Ikaapat na Kabanata: The consequences of saving him
Maagang nagising si Crocell at pinuntahan ang kubo ni Khari. Pagkapasok niya sa pintuan ay nadatnan niya ang kaniyang ina na nagluluto ng pagkain.
“Ang aga mo naman anak. May muta ka pa” natatawang ani ni Cora. Namula naman si Crocell at tumalikod para linisan ang kaniyang mata.
“Ano ba ina! Wala naman eh ” reklamo ni Crocell. Ngumiti lang ang kaniyang ina at inanyayahan siya na lumapit.
“Bakit mo ginawa ‘yon anak?” nag aalalang tanong ni Cora sa kaniyang anak. Napaiwas naman ng tingin si Crocell at naluluhang nagsalita.
“Ina wala tayong magagawa. Sa tingin mo ba kung hindi ko tinanggap ‘yon ililigtas nila si Khari? Hindi ko alam ang gagawin ko noon. Wala akong pagpipilian” hindi mapigilan ni Crocell na umiyak. Niyakap naman siya ng kaniyang ina at pinatahan.
“Anong ginawa mo?” gulat na napalingon ang mag ina sa nagsalita. Nakaramdam ng kaba si Crocell ng makita niyang nakaupo na si Khari. Bumukas sara ang kaniyang bibig ngunit walang lumalabas na boses dito.
“Sagutin mo'ko Crocell! Anong ginawa mo?” lumipat si Khari kay Crocell at niyugyog ang mga balikat nito. Hindi maitago ni Khari ang kaniyang kaba. Pakiramdam niya ay may mali. Parang may hindi tama.
Nagkatinginan ang mag ina ngunit malungkot na ngumiti ang kaniyang ina at tumango. Wala silang magagawa kundi sabihin dahil kalat na naman na sa kanilang tribo ang nangyari.
“Khari... Patawarin mo'ko” nagugulang tumitig si Khari kay Crocell at sinabing, “Ano? Pakiusap sabihin mo sakin” nagsusumamong ani nito.
“Ang pagliligtas sayo ng mga adventurer ay may kapalit” bumilis ang tibok ng puso ni Khari. Sobra siyang kinakabahan sa kung ano mang sasabihin ni Crocell. “A-anong kapalit?” kahit kinakabahan ay naglakas loob parin siyang nagtanong. Tumitig si Crocell sa mga mata ni Khari at ngumiti ng malungkot. Kitang- kita na nag aalangan ngunit mas pinili niya nalang sabihin ang totoo kaysa sa iba pa malaman ni Khari.
“Kailangan kong pakasalan ang isa sa mga mandirigma pagsapit sa ikalabing lima kong kaarawan” parang tumigil ang pagtibok ng puso ni Khari sa kaniyang narinig. Pakiramdam niya ay tatakasan siya ng ulirat dahil sa kaniyang narinig. Huminga siya ng malalim at pilit kumakalma ngunit hindi niya parin napigilan ang kaniyang galit.
“Bakit?” nakatitig siya kawalan at nahulog sa malalim na pag iisip. Kinuyom niya ng mahigpit ang kaniyang kamao at nanginig siya sa galit. Alam niyang sinasamantala lang ng mga tagalabas ang kanilang kahinaan para makuha agad ang gusto nila. Hindi niya mapigilan na sisihin ang kaniyang sarili sa mga nangyari. Dahil sa kaniya kailangang isakripisyo ni Crocell ang kaniyang kinabukasan para lang mabuhay siya.
“Wag kang mag alala Crocell ” tumitig siya sa mga mata nito at determinadong nagwika “Ililigtas kita sa kanila, gagawin ko ang lahat para hindi matuloy ang kasal. Tatlong taon pa. Isa na akong ganap na adventurer” masayang sabi nito kay Crocell.
Dahil sa sinabi nito ay nabuhayan si Crocell. Ngayon niya lang naisip na may pag asa pa siyang makawala sa lapastangang iyon. Hindi niya mapigilan na umasa sa mga sinabi ni Khari. Magkaibigan sila at alam niyang lahat ng sasabihin ni Khari ay tutuparin niya.
Hindi niya napigilang yakapin si Khari ng mahigpit. Umiyak lang siya ng umiyak sa bisig nito. “Ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat mailigtas ka lang. Sisikapin kong magsanay at pagpalakas agad.” tumango naman si Crocell habang umiiyak parin. Nakangiti at naluluha ang ina ni Crocell sa kaniyang nasaksihan. Hindi matatawaran ng kahit ano ang pagkakaibigan ng dalawa.
Gayunpaman, kailangan niyang malaman ang ilang impormasyon sa mga tagalabas na adventurer. “Sino sa kanila ang humiling ng ganon?” tanong ni Khari. Tumahan naman si Crocell at nagsalita.
“Si carpio, ang may sandatang palakol” nandidiring wika ni Crocell. Bukod sa hindi niya mahal ang lalaking iyon ay napakatanda na non kumpara sa kanila. Ang mandirigma na mismo ang nagsabi na dalawandaang taong gulang na ito.
“Ano? Yung panget na yon?!” iritang ani ni Khari. Sinamaan naman siya ng tingin ni Crocell at nanlilisik ang matang tumingin dito.
“At anong ibig mong sabihin? Gwapo yung isa? Nakakainis talaga! Kung hindi matanda, baboy naman!” agad naman lumapit si Cora sa kaniyang anak at tinampal ang bibig nito. Napahawak si Cora sa kaniyang ulo at hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniyang anak.
“Kailan ka pa natutong magganyan Crocell? Tinuruan ba kitang magsalita ng ganyan?” inis niyang dinuro duro ang kaniyang anak. Dahil sa inis niya ay iniwan niya ang dalawa kahit hindi pa siya tapos magluto.
“Ikaw kasi eh!”
“Anong ako? Ikaw nagsabi nun ha!” nagbangayan na ang dalawa na parang walang nangyari. Tinulak ni Crocell si Khari, ngunit hindi gaya ng dati, hindi na tumitilapon ni Khari at napatingin lang s ibang direksyon. Ng mapagtanto ng dalawa ang nangyari ay nagtatalon sila sa tuwa. Hindi nila maitago ang kanilang galak lalo na si Khari.
*
Pagkalipas ng dalawang araw ay inis na inis ni Khari. Gustong- gusto niyang magwala ngunit hindi maaari dahil mahahalata ni Carpio at Logan- ang dalawang adventurer na may balakid na sa kanilang paghaharian.At ang dahilan? Hindi niya alam kung paano magpataas ng antas at ranggo. Hindi niya alam kung anong ranggo na ba ang pagiging mandirigma niya at kahit na ganap na siyang mandirigma, kakaunti lang ang pagbabagong nangyayari sa katawan niya. Ang pinakanagbago sa kaniya ay ang pagkumsumo niya ng pagkain.
Halos doble ang kailangan niyang ikunsumo at kung pipigilan niyang kumain, manghihina siya. Handa naman siyang tustusan ng pagkain ng kanilang pinuno ngunit nahihiya siya. Magagaan pa ang gawain na ibinibigay sa kaniya ng kanilang pinuno at naiilang siya sa pagbibigay importansya nito.
Hindi niya alam kung paano ulit magpapakita sa kaniya si Serene. Nauubos na ang pasensya niya at nakakaramdam siya ng pagkabigo.
“Serene, pano kita makikita” naiiyak na ani nito. Napabalikwas siya ng bangon ng may sumipa sa kaniya. Ngunit laking gulat niya ng makita ang matagal na niyang hinihintay.
“Serene!” sigaw niya at halos lundagan na niya ng yakap ang babae. “Ang nag iisa at pinakamaganda sa balat ng lupa” nakangising ani nito.
“Bakit Ngayon ka lang?!” iritang tanong ni Khari. Inis na inis siya at gusto na niyang supalpalin ang kaniyang kaharap, kung kaya niya lang sana.
“Kasi ngayon mo lang ako tinawag?” naguguluhang wika nito. Halos umusok naman ang ilong ni Khari sa kaniyang narinig. Hindi naman niya alam na kailangan palang tawagin ito sa kaniyang pangalan para lang magpakita. At hindi rin nito sinabi sa kaniya!
Votes and comments are highly appreciated!
BINABASA MO ANG
The Adventure Of Khari (Forest Of Sylvan) Part 1
FantasySa malawak na kagubatan ng Sylvan, may maliit na tribo ang paulit ulit na nagagambala dahil sa mababangis na mga magical beast. Dahil dito nakatanim na sa puso ng mga mamayan ang takot at nalalapit na pagkaubos. Dahil dito, ang batang si Khari ay n...