Ikatatlumpu't Isang Kabanata: Disappeared
"Kung saan saan ka namin hinanap ngunit dito ka lang pala namin matatagpuan. Ilang kawal na din ang nasawi sa aming panig ngunit nandito ka at nagpapakasarap” kalmado ngunit madiing wika ni Rivan. Nagngingitngit ang kaniyang mga ngipin at matalim na nakatitig kay Aeron.
“Hay Kapitan. Palalakihin pa ba natin ang gulong ito? Isa parin akong prinsepe--” Hindi na naituloy ni Aeron ang kaniyang sasabihin. “Lapastangan! Wag mo akong takutin sa iyong titulo dahil wala akong pakialam!” Galit na sigaw ni Rivan. Ngumisi si Aeron at nanghahamak na nagwika.
“Marahil wala kang pakialam. Gayunpaman, nasa batas parin ng ating kaharian na kailangan mong gumalang sa mas nakatataas sayo” mas lalong nanggigil sa Rivan sa kaniyang narinig ngunit pinipilit pakalmahin ang kaniyang sarili.
“Malakas ang loob mong magsalita ng ganyan ngunit pinaslang mo ang iyong kapatid? Anong kahangalan ang pinagsasabi mo?” inilabas ni Rivan ang kaniyang espada at pumwesto.
“Ano pang aasahan mo Kapitan Rivan? Pito kaming prinsepe at iisa lang ang pwedeng magmana ng trono. At kung nag iisip ka ng mabuti, maintindihan mong nararapat lang ang aking ginawa dahil ako ang ikapitong prinsepe. Panghuling pagpipilian sa trono, naisip mo ba kung gaano ako katagal maghihintay?” bumakat ang mga ugat sa noo ni Aeron at inilabas din ang kaniyang espada.
“Kung ganon, pagbayaran mo ang iyong mga kasalanan! Sugod!” agad na sumugod sina Rivan at ng mga kasama niyang kawal. Halata ang galit sa aura ng mga ito at gusto na siyang patayin.
*
Samantala, hingal na hingal na tumigil sina Khari sa pagtakbo at sumandal sa puno. Komplikado ang kaniyang ekspresyon at halata ang pag aalala nito.
“Tama lang ba iniwan natin siya kahit halata namang walang magandang gagawin ang mga kawal na iyon?” tanong ni Khari. Inirapan siya ni Kara at hindi na niya napigilan ang inis niya sa kaniyang Master.
“Marahil naging kaibigan mo siya sa iyong pakikipagsapalaran dito sa kagubatan ngunit sarili niyang problema iyon. Wag mo ng panghimasukan ang personal niyang buhay dahil halata namang wala siyang pakialam sayo.” inis na aniya.
Kumunot ang noo ni Khari at nagtatakang nagtanong “Galit ka ba sa kanya Kara?” isang beses pang umirap ni Kara at tumalikod.
“Oo! Halata namang nilalamangan ka niya e gustong- gusto mo naman” napaawang ang bibig ni Khari at binalingan ng tingin ang magkakapatid na tri-colored wolf ngunit nakangisi lang ang mga ito sa kaniya na parang sinasabing ‘buti nga sayo’
Hindi na siya nagsalita at nanahimik nalang sa isang tabi. Ng biglang sumagi sa kaniyang isip ang ibinigay ng misteryosong lalaki sa kaniya. Agad niya itong inilabas at tinitigan.
Ng maramdaman ng kaniyang mga alaga ang aura ng kahon ay agad siyang nilapitan ng mga ito. “Kating kati na ang kamay kong buksan ang kahon na ito. Sumasakit na din ang aking ulo kakaisip kung ano ang laman nito at kung bakit niya binigay sa‘kin ito.” habang pinapakiramdaman ni Khari ang kahon ay tumataas ang buhok sa kaniyang batok at kinikilabutan siya.
“Mas mainam siguro kung sa mundo nalang ni kagalang-galang na Serene mo buksan ang kahon na iyan para makaiwas sa hindi inaasahang insidente. At kung maaari sana, wag mo ng ipakita iyan sa Aeron na iyon dahil paniguradong pag iinteresan na naman niya ‘yan. Gahaman pa naman iyon” walang prenong komento ni Kara. Nanlaki ang mga mata ni Khari at sasagot pa sana ngunit hindi na niya itinuloy at itinago nalang sa kaniyang space ring ang kahon.
Habang nagpapahinga sila ay hindi maiwasang isipin ni Khari ang kaniyang mga katribo. ‘Kumusta na kaya sila? Maayos lang naman siguro sila dahil malakas si Kiraz at nararamdaman ko parin ang aming koneksyon’ sa isip ni Khari. Bumuntong hininga siya at magsisimula sana ng usapan ng bigla silang naalerto dahil nagsiliparan ang mga ibon sa isang parte ng kagubatan.
“Si Aeron na kaya iyon?” nag-aalalang tanong ni Khari. Sinulyapan niya ang kaniyang mga kasama at halata sa mga mukha nila ang pagtutol. Gayunpaman, wala silang magagawa kung hindi sundin ang kanilang Master ano man ang maging desisyon nito.
“Paumanhin, hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nasisiguradong ayos lang ang isang iyon” sinserong wika ni Khari. Inilabas niya ang kaniyang scythe at pupuntahan na sana si Aeron ngunit natigilan sila ng dumating na ang pinakahihintay nila.
“Salamat sa iyong pag-aalala ngunit hindi na kailangan iyon.” maangas na wika ni Aeron habang iwinawasiwas ang espada sa kamay nito. Kumunot ang noo ni Khari at nagtatakang tinignan ito.
“Paano ka nakatakas mula sa sandamakmak na gold Rank?” naghihinalang tanong ni Khari. Ngumisi si Aeron at sumandal sa puno.
“Sabihin na nating marami akong tinatagong alas” tinignan niya si Khari “Ikaw? May itinatago ka pa ba o nailabas mo na lahat?” nakangising tanong niya. Huminga ng malalim si Khari at tinitigan si Aeron ng mariin.
“Ano na namang kahangalan ang ipinaglalaban mo? Nauubos na talaga ang pasensya ko sayo” inis na aniya.
Suminghal si Aeron at tumawa ng pagak “At kapag naubos na ang pasensya mo, ano namang magagawa mo? Ipagyayabang mo ba ang mga alaga mong kasing hina mo?” pumwesto si Aeron at handa ng atakehin si Khari.
“Anong ginagawa mo? Balak mo ba akong kalabanin Aeron?” Hindi makapaniwalang tanong ni Khari. Tumawa ng malakas si Aeron at nanghahamak na nagwika.
“Hindi ako makapaniwalang sobrang mangmang mo talaga. Ngayon mo lang ba napagtanto ang lahat kung bakit ako sumama sayo?” nakaramdam ng galit si Khari at hindi niya napigilang ilabas ang kaniyang aura.
“Saang lahi ka ba nagmula? Hindi ako naniniwalang tao ka dahil kapag nararamdaman ko ang iyong aura ay kinikilabutan talaga ako” umakto pa ito na parang natatakot.
“Wala kang utang na loob! Traydor ka!” sigaw ni Khari. Hindi niya mapigilan ang kaniyang emosyon kaya kusang lumabas ang kapangyarihan nito.
“Hahaha! Ibigay niyo sakin ang lahat ng inyong kayamanan at bibigyan ko kayo ng mabilisang kamatayan bilang gantimpala” seryosong aniya at naging blangko Ang ekspresyon nito sa mukha.
“Hmp! Dadaan ka muna sa bangkay ko bago mo masaktan ang mga alaga ko. Ang iyong pagtatraydor ay hinding hindi ko mapapatawad! Papatayin kita!” hinigpitan niya ang hawak sa kaniyang scythe at mabilis na sumugod kay Aeron.
BINABASA MO ANG
The Adventure Of Khari (Forest Of Sylvan) Part 1
FantasySa malawak na kagubatan ng Sylvan, may maliit na tribo ang paulit ulit na nagagambala dahil sa mababangis na mga magical beast. Dahil dito nakatanim na sa puso ng mga mamayan ang takot at nalalapit na pagkaubos. Dahil dito, ang batang si Khari ay n...