Chapter 10

5.2K 58 3
                                    

Fiona

A-Akala ko magiging masaya na ako kapag si Renz ang lalaki mamahalin ko habang buhay pero isang pasakit na naman ang dumating sa buhay ko. Nakausap ko siya ng masinsinan at maayos na maghiwalay na kami dalawa dahil may anak siya at kailangan siya ng kambal.

Kahit masakit sakin ginawa ko ang mas makakabuti. Mas okay na yun ganito na magkaibigan nalang kami ni Renz at nagbibigay naman siya ng sustento para sa anak niya. Hindi niya naman pinapabayaan si Kurt lalo sa Financial needs.

Malapit na ang bakasyon ni Kurt makakapag-pahinga siya ng maayos ngayon summer. May mapapasukan narin ako trabaho at medyo malaki ang sweldo sa awa ng Diyos.

Nakilala ko si Charlie Montereal, mayaman, binata at higit sa lahat gwapo. Mabait naman siya at malaki ang respesto niya akin bilang babae at Alam niya may anak ako.

Wala ako masabi sa kabaitan na pinapakita sakin ni Charlie. Minsan nahihiya na ako sa kaniya dahil ang dami niya binibigay sakin. Araw-araw ako nakakatanggap ng bulaklak galing sa kaniya.

"Fiona ang swerte-swerte mo talaga kasi may gusto sayo ang may ari ng Gigglegas auto Repair Shop" Saad ni Helen habang kinikilig.

Dito ako ang nagtatrabaho bilang personal Assistant ni Sir Charlie Montereal. Mabait ang boss ko kaya wala ako masabi sa kaniya.

"Siguro hindi mo muna ako mag lovelife Helen" sabi ko sa kaniya.

"Naku tatlo taon na ang nakalipas na hiwalay ka sa Tatay ng anak mo. Bakit hindi kaparin ba naka move on bessy?"Tanong niya sakin.

Napabuntong hininga ako.

"Ano kaba naka move on na ako kay Renz, bahagi nalang siya ng nakaraan ko. Masaya ako dahil palagi niya nakakasama si Kurt. Ang sabi niya sakin nagkabalikan sila ng asawa niya dahil sa bata kaya masaya naman ako" sabi ko.

"Talaga masaya ka? Bakit ganiyan ang hitsura ng mukha mo Fiona kung masaya ka talaga?" Saad niya.

"Hindi lang ako makapaniwala na hindi kami para sa isat-isa ni Renz. Oo aaminin ko malaki ang agwat ng edad namin dalawa. Minahal ko siya pero nagsinungaling siya sakin kaya tama na Helen na minsan ko siya nakilala. Siguro hindi muna ako mag entertain ng lalaki para papasukin sa buhay ko. Mas importante sakin ngayon ang anak ko." Sabi ko sa kaniya.

"Kung sabagay tama ka Fiona. Anak muna ang dapat number one sa lahat ng bagay." Hinawakan niya ang balikat ko.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Salamat"

Pagkalipas ng anim na taon ay sa wakas mag graduate si Kurt ng Grade six. Nakita ko siya nagmartsa sa taas ng stage habang tinatanggap ang diploma. Patunay na nakapagtapos siya sa Elementarya. Nakita ko si Renz panay ang kuha niya ng picture sa bata. Kasama ang asawa at ang kambal.

Sa kalaunahan hindi ko matanggap na mas pinili ni Renz ang pamilya niya kaysa sakin. Hindi naman ako tanga at manhid kaya ako nalang ang kusang Lumayo at nakipaghiwalay sa kaniya. Hindi ako nagsisi na ginawa ko yun makipaghiwalay para wala masaktan.Walang luluha at mas lalo wala na nagmumukha tanga dahil sa pag-ibig.

"Naynay ang dami ko po medals na natanggap" Saad ni Kurt.

Ginulo ang buhok niya. Ang Gwapo-gwapo talaga ng anak ko. Kamukha ng tatay niya.

"Deserve mo magkaroon ng marami medals Anak kasi masipag ka mag-aral at matiyaga ka sa School lalo na gumawa ng assignments at project" sabi ko sa kaniya.

"Dahil sa gabay mo sakin Nanay sa Araw-araw na journey ko sa pag-aaral kaya nakatapos po ako" Saad niya. Parang kailan lang na baby si Kurt at ngayon binata na ang anak ko.

Pleasure Me, Daddy [R-18] Complete Where stories live. Discover now