He tastes like... beer... it makes me more drunk... I want more... more... more... more... more... Give me more of you.
"WOAH!"
Bumalikwas si Damien nang maalimpungatan siya dahil sa panaginip niya na mukhang totoong-totoo para maging panaginip lang. Ramdam na ramdam niya ang lambot ng labi na dumampi sa kaniya, panaginip lang ba talaga iyon? Nakita niya na nasa sofa na siya nakahiga at may futon nang nakakumot sa kaniya. Mabilis siyang napatingin sa suot niyang damit mula taas hanggang baba, nakahinga naman siya nang maluwag nang makita niyang kumpleto naman ang mga ito kaya nahiga siya muli.
It's just a dream... Damien, calm down...
"Ohayo!"
Bumangon muli si Damien nang marinig niya ang pagbati sa kaniya ni Ren. Agad siyang lumingon dito at nakita niyang naka-pants lang ito, may tuwalyang nakapatong sa kaniyang ulo, at may toothbrush pa ito sa bunganga, may hawak-hawak din itong isang mug ng tubig bilang pangmumog. Napalunok si Damien nang makita niya ang magandang katawan ni Ren, that very fair skin, that six pack abs, and that... biceps though... He look so sexy.
"Ah... O-Ohayo," seryosong bati naman ni Damien habang titig na titig sa mukha ni Ren. "What just happened?"
"Oh! We both got knocked out last night!"
"K-Knocked out?" pagtataka naman ni Damien.
"Yeah! We're so drunk!"
Umupo na nang maayos si Damien at Ipinangtalukbong niya ang futon sa kaniyang sarili para mainitan at maging komportable pa ang kaniyang katawan. Napatitig naman si Ren kay Damien na parang nagtataka kung bakit nagtalukbong pa ito ng futon kahit sobrang init naman ngayong umaga. Hinawakan ni Ren ang kaniyang toothbrush at tinanggal niya ito mula sa kaniyang bunganga.
"It's so hot and you're still covering yourself with a futon?"
"I love getting warm."
"Oh~ Come here! I will embrace you!"
Mabilis na lumapit naman si Ren kay Damien dahilan para magulat ito nang bigla niya itong niyakap nang mahigpit kahit may hawak-hawak pa siyang mug, at wala pang suot na kahit anong pang-itaas. Napakunot ang noo ni Damien at naramdaman niyang nag-iinit ang buong mukha niya dahil sa sitwasyon niya ngayon.
BINABASA MO ANG
LOVE AND HEATH (BL)
Teen FictionUNCONDITIONAL 01 : Love and Heath Hᴏᴋᴋᴀɪᴅᴏ, Jᴀᴘᴀɴ - Summer classes was a headache for Damien but the moment when he met Ren, who's also his schoolmate, while sitting at the shore and staring at the sea... summer became his paradise. It's full of hap...