CHAPTER 17

10 3 0
                                    


Nakasakay ngayon sa loob ng train pauwi sa Sapporo, Hokkaido sila Damien at Ren dahil halos malapit na rin magdilim. Makatabi ang dalawa sa train seat, at tanging silang dalawa lang ang laman ng wagon. Gising na gising pa rin si Ren at inililibang niya lang ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikinig ng kanta, wearing the other half of his earphones, while looking around. Sa tabi nito ay tulog na tulog na si Damien habang nakatuon ang kaniyang ulo sa balikat ng binata at hati pa silang dalawa sa earphone habang nakikinig sa kanta.



<"Words lined up



"Choose me">



Napatingin si Ren kay Damien at nakita niyang tulog na tulog ito at sunod na napatingin siya sa kamay nito. Dahan-dahan niya itong hinawakan at onti-onti niyang hinigpitan ang pagkakahawak dito na tila'y ayaw niya na itong bitawan. Itinuon muli ni Ren ang kaniyang atensyon sa pakikinig ng kanta habang tumitingin-tingin sa paligid ngunit hindi niya maiwasang mapangiti dahil ramdam na ramdam niya ang init ng kamay ni Damien.



<"I'm desperate because I'm alive



Not to live today



I'm just drowning in the waves of happiness and cuddling...">



-



-



-



"Waaahhh~ Finally! We're back in Hokkaido!"



Humikab muli si Damien sa ikatlong pagkakataon dahil nabigla siya ni Ren sa paggising dahil kailangan na nilang bumaba ng tren bago pa man sila nito dalhin sa kabilang station at baka sila ay mas lalong mapalayo. Nasa station pa rin sila at wala pang katao-tao rito dahil 5:30 pa lang ng umaga. Agad na naglakad si Damien palapit sa isang concrete pillar na nakita niya na tila'y eksakto ito para tulugan nang panandalian atsaka siya sumandal dito sabay pikit ng kaniyang mata. Nakatitig lang si Ren sa binata na parang nagtataka kung ano ba ang gagawin nito sa concrete pillar.



"What are you doing?" Pagtataka naman ni Ren.



"Sleeping?"



Did baasan teach him how to sleep while standing?



"Damien? Damien~? Damien~" pilit na pag-gising ni Ren sa binata ngunit hindi lang siya pinapansin nito. He's truly asleep. Napahinga nang malalim ang binata at ipinagpatuloy pa rin ang pag-gising dahil kailangan na nilang umuwi. "Wake up, I'll walk you home."

LOVE AND HEATH (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon