Fiona
Inayos ko agad ang gamit ni Kurt sa bag niya. Ngayon araw ang unang araw niya sa School, Gusto ni Renz sa Private school mag-aral ang anak niya. Mas maganda sa Private school para matutukan ang pag-aaral ng bata. Malaki na talaga ang pinagbago ng buhay namin ni Kurt simula ng dumating si Renz sa buhay namin.
Ang dami na nagbago, ang mga bagay na hindi ko na ibibigay sa anak ko ay ngayon naibibigay ng ama niya. Inayos ko ang school uniform niya.
"Anak gumising kana baka ma late ka sa school mo" Niyugyog ko ang balikat niya. Kinusot niya ang mata nito.
"Naynay" Napaliyad siya habang humihikab. Ayaw ko siya mapuyat kaya pinatulog ko siya ng maaga.
"Wake up baby ni Naynay, maaga ang klase mo ngayon" sabi ko sa kaniya.
Pagkatapos ng almusal ay pinaliguan ko siya at bago hinatid sa School. Marami parents ang nakatambay sa waiting area para hintayin ang labasan ng mga anak nila.
"Ouch" Nakalingat lang ako sa dinadaanan ko ay may nabunggo ako isang lalaki, matangkad at gwapo.
Pinasadahan ko siya ng tingin.
"I'm sorry Ma'am, hindi ko sinasadya" Saad niya."Fiona" Namilog ang mata niya nakatingin sakin.
"Timothy" Saad ko at bigla ko siya niyakap ang Bestfriend ko.
"Hey what are you doing here? Don't tell me may anak kana?" Tanong niya. Hindi ako makapaniwala na magkikita kami ulit ngayon, Pagkalipas ng marami taon ang nakalipas.
Ang laki ng pinagbago ni Timothy lalo sa Physical look.Medyo lumaki ang katawan niya ngayon kumpara noon at mas lalo pumogi.
Napabuga ako ng hangin. Paano ko sisimulan na sabihin sa kaniya na may anak kami ng Tito Renz niya.
"Ano kasi" Parang nauurong ang dila ko ngayon.
Kumunot ang noo niya habang nakatingin sakin. Hinihintay niya ang sasabihin ko sa kaniya. Ito na naman ang dila ko.
"Don't be shy Fiona. Let's talk" Aniya.
"Diba na alala mo yun dinala mo ako sa Resort ng Tito mo" sabi ko sa kaniya.
"Yeah and why?" Saad niya.
"Palagi kasi ako nakikita ng Tito mo umiiyak sa gilid ng dagat habang nasa Resort niya ako Timothy, may nangyare sa amin" Pag-aamin ko sa kaniya. Nahihiya ako sabihin sa kaniya ang buong katotohanan.
Kailangan ko sabihin sa kaniya ito para alam niya ang totoo nangyare sakin. Kung bakit ako umalis sa Resort ng Tito niya na walang paalam sa kaniya. Umalis lang ako na walang pasabi man lang. Alam ko nag-alala siya sa akin dahil magkaibigan kami dalawa.
"What? Seriously Fiona may nangyare sa inyo ng Tito,wait paano?" Interesado tanong niya sakin.
"Hindi ko rin alam e, basta may nangyare sa amin at parehas namin ginusto yun kaya may nabuo sa tiyan ko. May anak kami ni Renz" sabi ko.
Tinapat ko na sakaniya ang buong katotohanan sa pagitan namin ng Tito Renz niya.
"May dapat ka malaman Fiona" Umarko ang kilay niya.
"Ano ang dapat ko malaman Timothy?" Tanong ko sa kaniya.
"Sinabi na ba sayo ni Tito Renz na may asawa siya at may anak siya kambal" Saad niya. Nagulat ako sa sinabi niya.
Napaawang ang bibig ko sa narinig ko galing sa bibig mismo ni Timothy.
"Totoo ba Timothy? Walang nabanggit sakin si Renz tungkol diyan" sabi ko sa kaniya.
YOU ARE READING
Pleasure Me, Daddy [R-18] Complete
RomanceAno ba ang totoo magpapasaya para sayo?Money? Sex? House and lot? Alcoholic drinks? Or True love? Sawang-sawa na si Fiona sa pag-ibig dahil palagi siya niloloko kaya pinangako niya sa sarili niya na hindi na siya iibig ulit. Ngunit magbabago ang tak...