Ikadalawampu't Anim na Kabanata: Hello, Stranger
Matapos maihanda ni Khari ang lahat ng kailangan nila ay lumabas na sila sa mundo ni Serene. Nakagawa siya ng kabuoang Animnapu't Dalawang healing potion na paghahatian nilang nilang lima sa gagawing paglalakbay.
Pagkalabas nila sa tarangkahan ay tatakbo na sana sila ngunit may sumigaw na pumigil sa kanila. Pagkalingon ni Khari ay si Ramon pala ito, ang kanang kamay ni Isko. Nagtatakang napaisip si Khari kung ano ang kailangan nito lalo na't kompleto na ang kanilang tubig at pagkain.
Hinihingal na tumigil si Ramon sa harap ng tarangkahan "Kung aalis kayong lahat, sino ang magbabantay sa amin at kakalaban sa mga aatakeng magical beast?" Natigilan si Khari at ngayon lang sumagi sa isip niya na aalis pala silang lahat. Kung may malakas na mythical beast ang aatake sa kaniyang tribo ay tiyak na wala na siyang babalikan.
Nakaramdam ng komplikasyon si Khari at tinignan isa- isa ang kaniyang mga alaga. Nakatingin din ang ito sa kaniya at naghihintay ng kaniyang utos. Naisip niyang mas mainam kung si Kiraz ang magbabantay ngunit mapipilitan siyang iwanan din ang mga anak nito. Kung si Kara naman ang maiiwan ay tiyak na makakaakit ito ng mas malalakas na mythical beast. Dahil hindi makapagsalita si Khari ay nagkusa ng nagbigay ng suhestyon si Kiraz.
"Mas mainam kung ako nalang ang maiiwan Master. Mas mapoprotektahan ko sila at walang aatakeng mga magical beast kung mararamdaman nila ang aking aura" wala ng nagawa ni Khari at pumayag sa suhestyon nito. Bumuntong hininga siya at naglabas ng apat na energy stone. Ang energy stone ay katulad lang ng energy core na nakukuha sa mga mythical beast. Magiging bato ito kapag matagal ng natanggal sa isang mythical beast at mas mahirap na itong iabsorb hindi katulad ng sariwang energy core na kailangan lang lunukin.
"Ang pakiusap ko lang sana Master ay isama mo ang tatlong iyan para magsanay" napatango si Khari at isa lang sana ang ibibigay niyang energy stone ngunit kinuha na lahat ito ni Kiraz at mabilis na tumakbo papasok sa kanilang Tribo. Namula ang Mukha ni Khari sa inis at sumigaw "Pangahas ka!" Umalingawngaw ang sigaw nito sa paligid kaya pilit niyang kinalma ang kaniyang sarili. Tumalikod na siya at nauna ng tumakbo papasok sa gubat. Sumunod naman agad ang kaniyang mga alaga.
"Hindi tayo aalis sa gubat na ito hanggang hindi ko naaabot ang ranggong Gold" aniya. Hindi tumugon ang kaniyang mga alaga kaya ipinagpatuloy nila ang pagtakbo hanggang sa nakarating sila sa lugar na puno ng kalansay. Agad silang napatigil sa pagtakbo at para silang natuod sa kanilang kinatatayuan. Agad na lumingon sa paligid si Khari at kumalma siya ng kaunti ng makitang sila lang ang naroroon.
"Kailangan na nating umalis Master bago pa dumating ang may-ari ng lugar na ito." Alertong wika ni Kara. Hindi tumugon si Khari at nanatili ang kaniyang mata sa mga kalansay. Nakaramdam siya ng nakakatakot na pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Halos ilang bundok ng kalansay ang nasa harapan nila. Para itong koleksyon ng kalansay dahil nakadikit pa sa mga ito ang papel na may pangalan nila. May ibang parte ng buto ang nakahiwalay ngunit parang idinikit ito gamit ang sinulid. 'tao ba ang may gawa nito?' sa isip ni Khari.
Dahan dahan siyang lumapit at hinawakan ang mga sinulid. Nakaramdam siya ng kilabot at pakiramdam niya ay tumayo lahat ng buhok sa kaniyang katawan. Agad siyang lumayo at napatakip sa kaniyang bibig. "Hindi iyan mga sinulid! Mga ugat 'yan ng mga adventurer!" Gulat na aniya. Para silang natuod sa kanilang kinatatayuan ng may nilalang na bumaba sa puno at pumalakpak.
"Magaling! Tama ka, bata. Ikaw ang kauna unahang nakahula ng aking libangan" nakangising wika ng lalaki. Napaatras sina Kara at Khari. Pumunta sa harapan ang tatlong magkakapatid na tri-colored wolf ngunit agad silang pinigilan ni Khari. "Kumalma kayo at wag na wag kayong aatake kung ayaw niyong mamatay tayong lahat dito" mariing bulong niya sa mga ito. Sinunod naman siya ng mga lobo ngunit nasa harapan parin ang mga ito. Nakangisi ang lalaki at parang libang na libang sa kaniyang nakikita.
"Hmm? Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Anong pangalan mo bata?" Ng titigan ni Khari ang lalaki ay mas lalo siyang kinilabutan sa nakita niya. May mga ugat na sinulid na nakatahi sa bibig nito. Kapag nagsasalita siya ay nabibinat ito at tumutulo ang mga dugo na nanggagaling sa bibig niya. Ngunit ang ipinagtataka pa niya ay bumabalik sa kaniya ang mga dugong tumutulo. Nagiging karayom ang tumutulong dugo at tumutusok ito sa katawan ng lalaki para bumalik ang dugo.
"Paumanhin kagalang-galang na Ginoo. Nais naming magsanay sa kagubatang ito ngunit hindi namin sinasadyang mapunta sa iyong teritoryo. Aalis na kami na ngayon din upang hindi ka namin maistorbo" yumuko si Khari kaya ginaya siya ng kaniyang mga alaga. Napataas kilay ang lalaki at tumawa.
"Hmm, ganon ba? Dahil nahulaan mo ang aking libangan at papalampasin ko ito. Kung mabibigyan niyo ako ng Tig iisa kayong energy core ay malaya na kayong umalis" malapad na ngiting aniya. Agad na inilabas ni Khari ang limang energy stone. "Paumanhin, ngunit naging energy stone na ang hinihiling mong energy core. Iyan lang ang aming maihahandog sayo" tinignan ng lalaki ang palad ni Khari at nakita ang limang energy stone doon. Binasa niya ang kaniyang bibig gamin ang kaniyang dila at agad na kinuha ito.
Napapikit si Khari sa nasaksihan at halos manginig na siya ng maramdaman ang balat ng lalaki sa kaniyang palad. Nakatalas ng mga kuko nito napakaraming sugat sa kaniyang palad. Agad na kinain ng lalaki ang mga bato kaya halos lumuwa ang mga mata ni Khari ni Khari sa gulat. Naririnig pa nila ang tunog ng pagnguya nito sa mga bato.
"Tanggapin niyo ang aking regalo" nakangising wika ng lalaki. Naglabas siya ng itim na kahon at ibinigay ito kay Khari. Nag aalinlangan pa si Khari kung tatanggapin niya ito ngunit nakita niyang unti-unting natatanggal ang mga ngiti ng lalaki kaya mabilis niya itong hinablot. "Salamat Ginoo. Aalis na kami ngayon din" mabilis na tumakbo si Khari at hindi na lumingon pa. Sumunod agad ang kaniyang mga alaga sa takot na maisama sila sa libangan ng lalaki.
Habang pinapanood sila ng lalaki ay tumawa ito ng sobrang lakas at narinig ito nila Khari kaya mas binilisan pa nila ang pagtakbo na parang nakadepende ang buhay nila rito.
"Hmm. Interesente, Iron palang ang kaniyang ranggo ngunit lumabas na ang kapangyarihan nito." Nakangiti ng malapad ang lalaki at nakatitig sa tinakbuhan nila Khari na parang nakikita niya parin ang mga ito.
AN: Any thoughts sa lalaki? Hahahaha
![](https://img.wattpad.com/cover/369815987-288-k864399.jpg)
BINABASA MO ANG
The Adventure Of Khari (Forest Of Sylvan) Part 1
FantasySa malawak na kagubatan ng Sylvan, may maliit na tribo ang paulit ulit na nagagambala dahil sa mababangis na mga magical beast. Dahil dito nakatanim na sa puso ng mga mamayan ang takot at nalalapit na pagkaubos. Dahil dito, ang batang si Khari ay n...