"Mie-chan?"
Mabilis na tumigil sa pagsusulat si Damien at agad siyang lumingon sa may pinto kung saan ay nakadungaw ang kaniyang Lola habang inililibot nito ang kaniyang mata sa buong kwarto ng binata. Napatitig lang ang binata sa matanda nang makita niya na tila'y nagagandahan ito sa ayos ng kwarto niya.
"Yes, Obaasan?"
"Ah! Sorry to disturb you," mabilis na nagising ang diwa ng kaniyang lola dahilan para mapatingin ito agad sa kaniya. "Kumi-chan is on a day off so—"
"No, it's fine," mahinahon na tugon agad ni Damien sabay ngiti rito. "What is it?"
"Can you buy me some phonograph disc records?"
Phonograph?
"You mean those huge CDs made up of vinyl?"
"Yes! Exactly!" natutuwa namang sagot ng matanda.
"Okay, I am gonna buy it."
Binitawan na ni Damien ang hawak niyang ballpen atsaka siya tumayo sabay lapit sa kaniyang lola at agad siyang inabutan nito ng listahan ng mga bibilhin. Mabilis niya itong tinignan at nakita niya ang mga kanta na gustong ipabili ng kaniyang lola. Napakunot ang noo ng binata dahil hindi niya maintindihan ang nakasulat dito. Mas marami pa ang nakasulat na kanji kesa sa katakana at hiragana. Hindi pa naman siya ganoon ka galing magbasa ng Nihongo.
"Ah... matte, I think I can't—"
"You don't have to read it!" medyo natatawang wika ng matanda nang makita niya kung gaano nahihirapan si Damien na magbasa. "Just give that to the boy cashier of the record shop."
"Where's that shop again?"
"Ah! At the 4th street!"
"Okay." 4th street eh? That's freaking way too far!
"Thank you, Mie-chan."
It's too late at night for an errand!
BINABASA MO ANG
LOVE AND HEATH (BL)
Teen FictionUNCONDITIONAL 01 : Love and Heath Hᴏᴋᴋᴀɪᴅᴏ, Jᴀᴘᴀɴ - Summer classes was a headache for Damien but the moment when he met Ren, who's also his schoolmate, while sitting at the shore and staring at the sea... summer became his paradise. It's full of hap...