha" nagtawanan ulit silang lahat at nilait si Khari.
Dahil sa sinabi nito ay naubos na ng tuluyan ang kaniyang pasensya. Ipinaramdam niya sa kanila ang bigat ng kaniyang aura. Nagulat ang mga ito at agad silang napaluhod sa lupa. Wala siyang itinira kahit isa sa mga ito, kahit gustong gusto na niyang tuluyan ang mga ito ay alam niyang mas mapasasama lang siya kung gagawin niya ito.
"Aaminin kong hindi ko pa kaya, pero kaya ko kayong paslingan gamit lang ang aking aura. Wag kayong masyadong magpakampante dahil sinabi nilang babalik pa sila dito. Sinisikap kong magpalakas para sa ating lahat ngunit pinapakita niyo lang na hindi kayo karapat dapat ipagtanggol" pagkasabi niya dito ay binigatan pa niya ang kaniyang aura, sapat para mawalan ng malay ang mga ito.
Dahil sa pagbagsak nila ay agad na lumapit ang kanilang pamilya. Binawi na ni Khari ang kaniyang aura at nilampasan sila. Nilingon niya ang kaniyang mga alaga at sinenyasan na sumunod ang mga ito. Yumuko siya kay Isko bilang paumanhin at naglakad siya palapit kay Crocell.
"Wag kayong mag alala dahil buhay pa sila, pinatulog ko lang sila dahil ayokong dumanak ang dugo sa ating tribo. Hindi tayo magkaaway. Hindi dapat tayo nag aaway" wika niya sa pamilya ng mga traydor.
Pagkalapit niya ay nagmano muna siya kay Cora at niyakap niya ng mahigpit si Crocell. Yumakap pabalik si Crocell at hindi na niya napigilang humagulgol. "A-a-akala ko w-wala na sila" hinaplos lang ni Khari ang likod nito at hindi na nagsalita. Napansin niyang tumagkad ulit siya dahil hanggang leeg nalang niya si Crocell.
Ng bumitaw na si Crocell ay inilabas ni Khari ang mga space cart na may lamang mga tubig. Nagulat ang mga hindi pa nakakaalam kung ano ito ngunit agad ding ipinaliwanag ni Khari. Naglabas din siya ng tatlong wild boar at kinatay ito para paghatian ng kaniyang mga katribo. Kinolekta din niya ang mga mahahalagang parte ng katawan ng mga ito para ibenta sa tindahan ni Serene.
Ipinakilala din niya ang kaniyang mga alagang mythical beast. Kahit mas marami ang natakot ay walang tumutol dahil nakita nila kung gaano kalakas si Khari, hindi pa ito gumagalaw ngunit napatumba na nito ng sabay sabay ang grupo ni Mario.
"Marami akong kwento sayo pero gusto ko sanang mangpahinga muna" paalam niya kay Crocell. Sumang ayon naman siya at hindi na inistorbo si Khari dahil alam niyang pagod ito at walang tulog.
"Pinuno, ikaw na ang bahalang magparusa sa ating mga katribo" wika ni Khari. Napailing naman si Isko at sumagot. "Sa kanilang dami ay hindi sila magkakasya sa piitan. Ano ang maimumungkahi mong kapalit?" Napahawak si Khari sa kaniyang baba at nag isip.
"Ang may malaking kasalanan ang kailangang ikulong at ang iba ay papiliin mo kung babawasan ba ang kanilang buwanang rasyon o doblehin ang kanilang trabaho" napatango naman si Isko sa mungkahi nito. Nagpaalam na si Khari at naglakad papunta sa kaniyang kubo. Pagkarating niya doon ay namangha siya ng makitang napakalinis nito.
Hindi niya napansin ng lumabas siya sa mundo ni Serene dahil nagmamadali siyang umalis. Pinapasok niya ang kaniyang mga alaga at isinara lahat ng bintana at pintuan.
"Kailangan nating magpalakas sa lalong madaling panahon. Pakiramdam ko ay mayroong mangyayaring masama ngunit hindi ko alam kung ano o kailan" seryosong aniya. Nagkatinginan ang kaniyang mga alaga at hindi alam kung ano ang isasagot.
"Bukas ng umaga ay magsasanay tayo sa kagubatan kaya ihanda niyo ang inyong mga sarili" napabuntong hininga si Khari at nahiga sa kaniyang higaan. Iniisip niya ang mga kailangan niyang dalhin at gawin bago niya isagawa ang pangmatagalan nilang pagsasanay. Kinakabahan siya sa kaniyang desisyon ngunit kailangan niyang makipagsapalaran para lumakas.
Votes and comments are highly appreciated!
BINABASA MO ANG
The Adventure Of Khari (Forest Of Sylvan) Part 1
FantasiaSa malawak na kagubatan ng Sylvan, may maliit na tribo ang paulit ulit na nagagambala dahil sa mababangis na mga magical beast. Dahil dito nakatanim na sa puso ng mga mamayan ang takot at nalalapit na pagkaubos. Dahil dito, ang batang si Khari ay n...