Chapter 12

4.8K 52 1
                                    

Fiona

A-Akala ko kapag nakipaghiwalay ako sa kaniya makakalimutan ko na siya at pati ang nararamdaman ko sa kaniya ay mawawala pero hindi pa pala. Sinasabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko na siya at mag move-on na ako pero deep inside mahal ko parin siya.

Mahal na mahal.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Ano ang dapat ko gawin Fiona para maniwala ka sakin ng buong-buo. No doubt?" Tanong niya.

Kinagat ko ang labi ko mas madiin pa.

"I'm sorry Renz kung sinaktan kita! Hindi ko alam. Wala ako alam." Sabi ko sa kaniya.

"Dapat kasi tinatanong mo ako sa ganiyan bagay at hindi yun padalos-dalos ka mag desisyon at akala mo ba hindi naging madali sakin ang lahat, ang hirap-hirap dahil habang nakikita kita nasasaktan ako dahil mahal kita. Mahal na mahal kita Fiona, ang sakit makita na umalis ka sa bahay ko." Saad niya.

"I'm sorry Renz hindi ko alam na wala na pala kayo ng asawa mo" sabi ko.

"M-Matagal na kami tapos Fiona dahil niloko niya ako. Noon nakilala mo ako wala na kami ni Charlotte at wala ako babae dini-date." Aniya.

"Alam ko naman Renz na wala ka girlfriend noon" sabi ko.

"Alam mo naman pala Fiona,bakit ka umalis na wala pasabi sakin? Sagutin mo nga ako, Hindi madali sakin na Umalis ka. Dalawa beses muna ginawa sakin yan. Seryoso kaba talaga sakin Fiona? Kasi kung ako ang tatanungin mo, Seryoso ako sayo" Saad niya.

"Natakot lang kasi ako kaya umalis ako Renz, pangako hindi na mauulit." Sabi ko sa kaniya.

"Ano ang assurance ko para maniwala ako sa sinasabi mo Fiona? Ano ang panghahawakan ko?" Tanong niya.

N-Napabuntong hininga nalang ako.

"Ang pangako ko sayo. Ang sinasabi ko sayo Renz, panghawakan mo yan" sabi ko.

"Sana nga Fiona" Saad niya.

Nakalabas na si Kurt sa Ospital at sa bahay nalang muna siya magpapahinga.

"N-Nanay gusto ko po ng gatas" Daing niya.

"Sige anak, ipagtitimpa ka ni Nanay. Kumusta ang pakiramdam mo anak?" Tanong ko.

"Okay na po ako Nanay" sagot niya.

Pumasok si Mama sa kusina at mukha may lakad siya. Pinasadahan niya ako ng tingin.

"Anak pupunta dito si Renz ngayon dahil gusto niya makita si Kurt." Sabi ni Mama.

"G-Ganun po ba" sabi ko.

"Oo, aalis na ako Fiona kaya ikaw na muna ang bahala dito sa bahay. Alagaan mo muna yan anak mo para hindi nagkakasakit." Mahigpit na bilin niya sakin.

"Opo Mama" wika ko.

"Pwede ba Fiona iwas-iwasan niyo magtalo ni Renz, alang-alang sa bata sana naman magkasundo kayo dalawa. Alam mo wala ako masabi sa lalaki yan dahil nakikita ko sa kaniya na hindi niya pinabayaan si Kurt. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na pabaya sa anak." Saad niya.

"Okay Mama at tatandaan ko ang sinasabi mo sakin" sabi ko.

"Mabuti naman at pwede ba anak bawas-bawasan mo yan init ng ulo mo at masyado ka padalos-dalos sa mga desisyon mo sa buhay kaya nasasaktan ka palagi" Saad  niya."Para kay Kurt sana huwag kayo magtalo ni Renz" Aniya.

"Sige po" Saad ko.

"Alis na ako Fiona at ikaw na bahala sa anak mo" lumabas siya sa bahay at sakto may narinig ako huminto na sasakyan sa harapan ng gate ng bahay kaya sinilip ko agad. Kotse ni Renz.

Pleasure Me, Daddy [R-18] Complete Where stories live. Discover now