Ikalimang Kabanata

51 6 0
                                    

Ikalimang Kabanata: The ranks and their uses

“Anong kailangan mo sakin at bakit mo'ko tinawag?” tanong ni Serene kay Khari. Pilit namang pinapakalma ni Khari ang kaniyang sarili at iniisip na, siya ang may kailangan kaya dapat siyang magpakumbaba.

“Kailangan ko ng mga impormasyon. Alam mo na ang aking mga katanungan kaya pwede bang sabihin mo nalang” seryosong aniya.

“Hmm, sabagay tama ka naman. Ngunit, ayokong sumasabat ka habang nagpapaliwag ako, naiintindihan mo ba?” naninigurong tanong ni Serene. Wala namang nagawa si Khari kung hindi ang tumango nalang.

“Ang unang ranggo ay tinatawag na beginner, katulad ng ranggo mo ngayon. Kaya tinatawag na beginner kasi nagsisimula ka palang bilang adventurer, dito natin pinapatibay ang ating mga buto't balat. Sampung antas ang meron sa beginner bago ka makakatapak sa susunod na ranggo.”

“Ang susunod sa beginner ay wood. Dito naman pinapatibay ang ating mga laman loob, para kahit mapinsala ka ng sobra sa panlabas ay hindi masyadong mapipinsala ang lamang loob natin. Gayunpaman, magsisimula ka sa Wood III, Wood II, at Wood I. Pareho lahat na sampung antas kada ranggo.”

“Tapos susunod na ang Iron, Bronze, silver at gold. Hindi ko muna sasabihin ang iba dahil malayo ka pa naman doon. Mas mabuti kung magsanay ka muna at Ikaw na ang bahalang tumuklas ng mga kakayahan ng bawat ranggo, nagkakaintindihan ba tayo?” tanong ni Serene kay Khari.

Tumango naman si Khari at parang batang tinuturuan ng kaniyang nanay. Tila kumikislap ang kaniyang mga mata at nanabik na nagsalita, “Gusto ko ng magsanay! Nananabik na akong lumakas! Sigurado akong konting panahon lang ay magkakapak agad ako sa mataas na ranggo!” nagmamalaking wika ni Khari.

Napairap naman si Serene at tinignan ng matalim si Khari “Isa kang hangal kung sasabihin mong mabilis lang ang pagpapataas ng ranggo. Hmp! Wala nga kayong manggagamot dito, baka hindi ka pa makatapak sa susunod na ranggo patay ka na bata. Kung ako sayo, babawasan ko ang pagmamalaki lalo na't ka pang alam sa Mundo ng mga adventurer” nanghahamak na sagot na Serene.

Napasimangot sa inis si Khari. Ngunit wala siyang maisagot dahil ngayon niya lang napagtanto na totoo ang sinabi nito. Puro siya kumpyansa sa kaniyang sarili ngunit hanggang ngayon ay hindi niya parin alam kung paano pataasin ang kaniyang antas. Napabuntong hininga siya at tumingin Kay Serene. Nginitian niya ito at sinabing “Tama ka. Paumanhin” paghingi nito ng tawad.

Nagulat naman si Serene sa paghingi nito ng tawad. Gayunpaman, naririnig niya ang iniisip nito kaya inis siyang lumapit dito at pinitik sa noo.

“Aray ko!” sigaw ni Khari at namimilipit na napahawak sa noo niya. Nginisian naman siya ni Serene at sinabing “Buti nga sayo. Bwisit ka!” hindi siya pinansin ni Khari na nakahawak parin sa noo niya. Pagtingin niya sa kamay niya ay nagulat siya at bahagyang natakot sa nakita.

“Dugo! Dumudugo yung noo ko!” naiiyak na aniya. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin habang nakatingin sa kaniyang kamay. Napangiwi naman si Serene at nakaramdam ng konsensya.

“Napalakas yata masyado” nakangiwing aniya at nginatngat ang kaniyang kuko. Dahil sa konsensya ay ipinitik niya ang kaniyang daliri at sa isang iglap lang ay nawala ang sugat sa noo ni Khari, pati ang dugo sa kaniyang kamay. Nagulat si Khari at nasurpresa sa kaniyang nasaksihan.

“Talagang napaka makapangyarihan mo kagalang-galang na serene! Balang araw mas magiging malakas ako sayo!” nangangarap na aniya.

“Kung gusto mo akong malamangan, magsanay ka muna bata.” mayabang na sagot niya Kay Khari.

Tumikhim siya at napakamot sa kaniyang batok. Ngumiti siya ng hilaw kay Serene at naghihiyang nagwika “Pwede mo ba akong turuan kung paano magpataas ng antas? Pakiramdam ko ay kinukulang na ako sa oras.” seryosong wika Niya Kay Serene. Dahil sa pagseseryoso ni Khari ay naging enteresado ni Serene.

“Bakit parang nagmamadali ka yata?” takang tanong ni Serene. Napabuntong hininga si Khari at nangangambang sinabing “Kailangan kong magpalakas sa loob ng tatlong taon dahil kung hindi, tuluyan ng aangkinin ng mga taga labas na adventurer ang aming tribo” nagulat sa Serene sa kaniyang narinig. Parang nabuhayan siya ng dugo at nalibang sa narinig.

“Ibig mong sabihin lalabanan mo sila?” irap na aniya. Tumango naman si Khari ngunit bagsak ang balikat,“Ng Ikaw lang mag-isa?” naghahamak na tanong ni Serene. Bumakas ang inis sa mukha ni Khari. Ayaw na ayaw niyang hinahamak siya ni Serene dahil nakakainis ang Mukha nito.

“Dalawa lang sila kaya, kaya ko na yun!” iritang aniya. Tumango naman si Serene at lumipad habang pinapaikutan niya si Khari. “Interensente” nakangiting aniya.

Napahimalamos sa mukha si Khari at sinabing “Ngunit, hindi ko alam ang kanilang ranggo” halos bulong na ani nito. Napaisip naman si Serene. Kinakain siya ng kaniyang kuryusidad kaya iniwan niya si Khari at sinabing babalik siya agad.

Lumabas siya sa kaniyang mundo at natagpuan niya ang kaniyang sarili sa  kubo ni Khari. Tumayo lang siya doon at pumikit. Pinakiramdaman niya ang paligid at hinanap ang mga adventurer na tinutukoy ni Khari. Hindi siya nangangambang maramdam siya ng mga ito dahil kumpyansa siya sa kaniyang pagtatago ng presensya.

Ng maramdaman ang aura ng kaniyang hinahanap ay labis ang nakaramdam ng pagkadismaya. “Dalawang Iron I?” pabulong na ani nito. Bumalik siya agad sa harap ni Khari at inis na inambahan ito ng sampal.

“Mga basura! Akala ko ba malalakas? Mga insekto!” inis na sabi nito. Sinipa niya ang malaking bato sa kaniyang gilid kaya naging alikabok ito. Nagliwanag ang mukha ni Khari at may naisip na ideya.

“Paano kung patayin mo nalang sila para mas mabilis? Hindi ko na kailangang kumilos at maghabol ng oras kapag nagkataon!” masayang aniya at pumalakpak.

“Lapastangan! Balak mo pa akong gamitin, isa ka pang insekto! Wala akong pake sa problema mo dahil hindi tayo magkaano ano. At Isa pa, wag mong iasa lahat sa iba ang kaya mo namang gawin, tamad!” iritang aniya. Ngumiwi naman si Khari at napakamot sa batok. Sinubukan lang naman niya kung sakaling papayag din si Serene ngunit nagalit pa ito sa kaniya.



Votes and comments are highly appreciated!






The Adventure Of Khari (Forest Of Sylvan) Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon