Chapter 11

5.7K 66 2
                                    

Fiona

H-Halos pinagsasabay ko ang trabaho at pag-aalaga sa anak ko. Lahat kaya ko tiisin, gutom, puyat, pagod, stress at ibapa. Ayaw ko naman umasa sa Sustento na binibigay ni Renz para sa bata. Kailangan ko ng pera dahil marami bayarin sa bahay. Katulad ng tubig at Kuryente.

S-Sa Panahon ngayon nagtataasan narin ang Pamasahe sa pampubliko sasakyan, gasoline, bigas at grocery. Hanggat malakas pa ako gusto ko magtrabaho dahil ayaw ko umasa sa iba para hindi ako Makarinig ng masasakit na salita.

"Fiona hindi kapa ba tapos diyan?" Tanong ni Helen habang nakatingin sakin. Ngumiti ako sa kaniya.

"Medyo malapit na. Mauna kana kumain ng lunch. Tatapusin ko muna ito bago ako kumain para mamaya wala na ako babalikan" sabi ko sa kaniya.

"Hindi naman kasi minamadali yan Fiona kaya wag ka OA diyan puwede. Ikaw pa malakas ka kaya sa CEO natin" Nakangisi sabi niya sa harapan ko mismo." Oh ano balita Fiona sinagot mo na ba si Sir Charlie? Halos tatlong taon muna siya manliligaw pero hindi mo parin siya sinasagot dahil sarado parin pa ba ang puso mo pagdating sa love?" Saad niya.

"Pwede ba Helen wag na muna natin pag-usapan si Sir Charlie. Alam mo naman dito sa loob ng opisina marami marites" sabi ko.

Nagkibit balikat nalang siya. Umigting ang panga niya.

"Wala naman makakarinig sa atin dito dahil tayo lang naman dalawa ang nasa loob ng Opisina." Saad niya.

"Kahit na" sabi ko.

"Aysus! Umiiwas kalang sa sinasabi ko sayo Fiona. Wag kana umasa na babalikan ka pa ni Renz. Alam mo ikaw ang kawawa sa banda huli dahil ikaw ang kabet at alam mo naman may asawa siya at anak" Saad niya.

I just rolled my eyes at the ceiling!

"Sino ba may sabi na umaasa ako Helen. Anim na taon na kami hiwalay ni Renz at hindi ako umaasa na magkakabalikan pa kami. Tama ka may asawa at anak siya." Sabi ko.

"Ikaw kasi ang bilis mo maniwala sa matatamis na salita kaya ayan nasaktan ka at hindi mo alam may asawa at anak pala." Sabi niya."Ingatan mo naman ang sarili mo Fiona pwede" sabi niya.

"Oo na, iniingatan ko naman ang sarili ko Helen. Huwag ka mag-alala" sabi ko.

"Kaya kung ako sayo sagutin mo na si Sir Charlie. Alam mo naman ang background niya diba. Sa loob ng tatlong taon wala siya tinatago sekreto sayo. Kaya pag-isipan mo mabuti" sabi niya.

"Oo na" sabi ko nalang.

Bigla tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko agad. Si mama tumatawag pala kaya sinagot ko agad.

"Mama napatawag ka?" Sabi ko.

"Anak si Kurt ang taas ng lagnat at inaapoy ang buong katawan niya. Sinugod namin siya dito sa Ospital. Pumunta ka dito ngayon dahil nandito si Renz. Nag alala siya kay Kurt" Saad niya.

Nataranta ako bigla. Pumunta ako sa Hospital na sinabi ni Mama. Nagmamadali ako pumasok sa loob at sa Third floor ang kwarto ni Kurt sa Room 128. Habang naglalakad ako sa Hallway nakita ko si Renz may kausap sa phone. Nakita niya ako papalapit sa kaniya.

"Can we talk Fiona" Saad niya.

Kumunot ang noo ko.

"Ano ang pag-uusapan natin Renz, gusto ko makita si Kurt." Sabi ko sa kaniya.

"Ano ka klase ina Fiona, pinabayaan mo ang anak natin, mas inuuna mo yan trabaho mo" Saad niya kaya na Offend ako sa sinabi niya yun.

"Ako pa ang pabaya ngayon Renz! Alam mo ba yan pinagsasabi mo sakin ngayon huh? Kailangan ko magtrabaho para sa bata at ganiyan pa ang maririnig ko galing sa bibig mo" sabi ko sa kaniya.

Pleasure Me, Daddy [R-18] Complete Where stories live. Discover now