CHAPTER 04

8 3 0
                                    


What the hell am I doing here?



Agad na natigilan si Damien nang mapagtanto niya na nandito siya sa salas ng kanilang bahay kaharap ang kaniyang mga magulang na tila'y hindi ngayon natutuwa sa kaniya. Napaka-blur ng kanilang mukha na halos hindi na makilala ng binata ngunit alam niyang sila itong kaharap niya. Nangyari na ito, bakit nauulit na naman? Ano bang nagawa ko? Wala namang mali kung mas pinili ko ang gusto ko.



"Itigil mo na yang photography mo," wika ng kaniyang ama. "Sa panahon ngayon, wala nang tao ang nagwawaldas ng malaking pera para lang sa isang bagay na kayang gawin ng kahit sino para lang i-display sa kanilang bahay."



What? How could you say that?



"Art is luxury? It doesn't matter anymore. The true luxury in our life is not the most expensive things that we could have whether it's a designer bag, a dress, a shoes, car, or house—it's about how comfortable you are in your life, how peaceful your life that you're living for and that's why I want you to inherit our company, Damien."



You're being unreasonable... I don't want that comfortable life of yours. I don't want any luxury from you. I don't want anything coming from you... Dad...



"Tama ang iyong ama, anak ko," pagsang-ayon naman ng kaniyang ina. "Atleast dito, secured na ang future mo, may hihilingin ka pa bang iba? Wala ka nang proproblemahin pa—"



"No," mabilis na pagtanggi ni Damien habang seryosong nakatingin sa mga magulang niya kahit hindi niya mamukhaan ang mga ito. "Mas gugustohin ko pang mag-hirap doing arts kesa mamuhay sa ginhawa habang nakakulong sa puder niyo."



"ANONG SINABI MO?!"



Matapos marinig ni Damien ang napakalakas na sigaw ng kaniyang ama ay tila bilang nanahimik ang mundo niya. Dumampi sa kaniyang mukha ang kamao ng kaniyang ama dahilan para agad siyang matumba sa sahig habang iniinda ang sakit. Napatayo ang kaniyang ina para awatin ang kaniyang ama ngunit tinignan lang siya nito na tila'y sinasabi nito na tumayo siya dahil hindi siya ganito pinalaki ng kaniyang ina.



Dahil sa inis ng binata ay hindi niya maiwasan na mapakagat sa kaniyang labi dahilan para madagdagan niya pa ang sugat dito at malasahan niya lalo ang dugo na galing sa gilid nito dahin sa pagkakasuntok sa kaniya ng kaniyang ama. Huminga muna nang malalim ang binata bago siya humarap muli sa kaniyang mga magulang ngunit pagkaharap na pagkaharap niya rito ay hindi niya inaasahan ang isang pamilyar na yakap ang sasalubong sa kaniya.



"Tama na... Damien..." isang mahinahon na boses ang bumulong sa kaniyang tenga, napakapamilyar nito, matagal na panahon na rin ang nakalipas. "You have enough... Nandito ako para sayo... hindi ka nag-iisa kahit saan ka man magpunta."

LOVE AND HEATH (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon