38.

11.7K 387 439
                                    

Warning: Trigger Warnings ahead. Please read at your own risk.

KAEDE

Miss

"Wala kang kwentang bata ka!"

Kinagat ko ang ibabang labi, pigil na pigil ang pumalahaw ng iyak nang tumama sa pwet ko ang sinturon ni Papa.

"Ang sabi ko sa 'yo manglimos ka ng pera sa kalye! Ang sabi ko lakihan mo! Tapos eto lang ang dala mo?! Isang daan?! Pulos tagpipiso?!"

Pigil na pigil ko ang umiyak. Kasi mas nagagalit siya kapag umiiyak ako. Pinagdikit ko nalang ang dalawang palad at pigil na pigil ang hikbi.

"S-sorry po, tatay... I-iyan lang po kasi ang b-binigay nila sa akin..."

Pero ang totoo niyan ay bumili ako ng pagkain. Gutom na gutom na ako kanina kaya kumupit ako sa perang pinanglimos ko at bumili ng biscuits.

"Wala akong pakialam! Sa susunod ay damihan mo!"

Pinalo niya ako nang pinalo hanggang sa magsawa siya. Sinipa niya pa ako kaya tumalsik ako sa halos malapit ng mawasak na pinto. Napasinghap ako at agad na kinagat ang labi para hindi mapaiyak nang malakas.

"Heh! Lumayas ka nga sa harap ko! Wala kang kwenta!"

That was the sign I was waiting for. Tumayo ako agad at tumakbo sa kwarto ng nakakababatang kapatid kong babae. Sumisilip ito sa siwang ng sira naming pinto at umiiyak. Agad ko itong niyakap para hindi siya matakot.

"K-kuya..." Nanginginig siyang yumakap sa binti ko pagpasok ko sa kwarto. "T-takot po ako kay tatay..."

"Shh," I hugged her. "Hindi ka masasaktan ni tatay hangga't nasa tabi mo ako, okay?"

"P-pero..."

Kinuha ko ang dalawang biscuit na oreo sa ilalim ng aking damit at pinakita iyon sa kaniya.

"Surprised!"

Her eyes widened. Agad na kumislap ang basa niyang mga mata at pilit na inaagaw ang hawak ko.

"Oreo! Oreo!"

"Shh! Shh!" I hushed her. "Huwag kang sumigaw. Baka marinig ka ni tatay at paluin niya tayo pareho..."

Nanlaki ang mata niya at mabilis na tinakpan ang bibig. Natawa ako bago binuksan ang oreo at pinakain ang kapatid ko. Takam na takam ako habang pinapanood ito. Pero nakakain naman ako kanina... unahin ko muna siya. Mas bata siya sa akin. Mas kailangan niya ang pagkain dahil mas mabilis siyang dapuan ng sakit.

"Ano na naman ang ginawa mo sa anak ko, Kiko?! Walang hiya ka! Wala ka talagang kwenta! Puro ka lang inom! Puro ka bisyo! Habang ako ay naghihirap na maglabada sa kabilang bahay!"

Nagsisigawan na naman sila Mama at Papa sa labas. Palagi naman nilang ginagawa ito kaya halos masanay na ako. Ngunit ang kapatid ko ang palaging kawawa sa tuwing ganito. Dahil hindi parin siya nasasanay at nakakaramdam parin ng takot.

Sa totoo lang ay naaawa ako para sa aming dalawa. Sa ganitong murang edad, para kaming pinarusahan ng mundo sa buhay na binigay sa amin ng langit.

"K-kuya..." nanginginig na nakayakap sa akin si Veneer habang umiiyak. "Takot po ako..."

Tinakpan ko ang tenga ng aking kapatid na mahigpit na nakayakap sa akin habang umiiyak. Pinikit ko ang mata pinipilit huwag mapangiwi sa hapdi ng pwet ko. Ramdam ko ang mga sugat doon sanhi ng pagpalo sa akin ni Papa kanina. Ngunit kailangan kong indahin iyon dahil mas kailangan ako ng kapatid ko ngayon.

"Shh, shh..." pilit ko parin  itong inaalo kahit nininerbyos na rin ako. "Nandito si kuya, okay? Hindi ka iiwan ni kuya. Hindi ka masasaktan ni tatay..."

Rainbows After the Rain (Fuck and Forget Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon