Ikadalawampu't Apat na Kabanata: Sincere Conversation
Habang nakahiga si Khari ay naglabas siya ng libro tungkol sa medisina at ikinabisado ang laman ng librong iyon. Nakalagay sa libro kung paano gumawa ng mga pills at potion at kung paano ito gawin. Nakalagay din dito ang mga sangkap at materyales sa paggawa ng mga gamot.
Pinipilit ni Khari na intindihan at kabisaduhin ang mga nakalagay sa libro dahil ito ang pangunahing kailangan nila sa isasagawa nilang pagsasanay sa kagubatan. Ng matapos na siyang magbasa ay ibinalik niya ang libro sa kaniyang space ring at lumabas sa kaniyang kubo.
Halos mapatalon siya sa gulat ng makitang nakatayo si Crocell sa harap ng pinto. Napagdesisyonan nilang pumunta sa malaking puno malapit sa kubo ni Khari. "Naalala mo ba? Dito kita inaaway dati dahil lampa ka at dika marunong umakyat sa puno" nagtawanan ang dalawa ng maalala ang kanilang pagkabata. "Pero ngayon, kahit sino sa ating tribo ay hindi ka kayang gasgasan" nagkatinginan sila at malungkot na ngumiti si Crocell.
"Pangarap nating maging adventurer para ialis sa kagubatan ang ating mga katribo ngunit hindi ako pinalad" nakaramdam ng konsensya si Khari sa kaniyang narinig. Sa kanilang dalawa ay mas mataas ang pangarap ni Crocell na maging adventurer at ang kaniyang hangarin ay napakabuti. Hindi alam ni Khari ang kaniyang sasabihin kaya nanahimik nalang siya at tumingin sa kalangitan.
"Iniisip ko tuloy, kung ako kaya ang inatake ng wild boar noon, isa na din kaya akong adventurer ngayon?" Napangiti ng mapait si Crocell at umupo sa kahoy na duyan. Sumunod naman si Khari at umupo sa tabi nito.
"Hindi ko alam. Pero kung itinadhana kang maging adventurer ay dadating din ang panahon na iyon. Kailangan mo lang hintayin ang tamang panahon at wag kang mawalan ng pag asa" napabuntong hininga si Crocell at napatawa ng pagak.
"Alam mo, nawawalan na din ako ng pag asa. Habang nakikita kong unti-unti mong tinutupad ang pangarap natin ay naiinggit ako, hindi ko iyon ikakaila. Pero wag mo sanang masamain. Masaya ako para sayo" ngumiti si Crocell kay Khari at tinapik ang balikat nito. Hindi na nakayanan ni Khari na pigilan ang kaniyang emosyon at niyakap ng mahigpit si Crocell.
"Mayroon ka pang ilang taon para hintayin kung isa ka ba sa pinalad na maging adventurer. At kung sakali mang hindi, pinapangako kong gagawa ako ng paraan para matupad ang mga pangarap natin" nag iyakan ang dalawa at hindi kalaunan ay nagtawanan din sila. Hindi nila namalayang dumidilim na dahil sobrang tutok sila sa pag uusap.
"Sa totoo lang, gusto kong magpaalam sayo" seryosong wika ni Khari. Napakunot noo si Crocell at nagtanong "Lilisanin mo na ba ang ating tribo?" Agad na umiling si Khari at nagpaliwanag. "Gusto kong magsanay sa kagubatan dahil mas epektibo kung doon ako magsasanay. Kinukutuban ako ng masama kaya kailangan kong maghanda" wika niya at bumuntong hininga.
Napaisip din si Crocell at nakaramdam siya ng kaba. "Ayokong ikasal sa taong iyon. At isa pa, masyado pa akong bata at hindi ko nakikita ang sarili kong pinagsisilbihan siya" niyakap ni Crocell ang kaniyang sarili at nandidiring iniisip ang magiging buhay niya kung sakaling matuloy ang kanilang kasal.
"Sinabi ko naman diba? Hindi ko hahayaang makuha ka nila. Kaya sisikapin kong magsanay sa kagubatan. Pagbalik ko magiging triple na ang aking lakas at mga alagang mythical beast" aniya at parang nangangarap. Ngumiti lang si Crocell at tumayo na. "Kailan ka ba aalis?" Tumayo na din si Khari at tuambi kay Crocell.
"Bukas na bukas din. Hindi ako pwedeng magsayang ng oras dahil habang wala akong ginagawa ay nagpapalakas ang ating mga kalaban" nagkasundo ang dalawa na pumunta sa kubo nila Crocell para kausapin si Isko.
"Mag iingat ka sa iyong pagsasanay. At paki-usap, bumalik ka ng buhay" paalala ni Crocell. Tumango si Khari at ngumiti. Pagkarating nila sa kubo nila Crocell ay pumasok na sila at nadatnan nila si Isko na nakaupo at parang naghihintay. Ng makita niya si Crocell ay pagagalitan na sana niya ngunit nahagip ng mata niya si Khari na nasunod. Agad siyang kumalma at huminga ng malalim.
"Akala ko ay kung saan saan na naman nagpunta itong apo ko" natatawang aniya. Pinaupo niya si Khari sa harap niya. Pumunta naman si Crocell sa kanilang kusina para magluto.
"Magpapaalam po sana ako para magsanay sa kagubatan" panimula ni Khari. Nagulat naman si Isko at agad na tumutol. "Pero napaka mapanganib ng kagubatan" aniya. Ngumiti lang si Khari at nagpaliwanag. "Mas mainam po kung sa kagubatan ako magsasanay. Mas epektibo kung mga mythical beast ang kakalabanin ko. Bukod sa mahahasa pa ang paraan ng aking pakikipaglaban ay mas lalakas pa ako" aniya. Napaisip naman si Isko sa sinabi nito.
"Kung gayon ay sinusuportahan ko ang iyong desisyon. Wag mo kaming alalahanin dito at kaya na namin ang aming mga sarili." Tumango si Khari at nagpasalamat. Nagpaalam na din siya at bumalik na s kaniyang kubo. Nadatnan niyang naghihintay sa tapat ng pinto ang kaniyang mga alaga. Natawa pa siya ng makitang nakalinya ang mga anak ni Kiraz.
"Wala pa pala kayong pangalan" napatampal siya sa kaniyang noo at nag isip ng ipapangalan sa tatlo. Umupo siya sa harap nila at isa isang hinaplos ang mga ulo nito.
"Ikaw si Kieran--" tinuro niya ang isang lobo. Naglabas ng lilang liwanag ang katawan nito. Akala ni Khari ay magiging tao ito ngunit nagkaroon lang ito ng simbolong kalahating buwan sa noo nito. Nagtaka siya at napatingin kay Kiraz ngunit umiling ito sa kaniya, senyales na wala din itong alam.
"Ikaw naman si Kairo--" naglabas din ito ng lilang liwanag at nagkaroon din ng simbolong kalahating buwan sa noo nito. At panghuli "Ikaw si Kyrie--" nagulat silang lahat ng dilaw na liwanag ang lumabas sa katawan nito ngunit walang kahit anong simbolo ang lumabas sa noo nito.
Nilapitan ni Kiraz ang kaniyang anak. "Paano ito nangyari? Alam kong anak kita ngunit ano ito?" Nakatingin lang sa kanila si Kyrie at hindi nagsalita.
"Kung pupunta tayo sa inyong mga kalahi ay tiyak na malalaman natin ang lahat" suhestyon ni Khari. Umiwas ng tingin si Kiraz "Hindi na kailangan Master. Tiyak na hindi din naman natin sila makikita pa"
Votes and comments are highly appreciated!
BINABASA MO ANG
The Adventure Of Khari (Forest Of Sylvan) Part 1
FantasySa malawak na kagubatan ng Sylvan, may maliit na tribo ang paulit ulit na nagagambala dahil sa mababangis na mga magical beast. Dahil dito nakatanim na sa puso ng mga mamayan ang takot at nalalapit na pagkaubos. Dahil dito, ang batang si Khari ay n...