How boring right now~
"Huh?"
Hindi maiwasan ni Chris na magtaka nang mapansin niya si Ren na nasa labas pa rin ng campus habang ito ay nakasandal sa bakod na katapat lang ng school na tila'y may inaabangan ito na dumating. Abala ito sa kaka-scroll sa kaniyang cellphone habang ang kaliwang kamay niya naman ay nakahawak sa top tube ng kaniyang bike upang hindi ito matumba. He's waiting for someone? Chris thought to himself. At habang tumatagal ang kaniyang pagkakatitig sa binata ay tsaka niya lang napagtatanto ang mga bagay na matagal niya nang alam tungkol dito. Mga bagay na hindi niya maintindihan nung una ngunit ngayon ay kuha niya na.
"When he likes something... he would commit to it," as the unkown person said on the top of his mind. Like what? He would do something crazy just to get those things that he likes?—Well, anyone would do that but... what do you mean by that? He would commit like... he would wait patiently like this? "He knew what's rare, he would chase it."
"Ah! Damien-kun! Ohayo!"
Napatigil sa paglalakad si Damien nang marinig niya ang isang pamilyar na boses na bumati sa kaniya. Napatingin ang binata rito at nakita niya si Ren na nasa kabilang lane habang kumakaway sa kaniya. Agad itong nilapitan ni Damien na siyang layo naman ni Ren sa pader at itinago niya na rin ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa.
"What are you doing here?" Damien nonchalantly asked him. "You should be inside at this hour."
"I'm waiting for you, of course!" tugon naman ni Ren sabay akbay sa binata. "Now, shut up and let's go!"
"Why would you wait for me patiently?"
"I dunno~"
Wala nang nagawa si Damien nang sagutin siya ni Ren nang pabiro kaya pinili niya na lang na manahimik at sabay na silang naglakad patawid ng kalsada upang pumasok na sa school habang nakaakbay pa rin si Ren at hila-hila pa rin nito ang kaniyang bike. Nasaksihan ito ni Chris mula sa bintana kung saan ay kanina pa siya nakadungaw. Kitang-kita niya kung gaano kasaya si Ren nang makita niya si Damien kahit pa sinusungitan siya nito.
"What should we eat later?" tanong naman ni Ren habang inaayos niya ang kaniyang bike. "Do want something like sushi?"
"Whatever you like."
"Oh! Come on! Just suggest something!"
BINABASA MO ANG
LOVE AND HEATH (BL)
Teen FictionUNCONDITIONAL 01 : Love and Heath Hᴏᴋᴋᴀɪᴅᴏ, Jᴀᴘᴀɴ - Summer classes was a headache for Damien but the moment when he met Ren, who's also his schoolmate, while sitting at the shore and staring at the sea... summer became his paradise. It's full of hap...