37.

10.9K 369 544
                                    

Warning: Trigger Warnings ahead. Please read at your own risk.

Rain

"Meow..."

Pinunasan ko ang mukha nang maramdaman na may mabalahibong humaplos sa hita ko.

I looked down to see Vivi rubbing her fur on my leg. I realized I was still kneeling when Vivi pushed me using his head, as if urging me to stand up.

"Meow!" she hissed angrily when I didn't move, as she keeps on pushing me using her head.

Tumayo na ako at binuhat ko siya. Kahit sobrang nanghihina at umiiyak ay kinuha ko lahat ng gamit namin sa condo. Wala akong tinira kahit isa. Pero marami akong iniwang ala-ala na hindi ko madadala at mananatili lang sa kwartong iyon.

"A-ayos lang ho kayo, sir?" nag-aalalang tanong ng mga lipat-bahay mens dahil kanina pa ako umiiyak habang kinukuha ang mga gamit ko.

I nodded at them.

"I-I'm fine. J-just please get all of my things and d-deliver them in this address…" humihikbing inabot ko sa kanila ang isang papel, nanginginig ang mga kamay.

Kinuha nila iyon, nagkatinginan pa, at bakas parin ang pag-aalala sa mukha. I gave them a small nod. Wala silang nagawa. Napakamot nalang sila ng ulo bago sumakay sa sasakyan nila at umalis.

I looked up to the huge building and I sighed soundly. Niyakap ko si Vivi at hinaplos ang balahibo nito. Nang humangin nang malakas ay pinikit ko ang mata, tahimik na dinama iyon, at huminga nang malalim.

"Omyghod! Felix!"

Mom hysterically shouted when I almost fell on the ground right after I stepped inside the house.

Humawak ako sa pinto para subukang i-tayo ang sarili pero dumulas lang din ang kamay ko at bumagsak sa carpeted na tiles.

"Honey! Flamora! Come here! Your brother!"

Tarantang tumakbo sa akin si Mommy nang humiga na ako sa sahig. Pinatong ko ang kanang braso sa mga mata at doon umiyak. Hindi ko na inisip kung malinis ang hinihigaan ko o hindi. Sobrang durog na durog ang puso ko ngayon. Ni hindi ko alam kung paano ako nakauwi nang ganito kalasing.

"Felix! Omyghod! What happened to you, son?!" naiiyak na hinawakan ako ni Mommy.

Kinapa ko ang nanginginig na mga kamay ni Mommy at hinawakan iyon. I rubbed it in my wet cheek and cried loudly. I pursed my lips, like a kid who wants to tell her a lot of things.

"He broke up with me, Mommy..." umiiyak na sumbong ko.

Narinig ko ang maraming yabag ng paa palapit sa amin. Ngunit umiyak parin ako nang umiyak habang yakap ang kamay ni Mommy.

"Felix..." I felt Flamora's hand on mine.

Inabot ko ang kamay niya habang hawak parin ang kamay ni Mommy.

Flamora was caressing my hair. When I squinted my eyes to look at her, I saw her staring at me worriedly. Dad was standing behind her whose eyes were also filled with worries.

"Iniwan niya na ako. Flamora, si Van... iniwan niya ako. He choose his dreams. He left me..."

"Felix..." she sighed.

"H-hindi ba pwedeng nasa tabi niya ako habang inaabot niya ang mga pangarap niya, Flamora? Bakit siya aalis? Bakit niya ako kailangang iwan?"

Inaninag ko siya. Nakita kong nagkatinginan silang tatlo, parehong nag-aalala.

"Flamora, please... I want him. I want him back. Please... do something. Give him back to me. Please... Ibalik mo siya sa buhay ko. Hindi ko kaya, Flamora. Hindi ko kaya nang wala siya, please..." I squeezed her hand, desperate to ask for her help.

Rainbows After the Rain (Fuck and Forget Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon