Fiona
Pasado mag ala-sais ng hapon, Pinasadahan ko ng tingin ang paglubog ng araw. Ang ganda-ganda ng kulay ng sunset. Ang sabi ni Timothy magpahinga na ako baka napagod ako sa trabaho ko. Ang boring naman kung magkukulong lang ako sa loob. Naisipan ko maglakad-lakad muna sa tabi ng Dalampasigan.
"Fiona" Narinig ko tinawag ako ni Christian at hindi siya nahiya lumapit sakin. Ang kapal talaga ng mukha!
"A-Anong kailangan mo Christian?" Wala gana tanong ko sa kaniya.
"Nakita ko kasi kanina nag walk out ka. Hindi ko alam dito kana pala nag trabaho." Saad niya.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Tapos?" Malamig na tugon ko sa kaniya.
"G-Gusto lang sana kita makausap. Bigla ka nag walk out sa Restaurant noon huling nag-uusap tayo dalawa." Saad niya.
Mas lalo umarko ang kilay ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya sa Mukha.
"Para yan sa Panloloko at pagsisinungaling mo sakin Christian."Sinampal ko siya ulit." Para yan sa lahat ng ginawa mo sakin, alam mo ba nagsisi ako kung bakit nakilala pa kita. Bakit ikaw pa ang naging Boyfriend ko. Sising-sisi ako dahil minahal kita pero nagawa mo lokohin ako. Ngayon alam mo na" Nakita ko si Renz nakaupo sa loob ng Restaurant habang nakatingin sakin. Sa akin talaga siya nakatingin at hindi sa iba dumadaan sa gilid ko. Wala naman tao sa likuran ko para tumingin siya doon. Napako ang mata niya sakin at kitang-kita niya kung paano ko sinampal si Christian sa pisngi.
"Akala ko mahal mo ako? Akala ko ako lang? Akala ko di mo ko sasaktan? Tangina! Akala ko lang yun! Tanga ko noh? Akala ko kasi di mo ko iiwan e, sinungaling ka pala. Alam mo mahal kita. e ano naman pala sayo? Wala lang diba? Kahit na magmukha na akong tanga, ginawa na lahat at iniyakan ka, alam kong wala pa ring kwenta. Dahil nagawa mo ako lokohin Christian" sabi ko.
"I'm so sorry Fiona" Inirapan ko siya.
Umalis ako sa harapan ni Christian at tumakbo ako sa malayo kung saan wala tao, malayo sa mga turista, gusto ko ng tahimik. Umupo ako sa buhanginan at wala ako pakialam kung narurumihan ang puwetan ko.
Nakakapagod ang buhay.Nakakapanghina ang mga problema.Nakakapanglumo ang mga pagsubok.Nakakabaliw ang umibig ng sobra.Masakit ang masaktan.
N-Niyakap ko ang sarili ko gamit ang tuhod ko. Pinatong ko ang baba ko sa tuhod ko habang umiiyak. Nag flashback sa isip ko noon una ko makilala si Christian sa Birthday party ng kapatid ko. Kung paano niya sinabi sakin na may Gusto siya sakin, inamin niya mahal niya ako. Niligawan niya ako kaya sinagot ko naman siya. Minahal ko siya sa loob ng tatlong taon. Hindi ko alam na ako nalang Pala ang nagmamahal sa amin dalawa. Ang tanga-tanga ko.
Hindi ko naramdaman na niloloko niya na pala ako. Habang kami pa may kalaguyo siya iba. May ka sex siya ibang babae sa kama. Ang lakas ng loob niya pagsabayin kami dalawa. Napaka-two timer niya lalaki.
Kainis!
"Umiyak ka? Dahil sa kanya na naman? Mahal mo sya diba? Pero may mahal syang iba. Ang sakit noh? Pero sana isang araw, malaman mo na di lang ikaw ang nasasaktan. Di mo lang napapansin na nandito lang ako, kapag hindi muna kaya pwede mo ako lapitan" Napalingon ako dahil nasa Likuran ko siya.
Nakatingin siya sa akin.
"Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi ba obvious sayo?" Saad niya.
Umigting ang panga ko.
"Gusto ko mapag-isa kaya please lang Sir Renz iwanan muna ako. Huwag ka mag-alala okay lang ako" sabi ko.
YOU ARE READING
Pleasure Me, Daddy [R-18] Complete
Roman d'amourAno ba ang totoo magpapasaya para sayo?Money? Sex? House and lot? Alcoholic drinks? Or True love? Sawang-sawa na si Fiona sa pag-ibig dahil palagi siya niloloko kaya pinangako niya sa sarili niya na hindi na siya iibig ulit. Ngunit magbabago ang tak...