Ikalabindalawang Kabanata: Temporary Goodbye
Kahit puyat na puyat si Khari at pinilit parin niyang gumising ng maaga. Halos hindi na niya maigalaw ang kaniyang katawan dahil sa sobrang sakit. Pinilit niya paring bumangon at tinanggal ang mga iron hoops. Gumaan ng sobra ang kaniyang katawan ngunit hindi natanggal ang sakit nito. Babalik na sana siya sa kaniyang kubo ngunit naisip niyang pataasin ang kaniyang antas. Naramdaman niyang sobrang lapit na nito.
Nagtaka siya ngunit agad din niyang naintindihan ang ibig sabihin nito. Espesyal ang mga binebentang pagkain dito dahil lahat ay may taglay na enerhiya na maaaring ikunsumo.
Bumili siya ng dalawang prutas at kinain agad ito. Pagkatapos niyang maabsorb ang mga taglay nitong eherhiya ay umupo siya at pinakalma ang kaniyang sarili.
Sinimulan na niya ang pagpapataas ng antas. Napansin niyang habang tumataas ang kaniyang antas ay bumabagal ito at dumadami ang kakailanganin niyang enerhiya. Halos doble ang kailangan niyang enerhiya kaya matatagalan siya kung mano mano lang ang pagpapataas niya ng antas.
You've level up!
Ng marinig ito ay agad siyang tumayo. Nag unat siya ng katawan dahil natanggal na ang sakit nito. Ilang sandali pa ay bumalik na siya sa kaniyang kubo.
Nagulat siya at biglang kinabahan ng may kumakalampag sa kaniyang pintuan. “Khari ano ba! Hindi ka pa ba gising diyan?!” inis na sigaw ni Crocell. Dali daling naman niyang binuksan ang mga bintana at bago buksan ang pintuan.
Pagkabukas niya ay bumungad sa kaniya ang namumula at nakasimangot na si Crocell. Nakapamewang ito at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kaniya. “Bakit ngayon ka lang? Hindi ka lumabas buong araw kahapon! Sabihin mo kung ayaw mo na akong maging kaibigan para ako na ang bahalang umiwas sayo!” sigaw niya kay khari. Napakamot naman sa batok si Khari at hindi niya alam ang sasabihin.
Lumabas siya sa kaniyang kubo at hinarap si Crocell. Nagulat naman si Crocell dahil sobrang tumangkad si Khari. Dati ay mas matangkad siya ng bahagya ngunit ngayon ay hanggang tenga nalang siya nito! Hindi niya ito pinansin at binalik ang kaniyang simangot.
“Mahuhuli ka na sa bigayan ng rasyon! Bilisan mo at may importanteng iaanunsyo daw si Carpio at Logan” nag iwas ng tingin si Crocell at nauna ng maglakad. Humabol naman si Khari at inakbayan si Crocell.
Nanlalaki ang matang lumingon sa kaniya ang dalagita. “A-ano ba” mahinang aniya. Natawa naman si Khari sa naging reaksyon nito. Akala niya ay sisigawan na naman siya nito ngunit nakita niyang namumula ito sa hiya.
“Bakit? Dati ay ikaw ang umaakbay sakin, ngayon ay ako na dahil mas matangkad na ako sa iyo” nakangising wika ni Khari. Halatang inaasar niya si Crocell.
Napatakip sa ilong si Crocell at sapilitang tinanggal ang pagkakaakbay ni Khari sa kaniya. Lumayo siya dito ay sinabing “Ang baho mo naman! Anong ginawa mo at ganyan ang amoy mo? Kadiri ka” nandidiring aniya at nauna ng maglakad.
Inamoy naman ni Khari ang kaniyang sarili at napaubo “Ang baho ko na nga. Nakakahiya” natawa siya sa kaniyang sarili at sumunod nalang. Ng makarating sila ay kakaunti ang pila kaya luminya na siya. Sinulyapan niya si Logan at nakita niyang ito ang nagbibigay rasyon.
Sunod niyang sinulyapan si Carpio ngunit para siyang tinakasan ng dugo ng makitang nanlilisik ang mga matang nakatingin ito sa kaniya. Agad siyang nag iwas ng tingin at yumuko. “Kahit isa na akong adventurer ay nakakaramdam pa pala ako ng takot” aniya sa kaniyang sarili.
Ng siya na ang bibigyan ay nakayuko parin siyang inabot ang kaniyang rasyon. Hindi siya sinita ni Carpio ngunit alam niyang nakasunod ito ng tingin sa kaniya. Niyakap niya ang kaniyang pagkain at tatakbo na sana pabalik sa kubo ngunit sumigaw si Logan.
“Wala munang aalis, mga mamamayan ng tribo ng Zebulun!” awtomatikong napatigil si Khari sa kaniyang paghakbang. Lumingon siya at nakitang nakatayo na ang dalawa sa harap.
“Mayroon kaming mahalagang sasabihin kaya makinig kayong mabuti” malakas na wika ni Logan. Lumingon siya kay Carpio at tumango sa kaniya ito, senyales na ipagpatuloy ang pagsasalita.
“Napag desisyonan namin na bumalik pansamantala sa aming lugar dahil may mahalaga kaming gagawin--” agad na nagdiwang ang ilang mamamayan ngunit pinaramdam ni Carpio sa kanila ang napakabigat niyang aura. Napatigil at napayuko naman ang iba dahil ayaw nilang madamay. Sinarili nalang nila ang kanilang kasiyahan dahil ayaw nilang mapahamak.
“Hmp! Sige magsaya kayo ngunit paniguradong mamamatay kayo sa mga pag atake ng mga magical beast, mga mahihinang nilalang” nanghahamak na wika ni Carpio. Natakot naman ang matatandang nandoon dahil sa mga sinabi ni Carpio. Kahit na sobrang gahaman ng mga ito ay naisip nilang mas kakaunti ang mamamatay kung may adventurer parin na mangangalaga sa kanila.
“Hindi ako sigurado ngunit isang taon kaming mawawala. Hindi ako nangangamba dahil kakaunti lang naman ang mga magical beast na dumadayo rito.” aniya. Hindi nawala ang kaba ng mga mamamayan kaya nagtawanan ang dalawang adventurer.
Dahan dahan siyang lumapit kay Crocell ngunit itinago ni Isko ang kaniyang apo sa kaniyang likod. Itinulak ni Carpio si Isko sa tabi kaya napasigaw ang mga mamamayan. Nakaramdam ng galit si Khari at lalapit na sana ngunit inilingan siya ni Isko. Nagmamakaawa ang tingin nito kaya pinipilit niyang kumalma kahit parang sasabog na siya sa galit.
Hinawakan ni Carpio si Crocell sa dalawang balikat at sinabing “At ikaw. Maging mabait ka lang dito dahil babalikan pa kita, ikakasal tayo agad at aangkinin kita dahil akin ka lang. Maliwanag?” nanggigigil na aniya kay Crocell. Kahit nasasaktan ay pilit parin niyang tinigasan ang kaniyang ekspresyon at tumingin sa mga mata ni Carpio.
Binitawan naman siya ni Carpio at bumalik sa harap para magsalita. “Bukas na bukas din ay aalis kami ng maaga. Gustong katayin niyo lahat ng wild rabbit, kalahati ng wild ducks at kalahati ng Capra hircus” aniya at aalis na sana ngunit may nagsalita.
“Sobrang delikado ng mga wild rabbit. Iaasa mo ba talaga ang iyan sa normal na tao dito? Paano kung may mamatay na naman?” ang nagsalita ay walang iba kung hindi si Khari. Hindi niya napigilan ang kaniyang sarili.
“Ayoko sa tabas ng iyong dila, paslit. Pero dahil matigas ka ay gusto kong kasali ka sa kakatay hahaha, tignan natin kung hindi pa paglamayan ang iyong katawan”
Votes and comments are highly appreciated!
![](https://img.wattpad.com/cover/369815987-288-k864399.jpg)
BINABASA MO ANG
The Adventure Of Khari (Forest Of Sylvan) Part 1
FantasiSa malawak na kagubatan ng Sylvan, may maliit na tribo ang paulit ulit na nagagambala dahil sa mababangis na mga magical beast. Dahil dito nakatanim na sa puso ng mga mamayan ang takot at nalalapit na pagkaubos. Dahil dito, ang batang si Khari ay n...