CHAPTER 14

7 3 0
                                    


"Ne, Damien, I'm done—Oh my gosh!"



Mabilis na nagtago sa gilid ng isang pader si Chris nang makita niya si Damien na gulat na gulat nang bigla itong hinalikan ni Ren. Hindi niya inaasahan na ito ang maaabutan niya pagka-galing niya sa comfort room. Muli ay dahan-dahan siyang dumungaw sa may pader upang silipin ang dalawa at nakita niyang dahan-dahan nang lumalayo si Ren sa mukha ni Damien.



"Suki dayo... Daisuki dayo..." mahinang pag-amin ni Ren sa kaniyang nararamdaman kasabay nang paghaplos niya sa mukha ni Damien na siyang dahilan para mapatitig lang ito. "Really... I like you... I like you so much from the moment I saw you for the first time."



"Ren..."



Bago pa man siya makapagsalita upang maging tugon sa sinabi ni Ren ay agad siyang hinalikan nito muli habang haplos-haplos nito ang kaniyang pisnge. Hindi na napigilan ni Damien ang kaniyang sarili na halikan din pabalik si Ren dahil ano pa baa ng kaniyang itatanggi? Gusto niya rin naman ito, hindi lang malinaw sa kaniya kung totoo nga ba ito. Ipinikit na ni Damien ang kaniyang mata at dahan-dahan siyang napahawak sa laylayan ng damit ni Ren habang damang-dama niya ang halik nito na tila'y wala na silang pakealam sa kanilang lugar.



"Ugh! Kuso!"



Hindi na naiwasan ni Chris na mapamura nang masaksihan niya lahat ng nangyayari ngayon. Hindi siya makapaniwala na sa lahat pa ng lugar na pwede nila itong gawin ay dito pa nila mas pinili. Nagtago muli ang binata sa likod ng pader at saktong biglang tumunog ang kaniyang cellphone dahilan para agad niya itong tignan upang makita kung sino baa ng nag-message sa kaniya at sa mga ganitong oras pa talaga. Nang makita niya ang sender ay agad siyang nakaramdam nang matinding kaba bago niya buksan ang message upang basahin ang nilalaman nito.



Fʀᴏᴍ : SkyeLeo@email.com

: Go to Tokyo. Welcome me here. Right now.



Shit! What are you doing here?!




•┈┈┈•┈┈┈•┈┈┈•




"About the rumor..."



"Hm?"



Mabilis na napatingin si Damien kay Ren nang marinig niya itong nagsalita patungkol sa rumor na narinig niya noon mula kay Chris. Nakaupo ngayon ang dalawa sa may hagdanan na sa tapat lang naman ng entrance ng gallery. Parehas silang umiinom ng soda habang nakatingin sa may kalangitan kung saan ay kitang-kita nila ang mga magagandang bituwan na tila'y diyamante sa kalangitan.

LOVE AND HEATH (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon