Ikadalawampu't Isang Kabanata: Fetching water
Nagsimula na ang paglalakbay nina Khari at ng kaniyang mga katribo. Inaabot sila ng apat na araw sa pag iigib ng tubig kung normal na bilis lang ang kanilang gagamitin. Dahil maraming matatanda ang kasali ay hindi sila masyadong nagmamadali.
Kung kanina ay mahigit dawalang daan ang maglalakbay sana ngunit, dahil sa pag atake ng halimaw ay wala na sa isang daan ang kanilang bilang ngayon. Hindi sila hinanap ni khari, marahil ay bumalik na sila sa kanilang tribo. Naiinis siya sa pagka makasarili ng mga ito.
Nangunguna sa paglalakad si Khari at Isko. Ito ang unang beses na lalabas si Khari sa kanilang tribo kaya hindi niya alam ang daan papunta sa lawa na pupuntahan nila. Panahuli niya sa paglalakad si Kara para mabantayan ang kaniyang mga kasama.
Hindi nagreklamo si Kara dahil sa talas ng kaniyang pakiramdaman ay magagawa niyang alertohin ang kaniyang Master kung may paparating na panganib.
Ang paglalakbay nina Khari ay sobrang tahimik. Wala kahit isa sa kanila ang nagsasalita. Ang maririnig lang sa paligid ay ang mga tunog ng kanilang tinatapakang mga dahon at ibat ibang huni ng mga ibon. Nagsisimula ng mabagot si Khari. Sobrang tahimik at masyadong mabagal ng kanilang paglalakbay.
Naiisip niyang sana ay si Isko nalang ang kaniyang isinama lalo na at may space ring na siya ngayon. Habang nag iisip ay nakaisip siya ng paraan para mapabilis ang kanilang paglalakbay. Pinasakay niya ang mga matatanda sa ibabaw ng space cart at may isang taga tulak kada space cart.
Pinagkasya nila ang kanilang sarili doon. Pinalaki din ni Kara ang kaniyang sarili para mabuhat niya ang tatlong natitira pa. Pababa ang kanilang nilalakaran kaya mas madali para sa kanila na marating kaagad ang lawa.
Nakasakay sa likod si Khari si Isko dahil sila parin ang mangunguna sa paglalakbay. Itinali ni Khari ang kaniyang sarili at pinahawak niya ito sa mga nakasakay sa space cart papunta sa nakasakay kay Kara para isang daanan lang ang kanilang pupuntahan.
Tumakbo na si Khari kaya tumakbo na din ng mabilis ang mga taga tulak ng space cart. Ng makitang deretso na ang takbo nito ay sumakay na din sila sa ibabaw nito. Mabilis na tumakbo si Khari sa itinuturong direksyon ni Isko. Ang inaalala niya lang ay baka may mythical beast na biglang sumugod sa kanila kaya nanatili parin siyang alerto.
Pagkalipas lang ng ilang oras ay nakarating na agad sila sa lawa. Halos lumuwa na ang mata ni Khari sa ganda ng kaniyang nakikita. Nagsitakbuhan ang mga mahihinang magical beast ng maramdaman nila si Khari. Ngunit ang grupo ng wild boar ay parang galit na galit at mabilis na sumugod sa kanila.
Agad na inilabas ni Khari ang kaniyang scythe. Pinaalalahanan niya si Kara na hiwain lang ang mga lalamunan nila para mas mabilis silang paslangin. Mabilis na sumugod si Khari sa mga baboy ramo at lahat ng dinadaanan niya ay agad na bumabagsak. Mabilis nilang naubos ang mga wild boar, agad itong inilagay ni Khari sa kaniyang space ring ngunit nagtira siya ng dalawa para sa kanilang kakainin.
Naglabas siya ng sangkap at lutuan. Inatasan niya si Eren na gumawa ng apoy para sa kaniyang lulutuin. Inilabas niya din ang libro na ‘Gourmet recipe’ at kutsilyo. Nagsimula na niyang hiwain ang mga karne sa magkakaparehong laki. Habang pinapanood siya ng kaniyang mga katribo at hindi nila maiwasang mamangha sa pinong kilos nito. Para na itong eksperto sa pagluluto.
Nilagyan na niya ng pampalasa ang mga karne at inilagay sa malaking lutuan, nilagyan niya din ito ng tubig. Dinagdagan niya ang kahoy para mas lumakas pa ang apoy at mas mabilis maluto. Itinago na niya ang mga balat nito at importanteng parte ng katawan para maibenta niya sa mundo ni Serene.
Habang hinihintay na maluto ang pagkain ay naisipin niyang magtampisaw muna sa tubig. Inanyayahan din niya ang kaniyang mga katribo dahil masarap sa pakiramdam ng lamig nito.
Hindi nagtagal ay naamoy na nila ang niluluto ni Khari. Kumalam ang kanilang sikmura kaya nag unahan silang umahon sa tubig. Dali daling binuksan ni Khari ang takip at umalingasaw ang masarap na amoy ng niluluto niyang pagkain. Naglabas si Khari ng malalaking mangkok at nagsimula na siyang magsandok.
Agad namang sumunod ang kaniyang mga katribo at binigyan din niya si Kara. Habang kumakain sila ay may sarili silang pwesto at ang maririnig lang sa paligid ay ang pag agos ng tubig at ang ingay ng kanilang pagkain.
Biglang may narinig si Khari na kaluskos sa kaniyang likod kaya napatayo siya at naalerto. Ng makita niya kung sino ang mga ito ay kumalma siya. Ito ay ang mag anak na lobo na nakalaban niya kanina.
“Anong kailangan niyo?" Tanong ni Khari. Bumuka ang bibig ng malaking lobo ngunit walang narinig si Khari. Akala niya ay magpapatulong ito ngunit ng makita niyang kompleto ang mga anak nito ay mas lalo siyang nagtaka. Gayunpaman, ng makita niyang naglalaway ang mga ito ay agad din niyang napagtanto na nagugutom ang mga ito.
Kumuha siya ng apat na mangkok at pinuno ito ng pagkain at ibigay niya ito sa mag anak na lobo. Hindi na sila nag alangan at agad itong kinain. Napailing nalang si Khari at hindi na pinansin ang mga ito. Ng mabusog siya ay lumayo siya ng kaunti sa kaniyang mga katribo at nagnilay nilay.
Pagkalipas lang ng ilang minuto ay agad din siyang napamulat. Hindi niya mapakalma ang kaniyang sarili dahil kanina pa may nakatitig sa kaniya. Bigla siyang kinalmot ng lobo pero dahil sa gulat ay hindi agad siya nakakilos. Dinilaan ng lobo ang dugo sa kaniyang braso at agad ding naghilom ang sugat nito.
"Tanggapin mo kami bilang iyong alipin, Master" agad na yumuko ang lobo at agad na sumunod ang kaniyang mga anak. Gulat na gulat parin si Khari at hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Nadagdagan na naman ang kaniyang mga alagad ng hindi niya namamalayan.
"Sa librong nabasa ko ay mapagmalaki ang lahi ng mga tri-colored wolf ngunit nagpaalipin ka sa akin dahil lang binigyan ko kayo ng pagkain?" Hindi makapaniwalang wika ni Khari. Sinulyapan ng lobo ang kaniyang mga anak. Sinugatan niya muli si Khari at agad dinilaan ng mga ito ang dugo ni Khari. Hindi na nakapalag si Khari at pinanood nalang niya ang ginagawa ng mga lobo.
Votes and comments are highly appreciated!
Happy 150 reads everyone!😆
![](https://img.wattpad.com/cover/369815987-288-k864399.jpg)
BINABASA MO ANG
The Adventure Of Khari (Forest Of Sylvan) Part 1
FantasySa malawak na kagubatan ng Sylvan, may maliit na tribo ang paulit ulit na nagagambala dahil sa mababangis na mga magical beast. Dahil dito nakatanim na sa puso ng mga mamayan ang takot at nalalapit na pagkaubos. Dahil dito, ang batang si Khari ay n...