Ikadalawampu't Walong Kabanata: New found friend
Pagkatapos katayin ni Khari ang mga wild boar ay binigyan muna niya tig- dalawang piraso ng energy core ang kaniyang mga alaga. Naging mabilis ang kanilang paglakas kaya naman labis na nasiyahan si Khari. Gayunpaman, hindi nagpakampante si Khari dahil kagubatan ang kanilang kinalalagyan at maaari silang mamatay kung hindi sila nag iingat.
Nararamdaman niyang maraming malalakas na mythical beast ngunit hindi sila inaatake basta't hindi sila gagawa ng gulo. Babalaan na sana niya ang kaniyang mga alaga ngunit napatigil sila ng maramdamang yumanig ang paligid. Agad silang nagtipon at nagtago sa likod ng malaking puno.
Ilang saglit pa ay nakarinig sila ng napakalakas at galit na ungol ng isang oso na sinundan ng isang sigaw ng tao. Nagsi liparan lahat ng iba't-ibang klase ng ibon sa isang parteng iyon ng kagubatan. Agad na lumabas si Khari sa kanilang pinagtataguan at agad na tumakbo papunta sa pinangyayarihan ng gulo. Sinubukan siyang pigilan ng kaniyang mga alaga ngunit masyado siyang mabilis kaya wala na silang nagawa kung hindi sumunod.
Ng makarating si Khari sa pinaggalingan ng sigaw ay nagulat siya ng makita niyang naglalaban ang osong nakita nila at isang binata. Magara ang kasuotan ng binata ng ngunit napakarami niyang sugat at halatang malapit na siyang matalo.
Inihampas ng binata ang kaniyang espada sa oso ngunit isinangga ng oso ang kaniyang malalaking kuko. Tumilapon ang espada ng binata at nawasak ito. Agad siyang sinipa ng oso kaya nagpagulong gulong siya sa malayo at nawalan ng malay.
Tumakbo ang oso palapit sa binata. Napahawak si Khari sa kaniyang ulo at hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Itinaas ng oso ang isa niyang kamay at aatakihin na sana niya ang binata ngunit agad na sumigaw si Khari. "Tigil! Tumigil ka ngayon din!" Hindi naituloy ng oso ang kaniyang gagawin at nilingon si Khari.
Napatampal sa noo si Khari dahil nasa kaniya na ang atensyon nito. Sinipa ulit ng oso ang binata at lumapit kay Khari. Dahil sa kaba ni Khari naglabas siya ng limang energy core at ibinato sa oso. Agad naman itong sinalo ng oso at kinilatis ang hawak niya. Ilang saglit pa ay kinain na niya ito at naglakad para umalis.
Nakahinga ng maluwag si khari, lalapitan na sana niya ang binata ngunit napatigil siya ng bigla siyang umangat sa lupa. Agad siyang nakaramdam ng kaba. Binuhat siya ng oso gamit ang kaniyang damit.
"Teka lang! A-anong kailangan m-mo?" Kinakabahan at nauutal na aniya. Inilapit ng oso sa kaniyang mukha si Khari at inamoy ito. Nagkaroon ng pagtataka sa mukha nito at inulit na inaamoy amoy si Khari.
Agad din naman niyang ibinaba si Khari at may lumabas na maliit na portal sa gilid ng oso. Ipinasok ng oso ang isa niyang kamay dito at ng inilabas niya ay may hawak na itong maliit na puting bilog at kumikinang.
Nagtatakang tinignan ito ni Khari ngunit pagtingin niya sa oso ay nakita niyang nakatitig ito sa kaniya na para bang pinag aaralan ang kaniyang magiging reaction. Para bang umirap ang oso ng makitang hindi alam ni Khari kung ano ang bagay na iyon.
Gayunpaman, ibinigay parin niya ang ang hawak niya at naguguluhang kinuha ito ni Khari.
Aalis na sana ang oso ngunit agad itong pinigilan ni Khari. "Saglit lang!" Lumingon ang oso na para bang tinatamad na ito.
"Gusto mo bang sumumpa ng katapatan sa akin? Kailangan mo lang inumin ang aking dugo" nag aalangan na wika ni Khari. Agad na ngumanga ang oso at inilapit ang kaniyang bibig kay Khari kaya napasigaw siya at agad na napalayo.
Parang tumawa ang oso at nagpatuloy na ito sa paglalakad ng hindi lumilingon. Huminga ng malalim si Khari at pinakalma ang sarili. Napatitig siya sa hawak niyang puting bilog. Animo'y isa iyong maliit na mundo kung titignang mabuti.
Itinago na iyon ni Khari sa kaniyang space ring. Itatanong nalang niya iyon kay Serene sa susunod na pumasok siya sa mundo nito.
Agad niyang nilapitan ang binatang nakahandusay sa hindi kalayuan. Napakarami nitong pinsala at kung hindi siya magagamot ay mamamatay ito. Inilabas ni Khari ang isa niyang healing potion at agad na pinainom ito sa binata. "Di bale ng mabawasan ako ng isang healing potion. Mas importante parin ang buhay ng nilalang na ito" aniya. Agad na sumimangot ang magkakapatid na tri-colored wolf. Halatang hindi sila sang ayon sa sinabi ng kanilang Master.
Pagkalipas ng ilang sandali ay unti unting nagmulat ng mata ang binata. Napabalikwas siya ng bangon at agad na lumayo ng makita niya ang mga mythical beast.
"Kumalma ka Ginoo. Sila ay aking mga kaibigan kaya hindi manganganib ang iyong buhay" malumanay na wika ni Khari. Napataas kilay ang binata at tinignan si Khari mula ulo hanggang paa. Naghahamak na tinignan niya ito "Sino ka?" Maangas na tanong niya.
Hindi man nagugustuhan ni Khari ang ugali nito ay nanatili parin siyang mapagkumbaba. "Ako si Khari, mula sa tribo ng Zebulun" aniya.
Napakunot noo ang binata at halatang naguguluhan. "Ang aming tribo ay nasa kailaliman ng gubat kaya marahil hindi mo pa naririnig ang tungkol sa aming tribo" wika ni Khari.
"Ibig bang sabihin nito ay hindi kayo nagbabayad ng buwis sa aming kaharian?" Inis na tugon ng binata. Napakunot noo si Khari at tila naguguluhan sa sinambit nito.
Ng lumingon sa paligid ang binata ay nakita niya ang mga alaga ni Khari. Napansin niyang lahat ng mga ito ay may mga space ring. Tumikhim siya at agad na nagsalita. "Paumanhin sa aking kawalang- galang. Ako si Aeron, ang Ikapitong prinsepe mula sa kaharian ng Ironvale. Ikinagagalak kitang makilala" inilapit niya ang kanan niyang kamay sa kaniyang dibdib at bahagyang yumuko.
Halatang isa itong maharlika sa suot at mga galaw nito. Hindi alam ni Khari ang kaniyang gagawin kaya ginaya nalang niya ang paraan nito.
"Pumunta ako sa kagubatan para sana magsanay ngunit nawala ako at hindi ko alam ang daan pabalik sa aming kaharian. Halos dalawang buwan na akong namamalagi rito ngunit sa malalim na kagubatan na pala ako napadpad. Sobrang lungkot na halos araw-araw ay nag iisa lang ako" malungkot na wika ni Aeron.
Nilingon ni Khari ang kaniyang mga alaga ngunit mabilis na umiling ang apat. Napabuntong hininga si Khari at napakamot sa kaniyang ulo. "Gusto mo bang sumama sa amin?" Nag aalinlangang tanong niya.
Agad na nagliwanag ang ekspresyon ni Aeron at bumalik ang maangas na ngisi. "Talaga?" Agad na tumango si Khari bilang tugon.
Ng lingunin niya ang kaniyang mga alaga ay nag iwas ng tingin si Kara at halata sa magkakapatid ang disgusto at dismayadong ekspresyon.
BINABASA MO ANG
The Adventure Of Khari (Forest Of Sylvan) Part 1
FantasiSa malawak na kagubatan ng Sylvan, may maliit na tribo ang paulit ulit na nagagambala dahil sa mababangis na mga magical beast. Dahil dito nakatanim na sa puso ng mga mamayan ang takot at nalalapit na pagkaubos. Dahil dito, ang batang si Khari ay n...