I haven't stared at the sun like this before...
"Okaasan!"
"Ah! Yumi-chan! Hayaku! Hayaku!"
Napabuntong hininga si Damien nang makita niya ang mag-ina na masayang nagtatakbuhan sa sea shore habang hawak-hawak ang kamay ng isa't isa. Habang si Damien naman ay nakaupo lang sa buhangin, hinahayaan ang tubig ng dagat na basain ang kaniyang trouser pants, at kitang-kita niya ang onti-onting paglubog ng araw. Napangiti naman ang binata nang makita niya kung gaano ito kaganda kaya't pumikit siya sabay tingala para damhin ang napakasariwang hangin ng Japan.
"Ayoko pa umuwi~"
I wish I could run away from my grandmother, he thought to himself. Gustuhin niya man gawin ngunit hindi niya alam kung saan siya pupunta. Maaari mang malaya siya sa beach na ito ngunit hindi habang buhay ay mananatili siya rito. Tulad ng mga ibon, hindi lang araw ang sinusundan nito, tulad ko. Muli ay napabuntong hininga muna ang binata bago niya iminulat ang kaniyang mata. At pagkamulat na pagkamulat ng kaniyang mata ay hindi niya inaasahan na isang binata pala ang bubungad sa kaniya. Nakatayo ito sa kaniyang likuran habang nakayuko sa kaniya. Nakasuot din ito ng school uniform na kaparehas ng kaniya at hindi mo maitatanggi na napakagwapo nito na tila'y lubos na ipinagpala ng panginoon.
Napatitig lang si Damien sa binata at mas lalong hindi niya inaasahan na ngingitian siya nito dahilan para makaramdam siya ng kakaibang kirot sa kaniyang puso. At kasabay ng paghangin nang malakas, randam niya ang pagtindig ng kaniyang balahibo sa buong katawan, tila'y kakaiba ang kaba na kaniyang nararamdaman. Normal lang ba ito? Hindi ko alam... Parang panaginip... Totoo ba ito?
"Hi, I'm just wondering if you're the one that I heard speaking in tagalog earlier," wika ng binata kay Damien.
"Yes, it was me," tugon naman ni Damien sabay simangot sa binata at agad niya nang inangat ang kaniyang ulo upang tignan muli ang dalampasigan. "Leave me alone."
"Ehhh?" agad namang naglakad papunta sa tabi ni Damien ang binata at agad siyang naupo rito dahilan para lumayo naman si Damien dahil niya itong katabi. "Pinoy ka pala, mukhang hindi naman."
"Hindi, mixed race," tipid na paglilinaw naman ni Damien.
"Cool, same here," tugon naman ng binata dahilan para mapatingin sa kaniya si Damien. "My mom was half Filipina and Japanese, while my dad was pure American. How about you?"
Am I supposed to answer that? Nakatitig lang nang seryoso si Damien sa binata na tila'y ayaw niya talagang sagutin ang tanong nito ngunit hindi nagpapatinag ang binata na tila'y handa siya maghintay ng isasagot nito. Hindi maiwasan ni Damien na mapaisip kung paano nito naipapakita na masaya pa rin siya kahit sinusungitan niya na ito?
"Can you just leave me alone?"
"Come on, atleast just answer me," pagpupumilit naman ng binata. "Then I will leave you alone, promise!"
"My mom was half Filipina and Spanish, while my dad was half Japanese and Chinese, happy?" masungit na sagot ni Damien. "Now, leave me alone."
"Hold on! I haven't even give my name yet," wika pa ng binata. "Besides! We're schoolmates! See?" at ipinakita niya naman ang logo sa kaniyang uniform. "Malay mo, maging mag kaibigan tayo diba? It would be great! I've been wishing to have a Filipino friend."
"Well, I'm not what you're looking for," wika naman ni Damien sabay tayo at agad siyang naglakad papalayo. "Baibai..."
"Eh?! Leaving already?! Wait! Atleast know my name before you leave!" sigaw naman ng binata habang nakaupo pa rin ito sa buhangin na tila'y wala na itong balak na sundan pa si Damien ngunit hindi na siya pinapansin nito. "My name is Ren!"
"Damien!"
Natigilan si Ren nang marinig niya ang isinigaw ni Damien bilang tugon sa kaniya. Napangiti na lang ang binata ang pinapanood itong naglalakad nang mabilis sa side walk papunta sa sakayan ng bus papunta sa train station pabalik siguro ng Hokkaido. Nang mawala na si Damien sa paningin ni Ren ay agad itong napalingon sa may dalampasigan upang pagmasdan ito.
"Did he just curse at me?" tanong naman ni Ren sa sarili niya kasabay ng pagsimoy muli ng hangin at agad naman siyang huminga nang malalim para ito ay damhin. "Probably his name... right?"
Salt air... Napangiti muli ang binata nang maalala niya ang itsura ni Damien nang iminulat nito ang kaniyang mata. Ramdam niya ang malakas na hangin ng mga oras na iyon na tila'y niyayakap siya nito kasabay ng kakaibang kaba na kaniyang nararamdaman sa buong katawan. Napakapamilyar na tila'y ito ang unang beses na naramdaman niya ito sa tana ng kaniyang buhay. Gaano katagal na ba ang nakalipas? Gaano katagal na ba ang lahat? Handa na ba ang aking puso na ibigin ka? Tuluyan nang nahiga ang binata sa may buhangin habang nakapikit at nakangiti na tila'y umaayon sa kaniya ang panahon upang maging ganito siya kasaya ngayon. Should I live for this new hope?
"I can feel the spark... should we try?"
❀
Okaasan : Mother
Hayaku : Faster
BINABASA MO ANG
LOVE AND HEATH (BL)
Teen FictionUNCONDITIONAL 01 : Love and Heath Hᴏᴋᴋᴀɪᴅᴏ, Jᴀᴘᴀɴ - Summer classes was a headache for Damien but the moment when he met Ren, who's also his schoolmate, while sitting at the shore and staring at the sea... summer became his paradise. It's full of hap...