07.

16.2K 469 695
                                    

Learn

Natapos na akong maligo ay hindi parin lumalabas si Kaede sa kwarto niya, pagkatapos ako nitong talikuran kanina sa banyo.

I don't know if I said something wrong but I meant what I've said. I really didn't want him to feel that he needs to adjust and become someone else in front of me so I wouldn't hate him.

Hindi ako closed minded. Hindi sarado ang isip ko sa mga bakla. Katulad lang ako ng iba na walang pakialam as long as hindi rin ako pinapakialaman. Kasi bakit naman ako mangingialam sa kaniya kung masaya naman siya sa totoong siya?

Hindi ko naman siya pinapalamon para mag-express ako ng opinion. Mas lalong hindi ako ang bumubuhay sa kaniya para manghusga. Kung ako din naman ang papakialaman o huhusgahan ng iba ay magwawala rin ako sa galit.

I sighed for the ninth time. Bumalik ako sa tapat ng pinto ng kwarto niya at sumandal sa gilid ng pader. I slide my hand arm in my shorts pocket— which I just borrowed from him— and knocked on his door.

"Van..." I called him.

Walang sumagot sa loob. Kung hindi ko lang nakita na pumasok siya kanina rito, iisipin kong wala siya sa loob. Hindi naman soundproof ang kwarto niya pero kahit mahinang kaluskos wala talaga akong marinig.

I sighed again. "I'm hungry..."

Hindi naman talaga ako gutom. Nagdadahilan lang. And it was my gut telling me to use that excuse if I want to force him out.

Hawak ko ang labi habang nakadikit ang ulo sa may pader nang marinig ko ang pagpihit nito ng doorknob at bumukas iyon. Ang paa nitong naunang lumabas ay napatigil nang makita niya akong nakababa ang tingin sa kaniya.

"What were you..." I trailed off upon noticing his swollen bloodshot eyes.

My brows furrowed as I tilted my head to see it clearly. What the fuck? Did he cry?

"Umiyak ka ba?"

"Hindi..." mahinang sagot niya, iniwas agad ang ulo dahil tinitigan kong maigi sa mata. "Napuwing lang ako. Kukuha lang ako ng pagkain sa karinderya. Maghintay ka rito..."

Ngunit hindi ako naghintay dahil sumunod ako sa kaniya palabas.

The sunlight hit my skin upon stepping out of their main door. Tiningala ko ang araw ngunit iniwas ko rin agad ang tingin, halos magkulay dilaw ang paningin sa paligid.

Pinikit ko ang mata at tinakip ang palad ko sa aking mukha mula sa nakakasilaw na liwanag. Some people— especially the girls— who was walking back and forth in front of me, stopped and turned their heads at me.

I didn't look at them when I walked towards the karinderya. It was a mess. The staff were walking back and forth, serving the customers orders. Marami agad ang customers ni tita Vi kahit tanghali pa lang.

Pumasok ako sa loob kaya napalingon sa akin ang iba. Ang ibang mukha na pamilyar sa akin ay tinanguan ko lang bago ako naglakad papasok sa kusina nila. There I found Van holding a small bowl while putting caldereta in it.

Napansin ko ang Iba't-ibang bowl sa dalawang tray na nakalagay sa gilid niya. Iba't-ibang putahe iyon nang masilip ko, na hindi ko alam kung sinabi ba ni tita Vi o coincidence lang na iyon ang madalas na order ko sa tuwing dito kumakain sa karinderya.

"Is these all for me?"

"Pucha!" napatalon siya sa sobrang gulat dahil sa biglang pagsulpot ko sa kaniyang likuran, muntik pang mabitawan ang bowl na hawak niya.

Natatarantang binaba niya iyon sa mesa at humawak sa dibdib, bago ako sinamaan ng tingin.

"Ano ba?! Huwag mo nga akong gulatin!"

Rainbows After the Rain (Fuck and Forget Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon