Hello Kyoto...
"WOAH! SO THIS IS THE STREET?!"
Hindi maiwasan ng ga kasamahan ni Ren na mamangha nang makita nila ang Shirakawa Area kung saan magaganap ang event na naka-locate sa Gion District of Kyoto. May malawak itong space kung saan ay maaaring mag-set up ng sound system sa gilid ng daan para sa banda na magpe-perform mamayang gabi. Napakaraming tao rito at lalong-lalo na mga turista na isang magandang oportunidad para mas makilala pa sila worldwide.
"It's so beautiful here..." bulong naman ni Ren sa kaniyang sarili habang manghang-mangha ito sa nakikita niya. "Ayoko na umuwi."
"Ayoko na umuwi..." natigilan si Ren nang sumagi sa isip niya ang unang beses na narinig niya ang boses ni Damien sa kalagitnaan ng tag-init at sa napakasariwang hangin ng karagatan. Ngayon niya lang napagtanto na ilang araw na baa ng nakakalipas simula nung nangyari ang hindi nila pagkakaintindihan? Masyado siyang naging busy sa kaniyang cram school para sa darating na entrance exam for college admission, hindi rin siya pumapasok sa school, at ilang araw na rin siyang hindi pumapasok sa kaniyang trabaho sa record shop. Ni pag-uwi sa kaniyang apartment ay hindi niya na rin magawa. Kamusta na kaya siya? Ngayon ko lang naisip.
"Nah! Ren!" mabilis na nagising ang diwa ni Ren nang bigla siyang tinawag ng isa niyang kasamahan kasabay ng paghawak nito sa kaniyang braso. "Let's go look all the places here!"
"Oh... Yeah... Sure..."
What kind of a guy am I? Tsk! A terrible one...
•┈┈┈•┈┈┈•┈┈┈•
"Eh?!"
"Eh?"
"Damien?!"
"Chris?"
Nagkatitigan ang dalawa nang hindi nila inaasahan na magkikita sila sa loob ng tren. Parehas silang nakatayo habang katapat ang isa't isa at nakahawak sa handrail upang hindi sila matumba. Hindi makapaniwala si Chris na makikita niya rito si Damien dahil akala niya ay huminto na ito sa pag-aaral at mas pinili niya na lang na subukin ang kaniyang suwerte sa buhay.
"Oh my god! It's been awhile!" hindi na mapigilan ni Chris na taasan ang kaniyang boses dahil sa tuwa. "Are you crazy? Where have you been lately? Why aren't you attending school anymore?"
BINABASA MO ANG
LOVE AND HEATH (BL)
Teen FictionUNCONDITIONAL 01 : Love and Heath Hᴏᴋᴋᴀɪᴅᴏ, Jᴀᴘᴀɴ - Summer classes was a headache for Damien but the moment when he met Ren, who's also his schoolmate, while sitting at the shore and staring at the sea... summer became his paradise. It's full of hap...