Ikalabimpitong Kabanata: Focused
Naunang nagising si Kara mula sa mahimbing na pagtulog. Inilibot niya ang kaniyang paningin at ng makitang wala ang kaniyang Master ay agad siyang bumalikwas ng bangon. Hindi niya pinansin ang sumasakit niyang katawan at umakyat siya pataas sa kinaroroonan niyang butas.
Ikinalat niya ang kaniyang pandama ngunit hindi niya maramdaman ang kaniyang Master. Agad siyang nakaramdam ng pangamba at tumakbo. Hindi niya alam kung saan siya pupunta ngunit nagbabakasakali parin siya na mararamdaman niya ang kaniyang Master.
Tumakbo lang siya ng tumakbo, inabot na siya ng tanghali, hanggang sa dumilim. Napahiga nalang siya sa lupa dahil sa pagod. Nawawalan na siya ng pag asa at naisip niyang pinatay na ito ng babae kanina. 'Ngunit nararamdaman ko parin ang koneksyon namin ni Master'
Matapos makabawi ng enerhiya ay nagsimula na ulit siyang tumakbo. Pagkalipas ng ilang sandali ay napatigil siya at napatingin sa isang direksyon. Hindi siya nagsayang ng oras at pumunta doon. Nakita niya ang kaniyang Master na nakahiga at nag aagaw buhay. Mahina na ang kaniyang pulso at kung hindi pa siya gagawa ng paraan ay tiyak na mamamatay ito.
Aligaga siyang tumingin sa paligid para maghanap ng panlunas ngunit matataas na puno lang ang kaniyang nakikita. Wala na siyang pagpipilian kung hindi isakripisyo ang kaniyang blood essence. Hiniwa ni Kara ng kaniyang tiyan at pumaibabaw siya kay Khari upang pumatak dito ang kaniyang dugo.
Balak niyang isakripisyo ang kaniyang buhay ngunit naisip niyang hindi ito sasapat para pagalingin ang kaniyang Master. Itinigil na niya ang kaniyang ginagawa bago pa siya mawalan ng dugo. Nagpahinga siya at binawi ang dugong nawala sa kaniya.
Para makabawi sa dugo ay kailangan niyang gamitin halos lahat ng kaniyang enerhiya. Hindi siya tumigil at inulit ito hanggang umabot na sa pitong beses. Gayunpaman, naging maayos lang ang pulso ni Khari ngunit hindi nawala ang kaniyang mga sugat. Hindi nawalan ng pag asa si Kara at itutuloy sana ulit, ngunit may dumating.
"Iba talaga ang pagiging tapat ng mga common magical beast. Ang inyong mga pag- iisip ay talagang sakit sa ulo" ani ni Serene. Agad na naalerto si Kara at lumapit ng kaunti kay Serene para maprotektahan si Khari. Umismid lang si Serene at may inabot na dalawang prutas kay Kara.
"Pisilin mo ang ginintuang prutas at ipainom mo sa kaniya ang katas nito. Kainin mo naman itong berdeng prutas para magkaroon ka ng silbi sa kaniya" kahit nag aalangan ay inabot parin ni Kara ito. Alam niya ang tungkol sa ginintuang prutas ngunit wala siyang ideya tungkol sa berdeng prutas. Maaaring lason ito ngunit wala siyang pakialam.
Ang inaalala niya lang ay ang buhay ng kaniyang Master. Tinalikuran niya si Serene at agad na lumapit kay Khari. Ibinuka niya ang bibig nito at pinisil ang prutas at ipinatak sa bibig nito. Ilang saglit pa ay unti-unti ng naghihilom ang mga pinsala nito, hanggang sa bumuti narin ang kaniyang kundisyon.
"Ilang oras nalang at magiging na rin siya" wika ni Serene. Humarap sa kaniya si Kara at magsasalita na sana ngunit natigilan siya ng makitang napakaseryoso ni Serene. Tumingin siya sa hawak niyang prutas at agad itong kinain. Alam niyang ito ang hinihintay ni Serene na gawin niya.
Pagkalunok niya ay naramdaman niyang sobrang gumaan ang kaniyang pakiramdam. Mabilis niyang nabawi ang kaniyang blood essence at enerhiya. Ngunit bukod dito ay wala na siyang ibang napansin.
"Iyon lang?" dismayado niyang tanong. Nagsalubong ang kilay ni Serene at tinignan ng matalim si Kara. "Hampas lupang walang utang na loob" inirapan niya si Kara at umalis. Nakaramdam ng komplikasyon si Kara, dapat ay nagpasalamat nalang siya dahil kahit paano ay naging mabait ito sa kaniya. Binantayan niya nalang ang kaniyang master dahil hindi niya alam kung nasaan sila. Hindi niya inalis ang pagiging alerto niya sa paligid.
Pagkalipas ng ilang oras ay nagigising na ang kaniyang Master. Pumunta siya sa tabi nito at magsasalita na sana ngunit natigilan siya ng makita niyang naging pula ang ilang hibla ng buhok nito. Halos nakalahati na ng buhok nito ay pula. "Paano nangyari ito? Wala pa ito kanina. Hindi kaya dahil sa prutas na kinain niya?" takang tanong ni Kara s kaniyang sarili.
Pagkamulat ni Khari ay bumungad sa kaniya si Kara na nagtatakang nakatitig sa kaniya. Umupo siya at hinawakan ang kaniyang ulo. Sumasakit pa ito ng kaunti dahil sa matagal na wala siyang malay.
"Gaano ako katagal nakatulog?" tanong niya. Yumuko si Kara bago sumagot, "Tatlong araw Master" gulat na napalingon si Khari sa kaniyang alaga. "Ano?! Bakit ang tagal?!" nagmamadali siyang tumayo at tumakbo papunta sa mga tindahan. Sumunod naman si Kara sa kaniya ngunit nahuhuli ito dahil sa agwat ng kanilang ranggo.
Pagkarating ni Khari ay bumili siya ng orasan at kalendaryo upang hindi siya mapag-iwanan sa oras. Pagkatingin niya sa malaking tipak ng bato ay nakita niyang domoble ang dami ng libro. Para itong nga basura na tinapon lang ng kung sino.
Pinulot niya ito at inayos. Pumunta siya ulit sa mga tindahan at bumili ng cabinet para may paglagyan siya ng mga libro. Pagkatapos maayos ang lahat ay umupo siya sa taas ng bato at nagbasa. Pinapanood lang siya ni Kara ngunit minsan ay sinusubukan niyang magpataas ng antas. Napansin niyang mas mabilis na siyang mag absorb ng natural na enerhiya sa paligid. 'epekto ba ito ng prutas na iyon?' tanong nalang niya sa kaniyang sarili ngunit isinawalang bahala na rin niya ito.
Sa loob ng isang linggo ay paulit ulit lang ang ginagawa ni Khari. Nagbabasa siya sa umaga at kapag napagod na ang kaniyang isip ay nagsasanay siya hanggang sa mapagod din ang kaniyang katawan.
Sa isang linggong iyon ay marami siyang natutunan. Kabilang na doon ang wastong pagpatay ng mga magical at mythical beast, ang mahahalagang parte ng kanilang katawan na maaari niyang ibenta sa tindahan at marami pang iba.
Tumaas din ang kaniyang antas patungo sa Wood II, Level 5. Mas mabilis na siya ngayon at dinagdagan pa niya ang mga iron hoops na nakalagay sa kaniyang katawan. Sinasanay din niya kung paano gamitin ng tama ang kaniyang kapangyarihan.
Sobra siyang nahihirapan dahil wala siyang gabay ngunit nagpapasalamat parin siya dahil marami siyang libro at natututo siya kahit papaano. Mas nahasa na niya ang kaniyang pakikipaglaban dahil kasama niyang nag eensayo ang kaniyang alaga na isa na ngayong ganap na Level 15.
Hindi pa masyadong gamay ni Khari ang kaniyang kapangyarihan dahil minsan ay nasusunog pa ang kaniyang mga kamay ngunit hindi siya tumitigil.
Votes and comments are highly appreciated!
BINABASA MO ANG
The Adventure Of Khari (Forest Of Sylvan) Part 1
FantasySa malawak na kagubatan ng Sylvan, may maliit na tribo ang paulit ulit na nagagambala dahil sa mababangis na mga magical beast. Dahil dito nakatanim na sa puso ng mga mamayan ang takot at nalalapit na pagkaubos. Dahil dito, ang batang si Khari ay n...