Ikalabing- anim na Kabanata: His first magical beast
Pagkagising palang ni Khari ay pumunta na siya agad sa mundo ni Serene. Bilang adventurer ay hindi na nila kailangan matulog. Gayunpaman, marami siyang sugat na tinamo at bumigay din ang kaniyang katawan sa pagod kaya kailangan niyang magpahinga.
Bumungad agad sa kaniya ang galit sa ekspresyon ni Serene. Magsasalita na sana ito ngunit napalitan ng nagtatakang ekspresyon sa kaniyang mukha at biglang tumawa ng malakas. Napailing nalang si Khari at nilagpasan si Serene. Dumeretso siya sa malaking tipak ng bato at pinulot ang mga libro.
“Pagbati! Isa ka ng Wood II” masayang ani ni serene. Nagpasalamat lang si Khari at sinuot ang mga iron hoops nito. Napataas ng kilay si Serene at sumimangot sa inaasta ni Khari.
“Anong silbi ko bilang iyong guro kung hindi ka nakikinig sa akin?” seryosong tanong nito. Nagtatakang namang tumingin si Khari sa kaniya. “Hindi mo alam?” tanong ni Serene.
“Ang alin?” naiinip na tanong ni Khari. Inirapan lang siya ni Serene at biglang naglaho. Napatampal nalang si Khari sa kaniyang noo. Nakalimutan niyang marami pala siyang itatanong kay Serene ngunit nawala ito sa isip niya.
Hindi niya nalang ito pinansin ngunit ikakabit na sana niya ang iron hoops sa kaniyang dibdib ng biglang may lumabas na kuneho dito. Napatalon siya gulat at mabilis na umatras, inilabas niya ang kaniyang armas at itinutok ito sa kuneho.
Nakayuko naman ang kuneho sa kaniyang harapan at hindi gumagalaw. “Sino ka?! At b-bakit bakit k-ka lumabas sa dibdib ko?!” kinakabahan sigaw ni Khari. Inilapit niya ang kaniyang armas sa leeg nito ngunit hindi parin ito gumalaw.
“Ako ay iyong alagad, Master ” nabitawan ni Khari ang kaniyang armas at umatras. Napatakip siya sa kaniyang bibig at nanlalaki ang matang tumitig dito.
“H-hoy! Hoy! Ikaw ba ang nagsalita? Bakit ka nakakapagsalita?” tanong ni Khari. Pinipilit niyang kumalma ngunit hindi niya ibinababa ang kaniyang depensa.
“Bilang iyong alipin ay nagkaroon tayo ng matibay na koneksyon. Malaya tayong makapag usap ngunit ikaw lang master ang makakarinig sakin” nakayukong wika ng kuneho.
Kumalma na si Khari at tumango. “Ngunit, paano kita naging alipin?” takang tanong nito. Hindi niya maalala kung paano siya nagkaroon ng alipin.
“Pinatay mo lahat ng pamilya ko, Master. Prinoktehan nila ako sa abot ng kanilang makakaya ngunit nabigo sila. Walang akong pagpipilian kung hindi ang magpaalipin sa iyo upang hindi masayang ang kanilang pagkamatay” may hinanakit na wika nito kay Khari. Napatulala si Khari at biglang naawa sa kuneho.
“Ngunit mga pagkain kayo” naguguluhang aniya at umiwas ng tingin. Napatakip siya sa kaniyang bibig ng maisip niya ang kaniyang sinabi. Hihingi sana siya ng paumanhin ngunit nagsalita ito.
“Alam ko master. Ngunit may damdamin din kami.” natigilan si Khari sa kaniyang narinig. Nasaktan siya para sa mga magical beast ngunit wala na siyang magagawa dahil nakatay at nakain na nila ito. Huminga siya ng malalim at nilapitan ang kaniyang alagad.
“Ano ang iyong pangalan?” tanong niya. Tinaas ng kuneho ang kaniyang ulo ngunit agad ding napayuko ng magtama ang kanilang mga mata.
“Wala kaming karapatang magkaroon ng pangalan Master. Ang aming paglilingkuran lang ang may kakayang bigyan kami ng pangalan.” napatango si Khari. Hinawakan niya ang kaniyang baba at tumingin sa itaas. Nag iisip siya kung anong pangalan ang maaari niyang ibigay sa kaniyang unang alagad.
Naisip niyang gumawa ng pangalan na nanggaling sa kaniyang pangalan dahil naisip ng mas magiging espesyal pa ito. Pagkalipas ng ilan pang sandali at nagliwanag ang kaniyang ekspresyon at binuhat ang kuneho.
“Kara. Ang iyong magiging pangalan ay Kara.” nakangiting aniya ngunit napawi ang kaniyang ngiti at nabitawan niya si Kara ng bigla itong naglabas ng nakakasilaw na liwanag. Napapikit si Khari at napahawak sa kaniyang mata. Para siyang nabulag ng ilang segundo.
Ng mawala ang liwanag ay nagulat siya sa pagbabagong naganap sa kaniyang alaga. Ang kaninang purong puting kuneho at nahahaluan na ngayon ng pula. Naging matulis ang kaniyang mga panuka, ngipin at mga kuko.
Nakaramdam ng pananabik si Khari at nagtatalon sa tuwa. Natuwa din si Kara at pinapakiramdaman ang kaniyang katawan. “Tinaggap ng aking energy core ang binigay mong pangalan Master. Isa na akong ganap na mythical beast” nagulat si Khari ngunit agad niyang nilapitan ang kaniyang alaga at mahigpit na niyakap ito.
“Ganon pala. Kapag ang magical beast ay nakipagkontrata, magiging isa na itong ganap na mythical beast” natutuwang aniya.
“Tama ka. Gayunpaman, ang tingin ng mga adventurer sa mga magical beast ay pagkain lang at tapakan upang maging malakas. Hindi sila nakikipagkontrata sa mga mahihina” nagulat si Khari ng may magsalita sa kaniyang likod. Pagtingin niya ay nandoon si Serene at seryosong nakatingin sa kaniyang alaga.
Nanginig naman si Kara at pumunta sa likod ni Khari. Ng masaksihan ito ni Khari at sinamaan niya ng tingin si Serene. “Hoy! Bakit ganyan ka makatingin sa alaga ko?” nanggigigil na tanong niya kay Serene.
Umismid lang si Serene at nagsalita, “Anong magagawa ng isang magical beast dito? Binalaan na kita Khari! Hindi ka talaga marunong makinig! Kapag dumating ang araw ng pagbabalik ng sinasabi mong mandirigma at hindi sasapat ang iyong lakas, hinding hindi kita tutulungan kahit ikamatay mo pa. Naiintindihan mo ba?” ipinaramdam ni Serene ang kaniyang aura kay Khari kaya napadapa ito sa lupa kasama ni Kara.
Sumiklab ang galit ni Khari. Pinipilit niyang labanan ang aura nito gamit ang sarili niyang aura. Dahil sa ginawa niya ay dinagdagan pa ni Serene ang bigat ng kaniyang aura kaya nagkaroon ng bitak ang lupa at lumubog ang dalawa.
Nawalan na ng malay si Kara ngunit pinipilit paring lumaban ni Khari. Duguan na ang kaniyang katawan ngunit hindi parin siya sumusuko. Dahil sa kaniyang galit ay nagkaroon ng dilaw na kuryente na namuo sa kaniyang mga kamay papuntang braso.
Kaunti palang ito ngunit habang tumatagal ay lumalaki ito hanggang sa nabalutan na nito ang kaniyang buong katawan. Gulat na gulat si Serene habang pinapanood ang pagbabagong nagaganap kay Khari.
Nakaramdam siya ng sobrang pananabik at dinagdagan pa ang kaniyang aura. Hindi nagpatinag si Khari, pinipilit parin niyang tumayo kahit nahihirapan siya. Dahil sa sobrang paggamit ng kapangyarihan ay nagkaroon ng sunog sa kaniyang katawan.
Para siyang tinutusta. Hindi pa niya kontrolado ang kaniyang kapagyarihan. Kung magtatagal ito ay tiyak na mamamatay siya. Dahil ayaw ni Serene na mangyari iyon ay ibinato niya si Khari sa malayo at umalis.
Nawalan ng malay si Khari at nawala na din ang bumabalot na kapangyarihan sa kaniya. Sunog ang kaniyang katawan at hindi na siya makilala sa kaniyang itsura.
AN: sorry super late UD marami kasing kailangan ipasa.
Votes and comments are highly appreciated!
BINABASA MO ANG
The Adventure Of Khari (Forest Of Sylvan) Part 1
FantasySa malawak na kagubatan ng Sylvan, may maliit na tribo ang paulit ulit na nagagambala dahil sa mababangis na mga magical beast. Dahil dito nakatanim na sa puso ng mga mamayan ang takot at nalalapit na pagkaubos. Dahil dito, ang batang si Khari ay n...