Safe
"Come with me sa gym, Nick!" ani Amathea at kinaladkad ko, pagkalabas ko ng building namin.
I groaned frustratingly. Inaantok ako nang sobra. Kulang ang tulog ko kagabi at napilitan lang akong pumasok kanina dahil absent ako kahapon! Kakarating ko nga lang sa school kanina ay uwing-uwi na ako.
"Thea, I just finished my class. I'm so tired, okay? I wanna go home!" himutok ko.
"Sige na, please?" she pouted while showing me her puppy eyes. Napairap ako. As if that would work on me.
"What will you do there ba?"
"Manonood kasi ako ng tryout sa basketball! Isa si Zero sa magiging kalaban ng mga bago! Ang daming pogi mamaya sa gym!"
I yawned uninterestedly. "And you think handsome guys would turn me on? For fuck sake, I'm a handsome man too, Amathea. And I'm fucking straight!"
"Hindi kasi!" tumatawang kumapit siya sa braso ko habang naglalakad. Nagpatianod na ako sa paghila niya. Because I'm too weak to even fight against her. I know I'll never win anyway. "Sasamahan mo lang naman ako. Kahit matulog ka nalang doon! Basta samahan mo lang ako! Nahihiya akong maglakad mag-isa sa field eh. Ang daming lalaking nakatambay doon."
Kumunot ang noo ko. Bakit naman siya mahihiya?
Kwento siya nang kwento habang tango lang ako nang tango sa kaniya, paminsan-minsan ay humihikab parin. Attentive naman akong nakikinig sa kwento niya, inaantok lang talaga ako.
Pagdaan namin sa field ay tama siya. Marami ngang lalaki ang nakatambay dahil labasan na ng ibang department. Some girls even looked at us and greeted me.
"Nickkkk!"
Until a loud voice shouted my name. Napatigil kami sa paglalakad at hinarap ang babaeng tumatakbo sa gawi namin matapos magpaalam sa mga kausap niyang babae.
Ngumiti pa sa akin ang mga ito at kumaway, kaya tinanguan ko pabalik. Naghagikhikan agad ang mga ito at pinaghahampas ang isa't-isa. I just shook my head and yawned again. I'm really so sleepy, damn it! Why did I even ran with Amathea of all people? Wala tuloy akong takas sa babaeng ito!
"Inaantok na naman siya! Puyat 'yan kagabi panigurado!"
"Ang attractive talaga ng sleepy eyes ni Nick!"
"Alam ko kung bakit! I heard it's Deco's birthday yesterday. May party sa bahay ni Flamora!"
"But what happened to Nick's bruise on his lip? Nakipagsuntukan ba siya?"
The girls we passed by murmured loudly to each other, which I heard.
As if on cue, my brows furrowed upon remembering the cut on my lip. Bumalik 'yong iritang naramdaman ko nang hawakan ang labi. Hindi man lang bumalik para panindigan ako! Tss! Sumama pa sa iba!
"Hi!" Fleur stopped in front of Amathea and me. They greeted each other before she clung into my other arm. Now, I'm in the middle of them as we walked towards the gym. "Sa gym din kayo? Manonood kayo ng practice ni Zero?"
"I didn't see you two in Flamora's house last night,"
"I was in Batangas yesterday. Kakauwi ko lang kagabi at pagod na pagod ako kaya hindi na ako pinapunta ni Deco. Pero may date naman kami mamaya!" Amathea answered cheerfully.
I nodded at her.
"Me too! May family bonding kasi kami kagabi. Minsan lang hindi busy sila Mommy kaya inuna ko muna 'yon." ani Fleur.
Tumahimik nalang ako sa sagot nila. I sighed when I felt a slight pang in my chest. Bigla ay nainggit ako sa sinabi ni Fleur. I wished Mom and Dad would give us some of their day off too. I wished they would also consider being a parent to us and not just being a Doctor to their patient all the time.
BINABASA MO ANG
Rainbows After the Rain (Fuck and Forget Series #1)
General FictionThere's always a rainbow after the rain. The hope that comes after the pain.