13.

12K 406 468
                                    

Trust

"Tagal mo," reklamo ni Lade pagkapasok ko sa kotse niya.

Hindi ko siya pinansin dahil masyadong maganda ang mood ko para mainis pa ako sa kaniya dahil lang friends sila sa Facebook.

"Why are you in their house by the way?"

"Namamanhikan.."

Sumulyap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay habang nakangisi.

"Kay Kaede?"

"Kay Veneer," kunot-noong sagot ko.

Gago? Bakit naman ako mamamanhikan kay Kaede? Ano 'yon, aasawahin ko siya?

Nagpapagood shot nga ako para maging friends na kami. Para i-unblock niya na ako sa Facebook. Ang taas nga lang ng pride niya. Nilabhan ko na ang damit at lahat-lahat, hindi parin ako in-unblock. Tss!

Paniguradong magugulat 'yon mamaya pag-uwi niya dahil wala na siyang gagawing school works. Kung tutuusin, ako halos ang gumawa ng lahat. Sana man lang pag-bukas ko mamaya ng Facebook ay in-unblock niya na ako! Para kahit papaano ay matuwa naman ako sa kaniya!

But anyway, I'm good with the fact that he ate the food I cooked despite it's awful taste. Hindi ko alam pero masayang-masaya talaga akong malaman iyon. In fact, it's just a small thing. Pero sabi nga nila, small thing matters.

Napahawak ako sa labi at napangisi. Ah.. I'm so eager to learn more about cooking so I can finally make tita Vi proud.

"Who's making you smile? Should I be jealous?" ani Lade habang pasulyap-sulyap sa akin.

"Tado," tinawanan ko siya. Fuck. I'm such in a good mood.

Pagka-uwi namin sa bahay ay umalis din siya agad. Inaya ko nga maglaro muna kaso may lakad pa raw, dinaanan lang talaga ako.

"Kumain kana, baby?" Hinalikan ko si Killian sa pisnge nang makita ko ito sa living room with Chela. Nanonood ang mga ito ng anime.

Killian excitedly stood up upon seeing me, like he found someone to play with.

"Not yet po, kuya!"

"Hinintay ka ho niyang umuwi, sir.." nakangiting sabi ni Chela habang hinahaplos ang buhok ni Killian.

I bite my lower lip when conscience rushed through me. I gulped. Shit. I should've came home early. He must be lonely..

I sighed. "I'm sorry baby kung natagalan si kuya. May ginawa kasi akong importante. Tara? May dala akong ulam."

Tumango siya bago lumapit sa akin. Inalalayan ko pababa ng couch, habang ang paningin niya ay nasa supot na dala ko, nakukuryoso.

"What ulam is that?"

"Caldereta, baby.."

"What's caldereta po?"

"Come on, I'll show it to you.." hinawakan ko ang maliit na kamay niya at dinala ko sa kitchen.

Walang mga maids sa kitchen because it's lunch time. They're probably eating in their headquarters.

Hinila ko ang upuan gamit ang paa at agad kong binuhat si Killian paupo doon. Kumuha ako ng utensils at binaba ko sa countertop. Tumayo pa siya sa upuan para silipin ang laman ng transparent Tupperware na dala ko.

"It looks familiar.." aniya nang makita iyon. "and delicious."

"Masarap talaga 'to, baby. The woman who made this is a good cook like Chela as well."

"Is she your girlfriend?"

Natawa ako nang singkitan niya ako ng mata. Sa tuwing may nababanggit akong ibang tao sa kaniya, iniisip niya agad na girlfriend ko.

Rainbows After the Rain (Fuck and Forget Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon