"Ma?"
["Ay Anak! Ano? Kamusta ka riyan?"]
"Okay naman po," sagot naman agad ni Damien habang medyo nakasimangot sa may webcam dahil sa nakikita niya ngayong background ng kaniyang ina na tila'y pamilyar sa kaniya. "Nasaan ka po ngayon?"
["Ah! Nandito ako ngayon sa Abuelito mo."]
"Abuelito Antonio? Nasa Spain ka po?" hindi makapaniwalang tanong naman ng binata. "Ano namang ginagawa niyo po riyan?"
["Eh malamang bakasyon."]
"Sana all," bulong naman ni Damien.
["Anong sana all, Damien? Malapit lang diyan ang dagat, lumangoy ka. May property ang lola mo sa isang bundok diyan, akyatin mo. Mabilis naman ang tren diyan, pumunta ka ng Tokyo. Ano pa bang hahanapin mo? May pera—"]
"Ma, may summer class po ako and after non, college admission na aatupagin ko," katwiran naman ni Damien. "Makakapag-bakasyon pa ba ako non?"
["Talaga?"]
["Eh~ Okay lang yan! Marami pa namang summer ang paparating at may mga holiday naman para makapagpahinga ka. Don't be so hard to yourself."]
["Anyway, sabi ng Abuelito mo ay dito ka naman daw magbakasyon sa Espanya."]
"Ma naman! Pinapunta mo ko rito sa Japan tapos next naman diyan sa Spain? Tapos ano naman po next? China? India? Thailand? Trip around the world?"
["Tignan mo tong batang to!"]
["Alam mo naman ang pamilya natin... Iba-iba ang pinanggalingan na lahi, eh natural! Tsaka wala namang masama kung kikilalanin natin ang mga kaanak natin diba?—at pinapunta kita riyan para gumanda ang edukasyon mo. Hindi naman habang buhay ay diyan ka."]
["Eh bakit? Ayaw mo na ba umalis diyan?"]
"Uh... Uhm..."
["It sounds like you don't wanna leave Japan anymore."]
BINABASA MO ANG
LOVE AND HEATH (BL)
Teen FictionUNCONDITIONAL 01 : Love and Heath Hᴏᴋᴋᴀɪᴅᴏ, Jᴀᴘᴀɴ - Summer classes was a headache for Damien but the moment when he met Ren, who's also his schoolmate, while sitting at the shore and staring at the sea... summer became his paradise. It's full of hap...