20.

13K 438 437
                                    

Finished

Kumain muna kami sa isang restaurant inside the resort. Libre ko parin. It was still on me and it was already taken cared of. Kahit anong gawin namin sa resort, bayad na iyon.

"Kuya! Shrimp! Peel me! Please!"

I was peeling the shrimp for Killian nang maunahan ako ni Kaede. Nagbaba siya ng tatlo sa plate ni Killian.

"Here," he smiled at my brother.

"I don't want that!"

"Killian," I said in a warning voice.

"Fine," he pouted before eating the shrimp Kaede peeled for him.

Puro sea foods ang inorder ko because I heard Kaede and Amathea were craving for it while they were talking earlier.

Nilagay ko nalang sa plates ni Kaede ang shrimp na binalatan ko. I also opened crabs for them. Inuna ko muna silang dalawa bago ko inasikaso ang sarili ko.

"Where the hell is Lade?" Xerces asked while peeling shrimp for Francheska. Deco and Zero were peeling for Frio. Asikaso no'ng dalawa.

Nilibot ko ang paningin sa buong resto. Ang sabi kasi ni Lade ay susunod naman daw siya agad. Gagong 'yon. Hindi pa ba siya tapos?

"Mamaya na raw siya. Nakita ko 'yon papunta sa comfort room. May kasamang babae amputa," I shook my head.

Ang laki pa ng ngisi no'ng gago habang hinahalikan 'yong babae kanina. Sa harap ko pa mismo! Diring-diri akong nakaside-eye sa kanila.

"What the hell, dude?" Humalakhak si Zero.

Tanginang 'yon. Wala talagang pinipiling lugar.

"Gago talaga 'yang si Lade. Hindi na ako magtataka kung makabuntis 'yan sa kaliwa't kanang babae niya. Grabe! Noong nagpaulan yata ang diyos ng kabaitan, ayon si Lade sa langit, winawagayway ang bandera niyang pula."

"I can fix him!" Fleur said to Amathea jokingly, which made all of us laugh.

Fix him? I doubt that. Hindi softie ang makaka-ayos sa gagong 'yon. We need someone who's wilder enough to blow his mind, or even wilder than Lade himself to tame him.

"'wag na, Fleur! Hindi mo 'yon kayang ayusin, sirang-sira na 'yon. Huwag kang feeling main character d'yan. Extra lang tayo rito."

"Magjejetski ba tayo tomorrow?" Pag-iiba ni Frio ng usapan. Everyone's attention went to him when he asked that.

"Gusto mo ba?" Xerces asked while feeding his sister with his own barehands.

Frio nodded, looking away from Xerces.

"Gusto kong i-try 'yong jet ski na bigay ni Lade..."

Biglang natahimik ang table namin. Tumango lang si Xerces at hindi na umimik. Si Frio naman ay nakayuko narin sa gilid ni Zero. And I could feel Deco's glares on Xerces side.

Naramdaman ng lahat na may hindi magandang nangyayari sa dalawa. Kaninang umaga pa sila ilap na ilap sa isa't-isa.

"Ay tanginang jet ski 'yan, may bad memory ako d'yan eh!" Amathea said to lit up the air, when the atmosphere suddenly felt heavy.

Biglang humalakhak si Fleur at 'yong dalawang kaibigan nilang lalaki. Si Flamora naman ay ngumisi lang habang sinusubuan si Amathea na nakasimangot na.

"Rate?"

"R-18."

What the? Nagtawanan kaming lahat. Nagtakip ako ng bibig gamit ang kamao dahil ngumunguya ako habang tumatawa. Gano'n kabilis na nawala ang mabigat na atmosphere sa paligid.

Rainbows After the Rain (Fuck and Forget Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon