25.

12.2K 431 201
                                    

Fallen

Daldal nang daldal sa akin si Veneer nang magpaalam si tita na may pupuntahang kapitbahay, ngunit nakalutang ang isip ko.

Gusto ko na agad makita si Kaede at sabihin ditong gusto ko siyang ligawan. Kaso baka magulat. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko gawin.

"Hindi ka naman nakikinig eh!" pinalo ako ni Veneer sa braso nang marealized nitong ni isa sa sinabi niya, hindi pumasok sa utak ko.

Ni hindi ko alam kung naiintindihan ko ba sa bilis niyang magsalita.

"Sorry. Iniisip ko 'yong kuya mo. Pwede ko na ba siyang puntahan? Kanina ko pa 'yon gustong makita eh." I sighed.

"Grabe! Hindi halatang down bad malala ka kay kuya ah? Hmp! Sige na nga! Puntahan mo na!" natatawang sabi pa nito.

Napakamot ako ng ulo ngunit tumayo rin ako at pinuntahan si Kaede sa karinderya. Kaso nasa labas palang ako ay rinig ko na ang malalakas na boses na pamilyar na pamilyar sa akin.

"Pucha," I sighed frustratedly upon seeing my circle, who occupied the biggest table inside.

Si Deco, Sandro, Kith, at Dell lang ang wala. Ang iba ay nandito.

"Good morning, sleeping beauty!" asar na sigaw ni Amathea nang makita ako.

Napalingon tuloy sa akin ang lahat at naghagalpakan sila ng tawa. Tumayo pa si Xerces para salubungin ako at suntok sa balikat.

Napahilamos ako ng mukha. Fuck! So alam nilang dito ako natulog? Minsan salamat, pero madalas putangina mo talaga Lade. Ang kapal ng mukha mong i-chismis akong gago ka!

"Yo, Nick!" nakangising umakbay sa akin si Xerces. "Grabe! The last time I checked hindi ka naman dito nakatira, dude. Pero napapadalas ka yata rito?"

"May nabalitaan din ako sa mga tao rito." Zero also stood to wrap his arms on my neck. "Malala raw ang tama mo, Nick?"

My brows furrowed.

"Anong tama? Hindi naman ako na-aksidente. Mas lalong hindi ako nabaril!"

Tanginang chismis 'yan, mali naman. Sana pinakalat nilang may gwapong tambay sa kastel ni tita Vi. Para naman dumami ang customers niya.

"Gago, malala nga. Akala ko nagjojoke lang ang mga tao rito." Halakhak ni Zero.

Napasimangot ako. Naglakad kami sa table nila at binati ako ng iba.

"Ano bang ginagawa niyo rito?" Frustrated kong tanong sa kanilang lahat. Sinamaan ko nga ng tingin ang nakangising si Lade, pero ngumiti ako kay Frio.

"Bakit, Nick? Ikaw lang ba ang pwedeng gumala rito?" Nakataas ang kilay ni Fleur.

"I'm here for the cute girls," Flamora winked at me.

Sinamaan ko ito ng tingin. She only laughed and excused herself to pee. Ulol.

"Ako, Cai..." and I turned my head to Frio who just smiled cutely. "Nandito ako kasi nandito sila..."

"Aw, ang cute naman ng kaladkarin na 'to!" ani Amathea na pinisil pa ang pisnge ni Frio.

"Mashaket, Thea.."

We all laughed when Frio frowned.

Nang mangibabaw sa pandinig ko ang tawanan sa isa pang malaking table ay napalingon ako ro'n. I saw the members of our varsities including Casper and that walking pancit canton. Tumaas nga lang ang kilay ko nang makita ang bago nitong gupit. Low taper fade.

I scoffed in disbelief. Bigla gumapang sa katawan ko ang irita at umakyat sa ulo. Ano 'to? Change of looks? May gustong pormahan?

Nakikipagtawanan ito kay Casper ngunit pansin kong pasulyap-sulyap sa may kusina. Nang malinungan ko at makita kung sino ang tinitingnan ay uminit na naman ang ulo ko. Dukutin ko ang mata nitong asungot na 'to eh.

Rainbows After the Rain (Fuck and Forget Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon